ang tilamsik ng tubig na mula sa paglapat
ng mga mabibigat na yapak
sa basang kalsadang inaagusan
ng papalakas na ulan
ay agad-agad ring humahalo't
sumasabay sa landas
ng sanga-sangang daan ng paghihiwalay
sa pagsambit mo ng mga katagang "Paalam."
at sa unti-unti mong pagtalikod sa aking harapan
ay pilit kong ngiti mo'y hanggang
sa huling sandali'y muli pang pagmasdan
ang tuloy-tuloy mong paglisan
at sunud-sunod na papalayong hakbang
ay parang isang napakagandang larawan
na aking walang magawang pinagmamasdan
habang ito'y unti-unting nabubura't
tuluyan nang naglalaho
at nakikita ko na lang ang aking sariling
nakatitig sa iyong kawalan
ngunit kahit ilang beses ko pang
paulit-ulit na ipinta
ang isang magandang larawan
na imahe mo ang nagbibigay halaga
at kahit paulit-ulit din itong mabura,
hahawakan ko pa ring mariin itong brotsa,
iipunin ko ang natitirang pintura
at muling magsisimulang puminta
Dalawang taon na ang lumipas nang isinulat ko itong tula. At dati nung hinagilap ko lahat ng mga isinulat ko'y nalaman ko na wala pala akong kopya nito, dahil ang tanging kopya kung saan ko ito isinulat ay ibinigay ko sa kanya (pinost ko rin ito sa komski.blogista.com pero nawala naman yun at wala akong backup). Pagkalipas ng dalawang taon ay muli ko itong nabasa, dahil isinulat niya ako ng isang kopya.
Minamahal ko siya. >


![E[kwento]MO: bawat emo, may kwento.](http://kundiman.net/wp-content/uploads/2008/09/emo-5-small.png)








mahusay.
wow..
tol, ang lalim..
salamat sa pagbasa=)
“ang tuloy-tuloy mong paglisan
at sunud-sunod na papalayong hakbang
ay parang isang napakagandang larawan
na aking walang magawang pinagmamasdan
habang ito?y unti-unting nabubura?t
tuluyan nang naglalaho
at nakikita ko na lang ang aking sariling
nakatitig sa iyong kawalan”
.. huwaw! HALABET kuya! ;]
mabutinagkakopya pa. magandang alaala. astig! =)
wow tagalog na tula?! i suckthese….
when you did very well……..
bravo!! hehe
sobra naman=) hindi na ako nakakagawa ng mga tulakwento, haay, namimiss ko rin.
pereng mey keneksyen
se bege keng lethele ete.
haha
dun ako sa last part tinamaan e
?minamahal ko siya?
kinilabutan ako
wahaha
medyo nga, pero 2 years old na yang tula, hehe. masyado lang siguro maulan=) kaya ganun. o baka naman