day of giving thanks

Post Info 1 year ago by karmi

Happy Thanksgiving!

what is Thanksgiving? read more here.. 

Thanksgiving, or Thanksgiving Day, is a traditional North American holiday to give thanks at the conclusion of the harvest season. Thanksgiving is celebrated on the fourth Thursday of November in the United States and on the second Monday of October in Canada.

http://en.wikipedia.org

sa 2 taon ko dito sa America, napansin ko na mas sine-celebrate nila ang Thanksgiving kesa sa Pasko.. nung minsang hinatid ako ng bossing ko dito sa bahay, napansin nya na may Christmas lights na kami sa labas ng bahay namin..

bossing: its not even Thanksgiving yet and you have your Christmas stuff already?
ako: we don’t celebrate Thanksgiving in the Philippines so we put up our Christmas decorations as early as September.

ginalang naman ng bossing ko ang sagot ko.. totoo naman eh..

ngayong nandito na kami sa America, nagse-celebrate na rin kami ng Thanksgiving.. kadalasan, pumupunta kami sa bahay ng tita ko dahil tumataon na birthday rin niya ng araw na un o ng linggong un.. malamang this year ganon ulit.. makakakain na ulit ako ng turkey.. masarap ba ung turkey? ayos lang, kakaiba ung lasa.. masarap naman pero mas ok pa rin ung Chickenjoy ng Jollibee.. hehehe..

Thanksgiving na naman.. its a day of giving thanks.. di man naging maganda ung mga nangyari nitong mga nakaraang araw, marami pa rin naman akong gustong ipagpasalamat…

  • salamat dahil im still alive and kicking.

  • salamat sa mga kaibigan ko both online and offline.

  • salamat sa pamilya ko.

  • salamat sa mga makukulit kong kapatid na kahit minsan eh nakakainis eh alam ko namang labs nila ako.

  • salamat sa musika.

  • salamat sa blogging.

  • salamat sa mga problemang di ko man malutas in my time, i know in His time magiging ok lahat.

  • salamat dahil may trabaho pa rin ako kahit na laging walang pera.. hehehe..

  • salamat sa mga ‘laruan’ ko - laptop, PSP at celphone..

  • salamat sa pagiging hartbroken ko, naging bukas ang isip ko sa realidad.

  • salamat (in advance) sa kung sino man ang makikilala ko in the future.. :)

  • salamat sa lahat ng blessings na nakuha ko ngayong taon.

  • at syempre, salamat sayo sa patuloy na pagbabasa ng blog ko…

Happy Thanksgiving!

ikaw, ano ung mga bagay na thankful ka? :)

Post a Response Comment icon Posted November 22nd, 2007 at 12:00 am

3 Responses to “ day of giving thanks ”

  1. ignoramus
    ignoramus

    Masarap naman ang turkey pero hindi pang araw-araw noh? Di talaga katulad ng chickenjoy. Astig ate karmi! Buti pa kayo may thanksgiving. Nainggit daw noh?

    hmmmmn… mga dapat ipagpasalamat eh december 4 at 10 2007. tska ano pa ba?
    eto siguro

    “Pag lumabas ka ng bahay, huhulihin ka ng mamang may sako, ki-kidnapin ka tapos yung dugo mo gagawing pampatigas ng mga ginagawang tulay.” >salamat sa mga nagbuwis ng buhay para tumibay lahat ng tulay dito sa pilipinas.

    bob ong is that you? :D

    anong meron sa dec. 4 and 10 kuya?

  2. Aisha

    naks happy thx giving lol!

    tenk u sis! :)

  3. vanny

    naku kung sasagutin ko yang tanong mo kung anung mga bagay na thankful ako, isang entry na ang kalalabasan nun! hahaha. ingatz lagi! kaya pala walang pasok ang mga friends ko sa col center kc thanksgiving! hehe

    ah oo, holiday kasi dito.. hehehe..
    madami ka naman dapat ipag-thank you eh.. ^_^

Leave a Reply

Get updates as often as we post! Subscribe to our full feed or comments feed.