idlip.net

14 Comments » November 17, 2007 » 848 days ago
blabbers

huwebes pa lang ng gabi, pinagiisipan ko na kung itutuloy ko ba ang pagbili ng sarili kong bahay dito sa WWW.. nag-email na rin ako kay ate melai tungkol dito, nagtanong-tanong kung magkano ba monthly at kung san ba magandang kumuha ng hosting.. sabi nya, check ko daw sa bigskymedia.net.. chineck ko ung site, ok naman ung rates nila.. kaso, di ko alam kung pano magbabayad.. sabi ni ateng, pwede daw paypal o money order.. pwede, pwede.. kaso nagtatatlong-isip pa rin ako..

bakit ko nga ba gustong kumuha ng sarili kong domain? gusto ko lang.. ^_^ ilang beses ko ring pinlano ‘to pero di matuloy-tuloy.. dahilan? madami… una, ayokong umalis bilang isang manilenya.. un lang, ayoko talaga! pero gusto ko rin ng may sarili akong bahay para madami rin akong magawa, hindi lang blog.. pwede na rin akong maging problogger kapag nagkataon.. (dream on karmi!) hehehe.. pangalawa, nahihiya na rin ako sa mga nasa link page ko.. magpapalit na naman kasi sila ng link para lang sa akin.. *hiya* sabi nga ni komski, malaking factor din un dahil mawawala daw ung readers ko (kung meron man).. pero madali namang solusyunan un diba? ili-link nyo naman ako kapag naglipat ako diba? :D pangatlo, kung lilipat man ako, kailangan ng pangalan ng blog.. un un eh.. un naman talaga ang dahilan kaya rin di ko talaga gustong lumipat ng blog.. anong itatawag ko sa blog ko.. sa dami ng bloggers ngayon, nakuha na nilang lahat ng pangalan na pwedeng gamitin.. ayoko namang gamitin ung pangalan ko.. gusto ko ung blogname na madadala ko hanggang sa pagtanda (kung blogger pa rin ako by that time).. may nagsuggest (kilala mo kung sino ka), bakit di na lang daw idlip? hmmm.. pwede, kaya naman naisip ko, idlip.net…

aus na.. yan lang naman ung problema ko, pero may solusyon na namang naibigay.. feasible nga naman ata ang pagbili ko ng sariling bahay.. nakahanap na rin ako ng hosting site, mura lang at libre pa ang domain name kapag 2 yrs. kang member.. pwede na..

naglog-in ako dun sa site, at nilagay ang nais na pangalan.. aus, available daw, kailangan ko na lang magfill-up ng form.. pangalan, address, at ung credit card number ko.. ito na nga ata talaga, magkakaroon na ako ng sariling websyt! pag-click ng submit, sabi, processing.. ok.. ito na…

kaso, error daw..

sabi, Cannot process current transaction. Credit card declined.

what?! declined? chineck ko ung card number, tama naman.. expiration date, tama rin.. anong mali? :(

…. naisip ko, kulang ata sa pondo ung card ko kaya di tinanggap.. baka nga.. so kailangan ko pang maghintay ng katapusan bago ko magamit ung card..

natatawa lang ako sa sarili ko. di ko man lang inisip kung may pera ba akong pambili ng websyt! hahaha.. oh well, sa katapusan na lang talaga.. pa-christmas ko na lang sa sarili ko.. ^_^

sana lang available pa rin ung domain name at that time kundi problema na naman ito….

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.