Kamusta naman ako

Posted 4 years ago Uncategorized

Masyadong Maaga

Sabi ko'y aagahan ko na sa susunod para hindi na ako malate pero hindi ko naman pinlanong dumating ng isa't kalahating oras na mas maaga kaysa sa oras ng klase ko.

Tatlo kaming magkakapatid at tatlong beses sa isang linggo ay pare-pareho kaming kailangan umalis ng bahay sa 6.30-7.00 am period. Ang problema'y iisa lang ang banyo. Hmmm, hindi pala yung ang problema, kundi, matagal ang paliligo, haay. Kalahating oras ata ang itinatagal ng ate ko sa loob ng banyo, kung nagmamadali siya. Near 15 ata kami nung ditse ko, kaya paano naman yun gayong lahat kami'y tamad gumising at sabay-sabay pang babangon ng six quarter?

Kahit gaano mo kwentahin,  meron at meron ding magigipit. Last week ay ako yun.

Kaya nung lunes ay gumising/ginising na lang ako ng sobrang aga at umalis, 6:00 am. Ang aga haha. Kasi naman, hindi naman pwedeng sabihan ko ang mga kapatid ko na agahan nila para wala nang gumagamit ng banyo kapag kailangan ko kaya't minabuti ko na lang na magparaya, haay. Ayun, isa't kalahating oras tuloy akong nakaupong naghintay hanggang sa magsidatingan ang mga kaklase ko at magsimula ang klase. Oo na, mas mabuting maaga kaysa late. 

7 Responses to “ Kamusta naman ako ”

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.