the year it was

19 Comments » December 31, 2007 » 808 days ago
blabbers, blog update

kita mo nga naman, ang bilis talaga ng panahon. patapos na naman ang isang taon. heto nga’t gumagawa na ako ng huli kong post para sa 2007. madaming nangyari ngayong taon — may maganda, malungkot, makakatuwa at pangit. para sa akin, di masyadong maganda ang taong 2007. ewan, kasalanan ko rin siguro kung bakit halos kalahati ata ng taon eh malungkot ako. pero dahil din sa kalungkutang un, marami akong natutunan. matuto akong maging masaya muli. naging masaya naman ako bago matapos ang taon. at un naman kasi talaga ang dapat.. ^_^

karmi.info – karmi.manilenya.com – idlip.net.
naka-3 blog pala ako ngayong taon. hanep, palipat-lipat ng bahay. hehehe. nagsimula ang taon na may bago akong blog. bigay ito ni kuya major bilang pamasko at pa-birthday sa akin. tumagal din ata ako ng 2 hanggang 3 buwan doon hangga’t sa tuluyan na itong mawala. sa di kasi inaasahang pangyayari, may naka-hack, kaya kailangang lumipat ng host. di na ako sumama sa paglilipat, kaya’t muli akong nagpaampon kay ate melai – naging manilenya ulit ako. ^_^

mula, april hanggang november, inampon ako ni ate. sobrang thankful talaga ako kasi may nagtyagang mag-host sa akin. (lab u te!) pero, simula pa noong umalis ako ng blogger, binalak ko na talagang bumili ng sarili kong domain. mga ilang buwan din akong naghintay bago ko talaga tinuloy ang plano ko. Dec. 1, 2007 ipinanganak ang idlip.net. dahil sa mga natutunan ko galing kay ate melai, naayos ko naman ang blog ko. salamat din sa dalawang blogger na tumulong sa akin sa pagiisip ng pangalan (hostee ko na sila ngayon). sariling bahay sa WWW. isa siguro ito sa mga masasayang moment ng 2007 ko. ^_^

friends til the end.
mapa-online pa man yan, o offline, sobrang thankful ako sa mga bago at luma kong kaibigan. salamat sa inyo (kilala nyo na kung sino kayo), dahil may nalalabasan ako ng sama ng loob lalo na kapag tinotopak ako. kahit na alam kong nagsasawa na kayo o nakukulitan sa akin, andyan pa rin kayo handang makinig o magbasa ng mga problema ko. SUPER THANK YOU talaga! try kong di na masyadong magdrama sa 2008 para di na sumakit ang ulo nyo sa akin.. ^_^ (kita-kits na lang sa June..)

mi familia.
maging maayos naman ang 2007 ng pamilya ko. sa awa naman ni papa God eh wala namang nagkasakit sa amin ng malala. pinakamalala na ata ung halos sabay-sabay kaming tinamaan ng stomach virus (o diba sosyal ang tawag). sa usapang pinansyal naman, naging OK rin ngayong taon. sana lang OK rin next year para madaming pocket money paguwi ng pinas! ^_^

lablyp. (kailangan pa ba to?)
kung madalas kang mapadpad dito sa blog ko, malamang alam mo na ang love story ko. masasabi kong this year ko na ata na-reach ung level na sobrang saya ko at the same time eh maging sobrang lungkot. buong taon, naging rollercoaster ride ang lablyp ko. nakakahilo, madaming unexpected turns at nakakatakot. at the end of the ride, i felt relieved. isa lang siguro ang wish ko next year, sana swertehin na ko sa lovelife ko. ^_^

si karmi sa taong 2007.
all in all, naging OK naman ang 2007 ko. ung lovelife lang naman ang mejo naging problema. isip-bata pa rin ako pero madami akong natutunan na malamang sa malamang eh dadalhin ko sa pagpapalit ng taon. 2008 na, ano kaya ang mangyayari? Year of the Rat daw eh. taon ko pala.. sana nga swertehin. ^_^

Happy New Year sayo!
Be safe.

babay na.

7 Comments » December 29, 2007 » 810 days ago
emo daw, heart-to-heart

ako: parang ang bilis ng 2007. ilang araw na lang, 2008 na. sana 2008 na.
bro: sus, alam ko na kung bakit gusto mo nang matapos 2007, para makalimutan mo si dudong.
ako: hmmm, oo kasama un.

oo gusto na kitang makalimutan.

matatapos na ang 2007, kaya naman naglinis na ako ng mga kalat ko sa kwarto. naglinis ako para maganda ang pasok ng 2008. gusto ko masaya at wala nang kung ano pang aalalahanin pagpasok ng bagong taon. nilinis ko ang aking mesa. nagkalat kasi ang mga resibo, CD, notebook, at mga bolpen. inayos ko na din ung mga librong di ko pa nababasa. sumunod ay iyong mga papel na kung anu-ano lang naman ang nakalagay. terapi para sa akin ang paglilinis. parang sa bawat dumi na nalilinis ko, gumagaan ang aking pakiramdam. sabayan pa ng malakas na patugtog ng radyo, solb na. wala nang makakaistorbo sa akin.

