Rocker na nga ba talaga?!?

Post Info 1 year ago by komski

P27-11-07_13.45

Dumiretso na kayo sa opisina ng Inhinyero 2008 sa 2nd Flr. ng German Yia Hall at kumuha ng vote stub at isulat ng number 5, pagkatapos ay ihulog sa fish bowl-turned-drop box, para iboto ako bilang Best Creative Shot, o ha, hehe. Pwede rin ninyong itext ang <inhinyero> space <creative> space <5> at isend sa …. yan biro lang.

Alam ko naman na walang mararating ang litrato kong yan. Walang panama dun sa ibang 'di hamak na mas creative kaysa sa akin. Gusto ko yung naka-stockings ang ulo 'tas diaper lang ang suot at hinostage si teddy bear, haha. At the best si number 1, the god of plenty=) Pero siyempre, hindi ko sila binoto para hindi sila umangat sa standings, haha. Competitive 'to, pare.

Pero proud naman ako kasi naisip ko talaga yang shot na 'yan. Nangalap pa talaga ako sa kapitbahay namin ng microphone na hindi ata gumagana. Kita namang tinagpi lang ng masking tape kaya kita yung may white band sa hawak ko. Wala akong extensive na wardrobe kaya yung masikip kong jacket  na lang na green and black ang ginamit ko at ang urbanwhere na light green shirt na may black royal bird emblem print sa harap. Naisip ko ang lahat ng ito nung pauwi na ako, isang araw bago kami pumuntang studio na nasa may gitna ng CEU Manila (gitna talaga, weird nga e).

At ano ba naman ang isang rocker kuno kung walang fans=) kaya inaccomplice ko si tina, elaine at yung baklang nag-aayos sa amin para makijoin sa aking photo shoot, hehe, Sana nga mas marami pa para malubos-lubos na, kaya lang nahiya ako. Natuwa nga ata yung bakla dun sa akin kasi meron akong sariling ideya talaga, haha. Siya kasi yung nag-isip ng shot para dun sa mga nauna pa sa akin.

Naisip ko yung shot, nagawa ko naman gaya ng iniimagine ko (thanks sa photographer) at naappreciate siya ng iba by actually being chosen=) Minsanan lang mangyari ang ganun, hehe, kaya masaya.

Sana naman ay lumagpas man lang sa sampo ang bumoto sa picture ko, haha. Tatlo na kami kaya sana ay may pito pa. Hmmm, sana makita ko yung results.

Ano pang hinihintay mo? Boto na!

Post a Response Comment icon Posted November 28th, 2007 at 4:33 am

7 Responses to “ Rocker na nga ba talaga?!? ”

  1. komski kuno

    Natutuwa talaga ako, hehe=)

  2. xienahgirl

    wahaha
    sana kinuha mo rin akong fan
    tsk tsk
    :)

    gusto ko nga rin sana yung mga ganyan
    photography
    mahilig ako sa ganyan
    kaya lang

    wala akong camera
    :)

  3. joiz

    anong itsura nung nakadiaperstockings na bida ng teddy bear hostage drama? ayos yun ah.

    ang cool ng creative shot mo hehehe

    gustong gusto ko ang mga creative shots, nakakatuwa e

  4. komski kuno

    @xienah: tama, sana may camera tayo, hehe. Sabi sa TV Patrol. Yan daw ang mga usong regalo ngayong darating na pasko. Sana napanood yun ng ninong kong matagal na akong hindi nakikitasa kung anong dahilan ay bigla akong pumasok sa kanang isipan habang pinapanood un, haha.
    @joiz: Nakakaawa si teddy bear, este, yung hostage-taker pala ang nakakaawa, haha. Cool nga, hehe=)

  5. karmi

    gudlak tsong.. :)

    sana manalo ka!! ^_^ hehehe..

    rak on.

  6. ihidemyself

    komski! goodluck po. sana ay mapasaiyo ang tagumpay!hehe. :D

  7. noime

    haay. camera. camera. camera. tsk.

    goodluck! :)

Leave a Reply

Get updates as often as we post! Subscribe to our full feed or comments feed.