may narecib akong txt galing sa bestfriend ko..
when love ends,
how long should you hold on?how soon should you let go?
how do you move on?
from Star Cinema comes a story about how true love waits for, hopes for and needs
ONE MORE CHANCE
for everyone who has ever loved, and lost.
NOW SHOWING. Ü
habang binabasa ko ung text, naririnig ko ung boses nung announcer sa TV.. actually, naiisip ko ung mismong trailer.. dati gusto kong mapanood yan, ngayon ayaw ko na ata..
halos lahat ata ng movie nina Bea at John Lloyd eh napanood ko.. Close to you, All about Love at Now that I Have You.. ewan, basta aliw ako dun sa chemistry nila.. pero syempre, iba pa rin ung Jolina Magdangal-Marvin Agustin na loveteam, un talaga the best! (oo na, jologs na! :P) anyways, balik kina Bea at John Lloyd, maganda kasi ung mga movies nila.. sabihin na nating ka-relate kasi…
ayokong panoorin ung One More Chance.. unang-una, di naman kasi ipapalabas dito sa San Antonio.. kung malapit-lapit lang ang San Francisco, tinakbo ko na eh, kaso hindi.. pangalawa, di na ako masyadong naniniwala sa one more chance.. i feel bad just saying that kasi parang ang dating, di na rin naniniwala sa love.. naniniwala naman ako, hinihintay ko lang ung taong magpapatunay ulit nun (drama!)..
ayokong panoorin, pero gusto kong malaman kung ano ung ending.. hehehe.. syempre diba? gusto kong malaman kung naging sila pa rin ba, kung magkakatotoo ung sinabi ni John Lloyd na forever and ever…
Bashang: ang totoo, hanggang ngayon umaasa pa rin ako na sabihin mo sa akin na ako pa rin.. ako na lang… ako na lang ulit..
Popoy: she loved me at my worst, you had me at my best.. and you chose to break my heart..
pamatay!
favor, kung napanood mo na ung One More Chance, kwento mo naman ung ending.. o kaya kapag lumabas na ung DVD, bilhan mo naman ako.. bayaran kita! ^_^



![E[kwento]MO: bawat emo, may kwento.](http://kundiman.net/wp-content/uploads/2008/09/emo-5-small.png)