nakita ko ung SM na supot. alam ko na ang laman nito. mga sulat iyong galing sayo. sulat at mga sobre na malalaki nung nagpadala ka ng package. ikinalat ko sa sahig ung laman ng supot. andun din pala ung kwintas at bracelet na ibinigay mo. pati na rin ung 2×2 na picture mo. di ko na binasa ung mga sulat, di na kailangan. ibinalik ko na lamang muli lahat dun sa supot. nakita ko rin ung diary na binigay mo sa akin nung birthday ko. naka-lock pa ito. alam ko nasulatan ko na ung unang mga pahina nito, balak ko kasing punuin un ng mga sulat tapos ibibigay ko sayo sa June kapag nagkita tayo. kaso, di ko na rin tinuloy. bakit pa diba? wala nang dahilan. may stuff toy ka nga rin palang bigay. hand puppet na baboy. binili mo pa nga un sa greenhills diba, at kaya mo binili ay dahil naalala mo ako. bumili ka rin ng para sayo, raccoon ka naman. tiningnan ko lang ung puppet at saka nilagay sa tabi nung diary.

mga sulat na may mga pangakong di na matutupad. isang diary na maglalaman sana ng magagandang ala-ala nating dalawa. hand puppet na magpapaalala sayo. ano nga bang gagawin ko sa mga iyon?

kumuha ako ng kahon sa kusina. isa-isa kong kinahon ang mga iyon. wala nang dahilan para ilagay lang iyon sa table ko. di ko na rin naman babasahin o titingnan. no need. ikinahon ko na rin ang mga ala-ala natin. inilagay ko ung kahon sa cabinet ko, sa ilalim ng mga damit na di ko na ginagamit.

tapos na. babay na.

kasabay sa aking pamamaalam sa 2007 ay pamamaalam na rin sayo.

randomness.

8 Comments » December 27, 2007 » 812 days ago
so random

2 days after Christmas na, musta naman ang Pasko nyo? ako? naging masaya naman ang pasko ko.. (salamat sa wish mo, deng..) kahit na wala akong tulog buong araw ng Dec. 24, at kahit na masakit ang katawan ko kinabukasan, araw ng Pasko. naging masaya at busy ang pasko ko. busy at malamig, kaya rin siguro sumama ng konti ang pakiramdam ko.

masyadong madaming nangyari nitong mga nakaraang araw kaya naman naisipan kong i-random ang post ko ngayon. ^_^

[start of rant]

* simula pa lang nung nagplano akong kumuha ng sariling domain, kasama na sa plano ko ang maghost ng mga blogger(s). nung nakuha ko na itong idlip, medyo nag-tatlong isip ako kung kaya ko nga bang maging host. pero di ko naman malalaman kung di ko susubukan diba? kaya naisipan kong ituloy pa na rin ang plano.

kaya naman, as of Dec. 25, 2007 (American time) / Dec. 26, 2007 (Pinas time) eh dalawa na ang hostee ko dito sa idlip.net — sina ignoramous at komski. ^_^ i feel happy dahil pumayag silang maging part ng idlip.. welcome, welcome sa inyong dalawa! show them some love, bisitahin nyo sila ha..  ^_^

Read the rest of this entry »

Why join/leave I.PH

1 Comment » December 27, 2007 » 812 days ago
Uncategorized

[yourname].i.ph. Unang dahilan kung bakit ako nagsign-up dito ay dahil sa URL, ang ganda di ba? hehe=) That was still last year pero mapapansing nuong Setyembre lang ang una kong post dito. Yun ay dahil dati ay naguluhan ata ako sa interface nila, ‘tas hindi ko rin nahanap ang pinagkakaabalahan ko nuon, user-defined pages. Pero maganda naman ang URL so go!

Ease of use. Bumalik ako dito after kong tanggalin ang aking blog sa awardspace.com, dahil sa isang personal na istoryang hindi ko ikukwento, at natuwa ako sa version 2 nila. Nadalian akong iset-up ang blog at baguhin ang mga settings. Ni hindi ko na nga kailangan umalis pa sa main page ng blog dahil andun na lahat ng configuration.

Support team. Ang galing, you send them inquiries, bug reports, etc. and they reply as soon as possible. Tatlong beses ko sigurong nagamit yung Live Support kung saan makakachat mo in realtime ang isang i.ph team representative. Talk about service.

Features. Natuwa rin ako sa ibang features bukod sa blog, yung picture gallery tsaka music blog. Ilang kanta rin ang naiupload ko dun ‘tas madali pang isama sa post, kaya ok. I tried to find a third-party site to do just that pero wala akong makita. Kung pwede lang sana gawin yun sa multiply, hehe.

