one more chance

Post Info 1 year ago by karmi

may narecib akong txt galing sa bestfriend ko..

when love ends,
how long should you hold on?

how soon should you let go?

how do you move on?

 

from Star Cinema comes a story about how true love waits for, hopes for and needs

 

ONE MORE CHANCE

 

for everyone who has ever loved, and lost.

 

NOW SHOWING. Ü

habang binabasa ko ung text, naririnig ko ung boses nung announcer sa TV.. actually, naiisip ko ung mismong trailer.. dati gusto kong mapanood yan, ngayon ayaw ko na ata..

YouTube Preview Image

halos lahat ata ng movie nina Bea at John Lloyd eh napanood ko.. Close to you, All about Love at Now that I Have You.. ewan, basta aliw ako dun sa chemistry nila.. pero syempre, iba pa rin ung Jolina Magdangal-Marvin Agustin na loveteam, un talaga the best! (oo na, jologs na! :P) anyways, balik kina Bea at John Lloyd, maganda kasi ung mga movies nila.. sabihin na nating ka-relate kasi…

ayokong panoorin ung One More Chance.. unang-una, di naman kasi ipapalabas dito sa San Antonio.. kung malapit-lapit lang ang San Francisco, tinakbo ko na eh, kaso hindi.. pangalawa, di na ako masyadong naniniwala sa one more chance.. i feel bad just saying that kasi parang ang dating, di na rin naniniwala sa love.. naniniwala naman ako, hinihintay ko lang ung taong magpapatunay ulit nun (drama!)..

ayokong panoorin, pero gusto kong malaman kung ano ung ending.. hehehe.. syempre diba? gusto kong malaman kung naging sila pa rin ba, kung magkakatotoo ung sinabi ni John Lloyd na forever and ever…

Bashang: ang totoo, hanggang ngayon umaasa pa rin ako na sabihin mo sa akin na ako pa rin.. ako na lang… ako na lang ulit..

Popoy: she loved me at my worst, you had me at my best.. and you chose to break my heart..

pamatay!

favor, kung napanood mo na ung One More Chance, kwento mo naman ung ending.. o kaya kapag lumabas na ung DVD, bilhan mo naman ako.. bayaran kita! ^_^

Post a Response Comment icon Posted November 20th, 2007 at 6:29 pm

10 Responses to “ one more chance ”

  1. { K }

    when love ends,
    how long should you hold on?

    how soon should you let go?

    how do you move on?

    hmmm… sis, parang parehas na tayo ng tanong ngayon ah… how long nga ba? dapat ba? or move on agad? kasi ako… 2 weeks tops pag wala na move on na e. Aba! d ko ata carry ang mag emote ng mag emote. Sana ganun ka din :)

    hmmm, tanong lang naman sa movie yan.. :) right now, i can say na mejo naka-move on ako.. mejo ka-relate lang kasi ng konti dun sa movie…

  2. ignoramus
    ignoramus

    sana sa heart to heart nailagay tong post na toh… sana yung may dagdag… demanding na ba ako? wahahaha…

    Di ako fan ni bea at john lloyd eh, pero parang interesante yang pelikulang yan. Sana yung ending eh hindi na sila nagkabalikan…

    “Popoy: she loved me at my worst, you had me at my best.. and you chose to break my heart..”

    “You put your bad foot in; you put your bad foot out; you put your bad foot in; then you shake it all about! You do the hokey-pokey and you turn yourself around! Sino ngayon ang may kasalanan?” - tama ba ‘to ate K? :P

    sana ba sa heart-to-heart ito? hehehe, yaan mo kuya madadagdagan din yan! ^_^

    sumayaw ka ba habang kinakanta to? hehehe.. hmmmm, ewan.. cguro tama rin… :P

  3. komski kuno

    Napanood ko na=) Ending? Ano pa bang aasahan mo sa pinoy love stories, hehe. Pagkakamali rin naman ni popoy kaya sila naghiwalay e, haay.

    talaga? hehehe, sabi ko nga napanood mo na eh.. ^_^
    so naging sila rin ulit.. nga naman… pero at least diba happy ending..
    kasalanan ba ni popoy? tsktsktsk.. mga lalaki talaga.. lol

  4. rHo
    rHo

    di ko pa rin yan napapanood… saka na lang siguro! sana maging okay ka na ngayon sister! ingatz ka lagi ha… God bless!

    ok naman ako sis.. :) thank you.. mwah!

  5. ignoramus
    ignoramus

    Bakit nga ba sa pelikula eh naamin ng lalaki na kasalanan niya? At bakit din kaya na konting drama lang ang kailangan sa pelikula para umamin? ehem…ehem… hehe :P

    hmmm, bakit nga kaya madaling umamin ang lalaki sa kasalanan nya sa pelikula? hehehe.. lol.. :P

  6. roguey

    weh. o.0. hahaha. Mei tawag yung kaibigan ko dyan sa movie na yan eh. hehehe. Gusto mo malaman? hehe. Anyhoo,..medyo okay nga ata ung chemistry nila John Lloyd at Bea. Pero, wala eh, ayoko manood. Parang, pare-pareho lang yung ending eh, lagi na lang nagkakabalikan. Tsk. Wala bang mas “realistic”? lol! :))

    hehehe.. hindi ba realistic? hmmm, mejo nga.. lol
    nong tawag ng kaibigan mo dun sa movie?

  7. vanny

    napanuod ko na yan! wahahahha.. naiblog ko na nga eh.. hekhek.. that’s the movie we watched (na ayaw kong panuorin).. at nauwi din sa pagsama ko kc my friends are teasing me na takot lang akong makarelate sa movie na yan! wahahahha! dami ko yatang side comments dun sa movie na yun gusto na yata akong batukan nung nasa harapan ko at sabihing “inggit ka lang!” hahahaha.

    malamang kung pinanood ko rin yan, madami ring side comments.. hahaha.. lol
    hahaha, takot ka ganda? hmmmmm… :P

  8. roguey

    hahaha. tawag niya: Ilok movie. hahaha. Ilok, in bisaya, means armpit. Hahaha. Go figure, ate :D

    ===

    hmmm, ilok ba? nyahha, bakit naman armpit?

    teka, ang slow ko ata… lol

  9. jones

    shet! gusto ko manuod ng sine. wala lang akong pera. p0wtek.

    ===

    hanap ka ng manlilibre sau. :D

  10. roguey

    Hahah. Di ba? Yung poster nila, pabida masyado yung ilok ni Bea. Hahahha. :P

Leave a Reply

Get updates as often as we post! Subscribe to our full feed or comments feed.