kundiman

karmi. komski. parehong 20-something. frustrated writer. rockstar wannabe. madrama. naruto fanatic. mahilig kumanta. cam-whore. charmed addict. loves twitter. writer kuno. isip-bata. idol si BO. mastermind ng komski quotebox. makulit. computer geeks. pero mas geek pa din si komski. mababaw ang kaligayahan. 14.

Chat with: karmi | komski | komski
*plugoo chat (opens in new window)

  • Aira Bongco: Wow cute contest. Very nice idea. May questions po ako. Kailangan po ba matagal na yung blog? And also,...
  • enday: waaah… haba ng mechanics.. gusto kong sumali… haha.. hanap nga ako ng problema para madrama...
  • LJ: parang masaya ito! at parang ang galing mo ring mag-market :)) EMO nga ‘tas masaya hahaha. Pero oo, masaya...
  • jeniffer: ang sweet.. malayo man.. mararating din.. parang globe lang.. piniktyur pa talaga hehehe.. :) adik nga raw...
  • pmonchet: Ito na ang pagpapakalat ng contest. ang problema lang baka walang magbasa ng blog ko....
  • Rob: hindi man ako madrama, sadyang malungkot ang buhay ko. hindi nakakapagtaka na sa edad kong ito, hindi ko pa alam...

Subscribe to my feed




November 24th, 2007 | heart-to-heart


Power of Two - Indigo Girls

naalala mo pa ba nung 1st year highschool tayo? nasa likuran lang kita, alphabetically arranged kasi ung seating arrangement.. ‘F’ nagsisimula ung apelyido ko, ‘G’ naman ung sayo.. di pa tayo masyadong close nun eh, naguusap naman tayo pero may iba kang barkada at may iba rin akong circle of friends.. little did we know eh magiging more than bestfriends tayo, magiging sisters pa pala tayo..

nung birthday ko nung 2nd year, binigyan mo ako ng card.. sabi mo dun sa message,

Pls. tanggapin mo ang aking malugod na pagbati bilang iyong kaklase and always pray.

seryoso pa ung message mo sa akin noon.. bilang iyong kaklase.. bago matapos ang taon, unti-unti na tayong nagsabihan ng sikreto, ikaw din ung tinakbuhan ko nung inaway ako ng barkada ko..

4th year highschool, ito na ata ung taong memorable para sa atin.. di lang sa ating dalawa, kasama na rin si Raych.. dahil sa TV show na Charmed, naging Halliwell sisters tayo ng IV-Quezon.. ikaw si Prue, ako si Piper at si Raych naman si Phoebe.. sis na ang tawagan natin sa isa’t-isa.. kapatid na nga ang turingan natin kahit na ayaw mong maging panganay sa ating tatlo.. napadalas ang usapan sa telepono, kahit na buong araw magkasama sa eskwela.. nagpapasahan pa tayo ng mga sulat kahit na magka-row lang naman tayo at pwedeng magusap.. mali ung unang akala ko sayo, kala ko kasi tahimik ka, di naman pala masyado.. ^_^

tumungtong tayo ng kolehiyo, di nawala ung communication natin dahil sa iisang kolehiyo lang tayo pumasok.. paminsan-minsan nagkikita-kita tayo matapos ang klase.. di nabago ang samahan.. lalong napadalas ang tawagan sa telepono dahil bihira nang magkita.. kung kelan tayo naging close na talaga, saka naman may mangyayaring di natin inaasahan..

tumigil ka sa pag-aaral dahil sa sakit mo.. 1st yr highschool pa lang kasi tayo, may sakit ka na.. ilang araw ka ring di nakapasok noon.. sabi nung doctor, di ka na daw magtatagal.. pero kahit na sinabi na sayo un, namuhay ka pa rin ng normal.. pero nanalo pa rin ang sakit mo, kaya nagdesisyon kang tumigil muna sa pag-aaral.. kahit na nagstop ka na, di pa rin nawala ung samahan natin.. ganon pa rin, walang pinagbago.. minsan pa nga pinupuntahan ka namin sa inyo.. kapag may problema ako, tinatawagan kita.. lagi kang handang makinig.. pinararamdam mo na lagi ka lang andyan para sa akin.. ikaw ata ung unang taong nagsabi sa akin na wag akong masyadong mabait dahil ako na rin mismo ang nasasaktan.. madami kang nai-share sa akin, and i’ll always treasure that..

i miss you sis..

