Happy Thanksgiving!
what is Thanksgiving? read more here..
Thanksgiving, or Thanksgiving Day, is a traditional North American holiday to give thanks at the conclusion of the harvest season. Thanksgiving is celebrated on the fourth Thursday of November in the United States and on the second Monday of October in Canada.
sa 2 taon ko dito sa America, napansin ko na mas sine-celebrate nila ang Thanksgiving kesa sa Pasko.. nung minsang hinatid ako ng bossing ko dito sa bahay, napansin nya na may Christmas lights na kami sa labas ng bahay namin..
bossing: its not even Thanksgiving yet and you have your Christmas stuff already?
ako: we don’t celebrate Thanksgiving in the Philippines so we put up our Christmas decorations as early as September.
ginalang naman ng bossing ko ang sagot ko.. totoo naman eh..
ngayong nandito na kami sa America, nagse-celebrate na rin kami ng Thanksgiving.. kadalasan, pumupunta kami sa bahay ng tita ko dahil tumataon na birthday rin niya ng araw na un o ng linggong un.. malamang this year ganon ulit.. makakakain na ulit ako ng turkey.. masarap ba ung turkey? ayos lang, kakaiba ung lasa.. masarap naman pero mas ok pa rin ung Chickenjoy ng Jollibee.. hehehe..
Thanksgiving na naman.. its a day of giving thanks.. di man naging maganda ung mga nangyari nitong mga nakaraang araw, marami pa rin naman akong gustong ipagpasalamat…
-
salamat dahil im still alive and kicking.
-
salamat sa mga kaibigan ko both online and offline.
-
salamat sa pamilya ko.
-
salamat sa mga makukulit kong kapatid na kahit minsan eh nakakainis eh alam ko namang labs nila ako.
-
salamat sa musika.
-
salamat sa blogging.
-
salamat sa mga problemang di ko man malutas in my time, i know in His time magiging ok lahat.
-
salamat dahil may trabaho pa rin ako kahit na laging walang pera.. hehehe..
-
salamat sa mga ‘laruan’ ko - laptop, PSP at celphone..
-
salamat sa pagiging hartbroken ko, naging bukas ang isip ko sa realidad.
-
salamat (in advance) sa kung sino man ang makikilala ko in the future..
-
salamat sa lahat ng blessings na nakuha ko ngayong taon.
-
at syempre, salamat sayo sa patuloy na pagbabasa ng blog ko…
Happy Thanksgiving!
ikaw, ano ung mga bagay na thankful ka?


![E[kwento]MO: bawat emo, may kwento.](http://kundiman.net/wp-content/uploads/2008/09/emo-5-small.png)







