idlip.net

Add comments November 17, 2007 » 853 days ago
blabbers

huwebes pa lang ng gabi, pinagiisipan ko na kung itutuloy ko ba ang pagbili ng sarili kong bahay dito sa WWW.. nag-email na rin ako kay ate melai tungkol dito, nagtanong-tanong kung magkano ba monthly at kung san ba magandang kumuha ng hosting.. sabi nya, check ko daw sa bigskymedia.net.. chineck ko ung site, ok naman ung rates nila.. kaso, di ko alam kung pano magbabayad.. sabi ni ateng, pwede daw paypal o money order.. pwede, pwede.. kaso nagtatatlong-isip pa rin ako..

bakit ko nga ba gustong kumuha ng sarili kong domain? gusto ko lang.. ^_^ ilang beses ko ring pinlano ‘to pero di matuloy-tuloy.. dahilan? madami… una, ayokong umalis bilang isang manilenya.. un lang, ayoko talaga! pero gusto ko rin ng may sarili akong bahay para madami rin akong magawa, hindi lang blog.. pwede na rin akong maging problogger kapag nagkataon.. (dream on karmi!) hehehe.. pangalawa, nahihiya na rin ako sa mga nasa link page ko.. magpapalit na naman kasi sila ng link para lang sa akin.. *hiya* sabi nga ni komski, malaking factor din un dahil mawawala daw ung readers ko (kung meron man).. pero madali namang solusyunan un diba? ili-link nyo naman ako kapag naglipat ako diba? :D pangatlo, kung lilipat man ako, kailangan ng pangalan ng blog.. un un eh.. un naman talaga ang dahilan kaya rin di ko talaga gustong lumipat ng blog.. anong itatawag ko sa blog ko.. sa dami ng bloggers ngayon, nakuha na nilang lahat ng pangalan na pwedeng gamitin.. ayoko namang gamitin ung pangalan ko.. gusto ko ung blogname na madadala ko hanggang sa pagtanda (kung blogger pa rin ako by that time).. may nagsuggest (kilala mo kung sino ka), bakit di na lang daw idlip? hmmm.. pwede, kaya naman naisip ko, idlip.net…

aus na.. yan lang naman ung problema ko, pero may solusyon na namang naibigay.. feasible nga naman ata ang pagbili ko ng sariling bahay.. nakahanap na rin ako ng hosting site, mura lang at libre pa ang domain name kapag 2 yrs. kang member.. pwede na..

naglog-in ako dun sa site, at nilagay ang nais na pangalan.. aus, available daw, kailangan ko na lang magfill-up ng form.. pangalan, address, at ung credit card number ko.. ito na nga ata talaga, magkakaroon na ako ng sariling websyt! pag-click ng submit, sabi, processing.. ok.. ito na…

kaso, error daw..

sabi, Cannot process current transaction. Credit card declined.

what?! declined? chineck ko ung card number, tama naman.. expiration date, tama rin.. anong mali? :(

…. naisip ko, kulang ata sa pondo ung card ko kaya di tinanggap.. baka nga.. so kailangan ko pang maghintay ng katapusan bago ko magamit ung card..

natatawa lang ako sa sarili ko. di ko man lang inisip kung may pera ba akong pambili ng websyt! hahaha.. oh well, sa katapusan na lang talaga.. pa-christmas ko na lang sa sarili ko.. ^_^

sana lang available pa rin ung domain name at that time kundi problema na naman ito….

Mga Kahalintulad na Posts



14 Responses to “ idlip.net ”

  • joiz says:

    naku sana nga available pa nga siya sa katapusan… gusto man kita tulungan e credit limit reached na ako sa cc ko, ikaw na ang magpaka-addict sa pagbili ng sapatos at damit at pagkain para maagang pabirthday kuno sa sarili haaaay :-/

    sana nga ate..
    nyahaha, we deserve it ate!! ^_^

  • komski kuno says:

    Naku, ba’t mo pinublish yung domain name? baka may bumili niyan ‘tas ibenta sa ‘yo ng mas mahal, hehe.