Nov. 24 na naman.. 24th birthday mo na dapat.. Happy Birthday.. hanggang ngayon, i can still picture your face and your smile.. hanggang ngayon, sa tuwing naririnig ko ung kanta ni Coco Lee na “Before I Fall in Love”, naaalala kita.. you taught me a lot of things, lalo na ung pagiging strong.. thank you for being part of my life..

i love you sis..

and you will always be my angel…

Leave a Reply

9 Responses to “sisters 4ever”

she died.. right? :( nakakalungkot naman..

===

she did.. i miss her..

 

awww. nakakaiyak naman.. haayz. eto na naman.. iiyak na naman ako.. ;(
i lost my friend too.. and the pain is still fresh.. he lost last july. ang hirap tanggapin pag di biglaang mawawala sayo yung kasama mo na sa buhay mo since birth.. haay. so sad. im trying to remember the happy moments with him.. kaso mas lalo akong nalulungkot kc naiisip ko, hnde na mauulit pa ung mga memories na yun..

ay anu ba yan.. nagsabi pa ako ng sad feeling, eh sad ka na nga.. di man lang kita nacheer. cge na, ngiti na! magkakawrinkles lang tayo pag lagi sad..

===

i just miss her so bad.. hay.. pero i know that she is happy wherever she maybe right now… :) tama, wag na sad! hehehe..

 
ignoramus,

Hay… the chains, the chains. Why must sadness be linked? Pwede ba magrequest ng song?
Hmmmmmn… Type ko sana eh yung Karme Pasya (ba yun?) ang artist sa saliw ng tugtuging
“Sa Lumang Simbahan.” :P

===

hmmm, hanapin ko yan sa Limewire kuya.. hehehe.. ^_^

 

nakalimutan ko sabihin.. nanunuod din ako ng charmed! :D super adik ako d2! hahaha. pero gusto ko c phoebe.. i like her power.. sabi ko dapat mom ko c piper para pag aalis c dad, mapapahinto nya para di makaalis.. hahaha. inaasar ko nmn bro ko na sa sobrnag katamaran, dapat magkapower cya like prue.. para pag tinatamad cyang kumilos, he can make things move on their own.. hahaha. lakas ng tama sa akin ng charmed! :D

===

hehehe, pareho tayo ganda!!! ^_^ napanood mo na ba ung last EP nito? hay.. kakalungkot lang na the show has to end.. pero syempre, forever charmed nman.. :)

 

we really seldom knew people that we can befriend. and not often that they can be a true friend. and not always a friend that we can treasure,

thats how we live life.. bounded by the force of nature,,,
;)
smile! and drink red horse! kelan ang inuman carme? ;)

 

ayyy… im sure, haping-hapi sya at lagi mo pa rin sya naalala..

nga pla…peborit na kanta yan ni ate, ;-)

 

ganyan talaga buhay.. parang life.

ako din ganun, maagang nawalan ng best friend na mahigit pa sa kapatid ang turing. mahirap. pero sabi nga nila, una-unahan lang yan. marapat lang na kahit papaano ay alalahanin natin sila, at kung paano nila tayo tinulungang mabuhay.

yun lang. baka manalo pa kong best actor nito pag nagdrama ako ng husto.

ganda post mo..

 

ay, hala, hala. :(
===

o bkit? hmmm.. wag ka na sad….

 

wala lang. ayoko mawalan ng kaibigan. oh well. o.0

===

mahirap talagang mawalan nga kaibigan.. hay..