Lessons Learned from Lastikman

Post Info 1 year ago by komski

Sa pag-uwi ko kapag gabi ay dadaanan ko muna ang lahat ng mga bahay sa aming looban bago ako makarating sa aming bahay. Nakikita ko sa bawat sala may nanonood ng primetime tv, at sa pagpuna sa kanilang lahat ay mayroon akong napansin matagal na; lahat sila ay puro kapuso at kami lang ang nag-iisang kapamilya. Pero hindi naman ako magsusulat tungkol sa tunggaliang ito (siguro sa susunod, hehe), kundi tungkol sa Lastikman, at dalawa sa mga aral na itinuturo nito sa mga manonood.

Una. Huwag kang mang-aalipusta ng ibang tao. Dahil sige ka, kapag sila e naging monster, ikaw ang unang paghihigantihan nun! May binubully ka ba sa iskul? o baka naman may lagi kang tinutukso na co-worker? Kung ayaw mong ngatngatin ka ng higanteng daga,  balutan ng sapot ng taong-gagamba at sipsipin ang iyong laman-loob hanggang sa balat na lang ang sa'yo'y matira, mag-ingat-ingat ka na sa mga taong pinagsasabihin at ginagawan mo nang masama. Don't do bad unto others when you don't want others to become monters.

Pangalawa. Huwag gawing patapon ang iyong buhay. Magsikap ka at huwag padadaig sa mga problemang ibinabato sa iyo ng mundo. Sige ka, kapag masyado kang nagpaapekto, nagdamdam at nagkimkim ng iyong galit, baka mamaya ay damputin ka na lang bigla ng mga tauhan ni green alien (si Jared?) na stepfather ni Lastikman at gawin kang monster! Kung ayaw mong tubuan ka ng mahabang dila at buntot, kung nahihiya kang tawaging taong-suso na laging nakanguso, ay magbagong-buhay ka na tsong! Kaya mga suicidal emo's dyan e beware. Never let yourself become a monster.

Tingin mo hindi ito mangyayari in real life? Hala ka, dahil hindi na kailangang magsuot pa ng isang scary costume at nakakawindang na make-up para maging isang monster! Isang puso lang na hindi marunong magmahal at magmalasakit sa ibang tao ang kailangan mo. At ito ang mga uri ng monster na dapat mong labanan sa tunay na mundo. O ha? hehe.

O ano, manood na ng Lastikman! [photo taken from parc cruz's flickr]

Post a Response Comment icon Posted December 2nd, 2007 at 7:46 am

6 Responses to “ Lessons Learned from Lastikman ”

  1. kingdaddyrich

    nag aantay ako ng pangatlo, wala na pala. he ehhe..

  2. noime

    maka-kapamilya rin ako. di ko type yung kapuso. hehe. :D

  3. dex
    dex

    nyay, tv. huhu, nttmad na ko manuod ngayon eh. kasi gabi na ko umuuwi e all i wanna do upon arriving is get myself locked up in my room. hehehe. cguro pag vacations. pero kapuso din sila dito samin. ako kahit naman pwede. hehe

  4. karmi

    crush ko si vhong kaya ako nanonood ng Lastikman.. hehehe. ^_^

  5. manbehindthemask

    nice post! kapamilya din ako. hehe. :D

  6. mica

    Hindi ko napapanood ang lastikman pero aware ako sa kwento nito. Mas maganda nga talaga na may mga palabas tayo na masayang panoorin pero maraming mapupulot na aral gaya ng mga inilista mo :)

Leave a Reply

Get updates as often as we post! Subscribe to our full feed or comments feed.