    Hindi naman sila mawawala [readers], siyempre hahanapin ka nila=) change lang ng link. Naalala ko lang yung nangyari sa akin na, “sasabihin ko ba sa lahat na ‘to na iedit ang code nila?”, hehe.

    nyahha, eh di kapag di na pwede ung pangalan, isip ka na lang ulit! lol

  • Pepe says:

    Wow Karmi, big leap yan ha-ha….! I like people who have great confident sa self nila kasi nakaka-inspire….! Go girl and best of luck for your plans….! =D

    wow, salamat po sa comment kuya.. nakakataba ng puso.. ako? confident.. hmmm.. ^_^

  • ann says:

    Bakit mo naman sinasagad ang credit limit mo, yan disapproved tuloy. Dalaw ka lang pag magpapalit na ng link.

    un nga mami ann eh, nasagad ko.. :(
    opo, sabihan ko kau kapag nakalipat na ko.. :D

  • ignoramus says:

    Ate Karmi, lilipat ka na kagad? Dadagdag nanaman yan sa tsokoleyt na may alak sa buhay mo. lol. Anyway, napakaganda nga naman ng idlip.net tas yung background image eh mejo dark o mejo gray, sabay puro pix mo ng umiidlip sa isang lumang rocking chair. lol :P

    kuya shopz, sundan mo ko sa paglipat ko ha!
    hmmm, kuya, masyado namang dark ung iniisip mo.. balak ko nga rainbow colors ang layout ko eh! hehehe.. ^_^

  • vanny says:

    naku yan din ang mga pinuproblema ko sa ngayon.. parang gusto ko na ring lumipat na ayaw ko. hehehe. gusto ko ng sariling bahay pero ayaw iwan ang luma.. hahaha.

    tapos di ko pa maasikaso ng todo kc dami work sa office. haayz.

    parang may pumipigil na ewan noh? hay…
    mahirap talagang isabay ang pagtatrabaho sa blogging.. sagabal ang trabaho! hahaha..

  • kneeko says:

    aba aba bibili na ah… hehehe… di bale ilang araw lang naman katapusan na… available pa yan ang name sa katapusan :P

    sana nga kneenong.. sana, sana.. :D

  • camille says:

    invite mo din si ate sa ‘housewarming’ ha ;-)

    naman! anong ihahanda ko? :D

  • kengkay says:

    pinagisipan ko rin yang mag domain, pero dahil nalilito ako sa mga dapat gawin… mananahimik muna ako sa aking free sites :) good luck sa iyong balak…

    hello ate.. salamat sa dalaw! ^_^
    hehehe, mejo nakakalito nga po saka demanding din ang pagkakaroon ng sariling site.. pero kaya yan! :D

  • Nika says:

    halu! :) haha, napadaan ako sa iyong bahay. :) nga pala, check mo yun isa ko pa blog shatteredpixie.com (andame ko na blog eh..haha) meron kasi ako dun tipong tutorial sa mga nagbabalak ng sariling wordpress nila. Hindi pa tapos yun tutorial, madami pa susunod dun cguro, pero like nga ng sabi ko sayo sa forums, kung need mo help buzz me lang. :)

    goodluck sa iyong plano!

    hi ate nics.. (o diba close.. ^_^)
    cge, visit ko ung isa mo pang blog..
    problema ko lang naman ngayon eh datung! hehehe..

    salamat po.. ^_^

  • malaya says:

    wow, maganda ngang pamasko yang sariling domain. goodluck sa iyong plano!
    yng sa Yuwie, pinilit din lang me ng isang friend try ko lang daw. ayun. hehehe. visit ka na lang.

    salamat ate.. :)
    hehehe.. pareho pala tau.. ^_^

  • manilenya says:

    gud lak sa paglalayas lol!

    waaaaa.. ateng…
    :P

  • jeniffer says:

    haha.. ako may gusto ko magka bahay.. wala naman ako pambayad haha..

    ganda, kamusta na?! :D nabuhay kang muli.. hehehe
    problema ko rin ngayon ang pambayad! hehehe.. lol

  • ako rin ako rin nag iisip isip na bumili ng domain at lumipat sa iba. mejo naaasar na ako sa blogdrive eh.. :(

    pero sana mag sponsor sa akin. ha aha ha.. kaya ko namang bayaran yung monthly bill pero sana may tumulong sa kin na buuin yung mismong site. ;)

    bili na kuya!! hmmm, maraming tutulong sau, mga kapwa blogger.. ^_^

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.