Ni Shi Wo Xin Nei De Yi Shou Ge

Post Info 1 year ago by karmi

saktong alas-dose ng gabi. di pa ako inaantok kaya naisipan kong maghanap ng bagong chinovela na pwede kong mapanood ulit. meron naman akong nakita, kaya lang badtrip - wala kasing english subtitle. lalo ko tuloy ginustong matuto nang mag-chinese/japanese/korean. kahit alin sa tatlo para di ko na kailangan pa ng english subtitle.

gusto ko na ring matutuong mag-chinese/japanese/korean para maintindihan ko na ung mga kanta nila. maganda kasi sa pandinig ko ung mga love song nila. ang lambing pa ng boses. kaya mas OK ata kung naiintindihan ko na talaga ung sinasabi nila. mas mararamdaman mo ung kanta, di lang dahil sa ganda ng melody kundi dahil sa meaning nito.

nung Meteor Garden Fever pa, way back 2000(?), eh nagustuhan ko ung ending song nito. Ni Yao De Ai ung title. nakabisado ko na ata ung lyrics nung kanta dahil lang sa pakikinig dito. malungkot ung kanta, malumanay kasi ung boses nung singer. ito ung unang-unang chinese song na nagustuhan ko.

dahil sa wala talaga akong magawa, naisipan kong sabayan ung kanta at i-record.. ito ung kinalabasan..


Ni Yao De Ai

pwede na ba akong chinese singer? malamang practice pa.. :)

syempre, bago ko kinanta hinanap ko muna ung english translation nito para malaman ko kung ano ba ung pinagsasasabi ko. ito ung isang stanza sa kanta.

Although I have never doubted you
I still feel uneasy
Who is your one and only
Forgive me for doubting myself

okkk.. *isip-isip*

sabi ko di na ko magda-drama eh.

oh well, di na ko si karmi kung di na ko magiging emo paminsan-minsan.. ^_^ 


*You Are a Song in My Heart

Post a Response Comment icon Posted November 16th, 2007 at 1:27 am

7 Responses to “ Ni Shi Wo Xin Nei De Yi Shou Ge ”

  1. Parisukat

    ako din eh gusto ko din matuto mag japanese. huhuhuhuh kz pagod nako kaakbasa subtitles sa anime at manga

    apir tayo dyan parisukat!!!!

  2. kingdaddyrich

    is that yu singin?! gad!! yu have a very sweet voice!

    opo kuya ako po ung parang bumubulong.. hehehe.. salamat po.. *hiya*

  3. komski kuno

    hindi ako nakakuha ng jap language class ngayong sem pero next year, hehe. as if i would really learn, hehe. Natatandaan ko yang song kasi the title was used as the admin password nung lab technician namin nung hs, haha (and my classmates wondered how i knew). Gusto ko rin niyan, tsaka yung “I Believe” sa My Sassy Girl=)

    mas gusto kong matutong magchineses kesa japanese.. aus un ah, hehehe.. talagang admin password, fanatic? :) maganda din ung I Believe.. waaaa, My Sassy Girl….. hay…

  4. ignoramus
    ignoramus

    wow naman karmi… (parang close eh, noh!) Madramang tagpos nanaman sa meteor garden ang napapaalala neto. wahahaha… I wonder if life is just a parody of meteor garden… hmmmmmmmn.

    sige close na tayo! :)
    mejo mada-dramang tagpo nga ung naaalala ko dahil sa kanta.. hayyy…
    life is a parody of meteor garden — pwede.. ung ibang tagpo dun.. hay naku, gusto kong maging si Shancai! ^_^

  5. rHo
    rHo

    alam mo, yung My Sassy Girl ang patay na patay ako talaga! hahahaha! ang ganda-ganda kasi…

    iha, marunong ka nmang magsalita ng hapon ah! see?? at nakkakanta pa… galeeeenggg!

    musta ka na?! meron akong weird feeling… i’ll call you one of these days! i hope oks ka lang.. :) missshuuuu sis!

    ay mish u na rin!!! waaaa, and you’re back.. ^_^

    ay oo, ganda talaga ng My Sassy Girl.. hay nku, kahit ilang beses ko atang panoorin un, di ako magsasawa..

    hahaha.. bali-baliko nga ung chinese ko.. pero pwede na.. :)

  6. Aisha

    hehe naks ang gaganda tlg ng mga chinese songs nu and
    pag marunung ka ng chinese language
    kht waiter ka lng sa resto high pay ka
    HAHA gnyan to ka indemand ngaun e

    diba marunong ka sis? :) u r so lucky!! hhehe..
    have to learn na!!!

  7. camille

    abaaa…. di lang pla magaling na dancer ha, singer pa.

    kyut naman. paulit ulit ko play hehe. ;-)

    nyahaha.. ulit-ulitin ba ate? :P

Leave a Reply

Get updates as often as we post! Subscribe to our full feed or comments feed.