last christmas

13 Comments » December 3, 2007 » 839 days ago
emo daw

pasko na naman. naalala ko tuloy ung pasko natin last year. masaya pa tayo nun eh. walang patid na kasiyahan, andun pa ung tiwala at alam nating mahal natin ang isa’t-isa. marami tayong plano, mga pangako para sa isa’t-isa na gusto nating matuloy pareho. masasabi kong masaya ang pasko natin kahit na magkalayo tayo. last christmas ganon, pero iba na ngayon.

last christmas, tumawag ako sa bahay nyo. dec. 24 pa lang dito, saktong alas-dose dyan sa inyo. tumawag ako kasi kawawa ka naman, ikaw lang at ang kuya mo ang nasa bahay. walang iba tao dahil umuwi silang lahat sa probinsya, nagpaiwan ka dahil sa trabaho. asawa ng kuya mo ung nakasagot ng telepono.

ate amie: edong, si karmi.
ikaw: asan?
ate amie: telepono, wala sya dito.

natawa ako sa naging reaksyon mo, pero kahit ako inisip ko na sana kasama kita ng mga oras na un. pagtapos nating magusap sa telepono, nagusap naman tayo sa YM. kwentuhan, kulitan. tinanong kita kung anong gusto mong regalo, sumagot ka lang ng ’sigurado ka ba sa tanong mong yan?’ alam na natin kung anong ibig sabihin nun. pareho lang naman tayo ng gusto eh, pareho lang.

ngayong pasko…

ngayong pasko, wala na, wala nang long distance calls, usap sa YM at card na aabangan. ngayong pasko, ganon pa rin kaya ung gusto mo? ewan. di na siguro. kahit ako, di na rin sigurado kung ano ba ang gusto ko. kala ko kasi kaya natin, pero di rin pala. di mo kinaya.

Audio clip: Adobe Flash Player (version 9 or above) is required to play this audio clip. Download the latest version here. You also need to have JavaScript enabled in your browser.

Forever is not as long as it used to be – Nikki Gil

You said that we’d always be together
You said that you’d never stop loving me
You said a lifetime was what you were after
I guess forever is not as long as it used to be
The feeling is not as strong as it used to be
Forever is not as long as it used to be

siguro nga, forever is not as long as it used to be…

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.