Nasabi ko na bang I love the URL? Ngayon, sasabihin ko naman kung bakit ako aalis ng i.ph.

Slow Servers. Ewan ko lang kung ako lang ang nakakaranas nito pero ang bagal magload ng blog ko na ito. Kahit na ito ang una kong binubuksan, nauuna pang lumabas yung mga ibang sites na binubuksan ko, tulad nung sa awardspace. Pareho lang naman kaming nasa Pilipinas kaya ewan kung bakit ganun.

Restrictions. Users could not alter the any html concerning the blog. For that, they have given the menus that will let you change templates, some general predefined styles for each template (and a very limited set of templates), the font and sizes. And I think that’s it. Masyadong limited yung control mo over your blog at dun nag-ugat yung ease of use, dahil sa konti lang naman talaga ang pwede mong gawin in the first place.

Framed scripts. This I hate the most. Users could not add javascript into their pages. You could add widgets, but…. BUT! these widgets are isolated in a separate frame and locked in a different subdomain. Walang kawala. Yes, magwowork naman yung mga widgets but not nicely. First to consider is how much vertical height would the widget take up? This is ok with widgets with height settings like my quotebox, but what about those with dynamic content i.e. Google Reader’s shared items, Twitter updates, etc.?

You either come up with widgets inside frames with scrollbars or, like me, ended up with over-allocated spaces to ensure non-overflowing content. It took me a while to know what the minimum height I could allocate MyBLogLog so it would not scroll.

Another downside of this is impaired functionality. Stats logging for example would not work in its fullest if it is placed on a separate frame. I.ph has a built-in plugin where a pop-up would preview links in the body of the blog. Yes, only the body ’cause it will not work on links inside frames, so good luck on blogrolls. Sayang di ba?

User-distrust. Nabasa ko sa forum na kaya raw ganun ang access sa scripts ay dahil sa security reasons. Huh? I mean, what could we do with javascripts? We couldn’t blow up our office or something. Hehe, wala lang. Javascripts by the way are client-side scripts so servers would only transfer the code as part of the page and the processing would be done on our browsers. Sana malaman ko kung anong security reasons ang sinasabi nila para maliwanagan ako dahil wala talaga akong ideya.

Calliope. What is Calliope supposed to be? Tingin ko e modified wordpress ito na idinagdag lang yung mga restrictions na sinabi ko kanina. They did everything so as not to make you touch any code. So you could just click some buttons and be happy after. Ewan ko kung bakit hindi na lang wordpress ang ginamit?

If I were just a regular blogger, then I would settle with a nice URL and standard features but I like tweaking a lot on the code, so I am now leaving i.ph. Ni hindi ko na nga malipat yung mga posts ko dito e, hehe. Because there was no way to do it but manually. Well, so long, farewell, I love to say goodbye!

F o l l o w m e t o

kundiman.net

Hayaan mo akong magsulat

9 Comments » December 25, 2007 » 814 days ago
Uncategorized

Nasabi ko nga karmi na sa dina-dami na ng beses na nagpalit ako ng website ay hindi na ako gaano excited masyado. Pero lumipat ako dito hindi dahil sa kung ano lang na dahilan. Hindi dahil sa wala akong magawa, kundi dahil sa may gusto akong gawin. Ang ilan pang detalye ukol sa aking paglipat ay mababasa sa aking huling blog.

Heto ako ngayon at nagsisimulang muli sa isang panibagong blog na handog ni karmi. Isang kaibigang hindi ko na maalala kung paano at kailan ko nakilala, haha. Pero dahil sa kanya ay mayroon na naman akong mapag-eeksperimentuhang bago=) Kaya ang post na ito ay para sa kanya. Maraming salamat!

Hindi ako sigurado kung ano nga ba ang mga isusulat ko dito, kung itutuloy ko ang aking nakagawian na sa aking huling blog, kung saan ang ito ay tungkol sa aking pang araw-araw na buhay, na parang isang blog talaga o muling ibabalik ang nakalimutan ko nang paggawa ng mga tula at likhang kwento [added] na siguro’y naaalala pa ng mga matagal nang nakakakilala sa akin (na tingin ko ay dalawa na lamang) . Ninanais kong likhain muli ang isang site na ako mismo ang magsusulat tulad ng kung paano ako nagsimula dito sa web [link]. Isang mahabang hmmmmmmm…

Isa lang ang hindi nagbago… marami pa rin akong gustong gawin.

Notes: huwaw, PHP5!!! hehe. Wala akong makitang free servers out there offering the new version=) at pwede na naman akong magscripted email hehe, among other things. (rest assured karmi, I won’t do anything in violation to any terms and agreements imposed by the webhost).

Oo, kamukhang-kamukha nito nung dati. Maliban sa bagong URL ay parang hindi ako lumipat. Pero hindi man nakikita ay, ibang-iba ito, hehe. Ang mga detalye ay mababasa sa aking huling blog.

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.