last christmas

Add comments December 3, 2007 » 832 days ago
emo daw

pasko na naman. naalala ko tuloy ung pasko natin last year. masaya pa tayo nun eh. walang patid na kasiyahan, andun pa ung tiwala at alam nating mahal natin ang isa’t-isa. marami tayong plano, mga pangako para sa isa’t-isa na gusto nating matuloy pareho. masasabi kong masaya ang pasko natin kahit na magkalayo tayo. last christmas ganon, pero iba na ngayon.

last christmas, tumawag ako sa bahay nyo. dec. 24 pa lang dito, saktong alas-dose dyan sa inyo. tumawag ako kasi kawawa ka naman, ikaw lang at ang kuya mo ang nasa bahay. walang iba tao dahil umuwi silang lahat sa probinsya, nagpaiwan ka dahil sa trabaho. asawa ng kuya mo ung nakasagot ng telepono.

ate amie: edong, si karmi.
ikaw: asan?
ate amie: telepono, wala sya dito.

natawa ako sa naging reaksyon mo, pero kahit ako inisip ko na sana kasama kita ng mga oras na un. pagtapos nating magusap sa telepono, nagusap naman tayo sa YM. kwentuhan, kulitan. tinanong kita kung anong gusto mong regalo, sumagot ka lang ng ’sigurado ka ba sa tanong mong yan?’ alam na natin kung anong ibig sabihin nun. pareho lang naman tayo ng gusto eh, pareho lang.

ngayong pasko…

ngayong pasko, wala na, wala nang long distance calls, usap sa YM at card na aabangan. ngayong pasko, ganon pa rin kaya ung gusto mo? ewan. di na siguro. kahit ako, di na rin sigurado kung ano ba ang gusto ko. kala ko kasi kaya natin, pero di rin pala. di mo kinaya.

Audio clip: Adobe Flash Player (version 9 or above) is required to play this audio clip. Download the latest version here. You also need to have JavaScript enabled in your browser.

Forever is not as long as it used to be – Nikki Gil

You said that we’d always be together
You said that you’d never stop loving me
You said a lifetime was what you were after
I guess forever is not as long as it used to be
The feeling is not as strong as it used to be
Forever is not as long as it used to be

siguro nga, forever is not as long as it used to be…

Mga Kahalintulad na Posts



13 Responses to “ last christmas ”

  • vanny says:

    same here.. cold Christmas.. but definitely magiging warm din yan with the help of friends.. smile! kongratz sa bagong mansion! =)

    ===

    thank you ganda.. :)
    gawin nating masaya ang pasko natin diba.. ^_^
    **hugs**

  • komski kuno says:

    hindi ko talaga kaya ng malayo sa minamahal, haay.

    ==

    kaya nga ma-swerte ka kasi kasama mo sya.. ^_^

  • ignoramus says:

    …And we may never pass this way again.

    uy ate, salamat sa pagggrant ng P.S. ko ha?

    nice post.

    ===

    walang anuman kuya.. ^_^ sakto din ung request mo eh..

    ung P.S.S. mo na lang.. ^_^

  • ann says:

    Makakapag move on ka rin…bago lang kasi kaya ganyan.

    ===

    tenk you ate.. :)
    moving on.. ^_^

  • Lex says:

    ako naman 4 years sa sa 28.. 4 years nang naghihintay……
    sigh, ako nalang ba ang natitirang gago sa mundo?
    Madaming beses na din na kala ko kaya ko.. kaya namain na di na mangarap ng pareho, pero ganun eh… cguro pag mahal mo, di mo talaga kayang i-let go…

    sayang… di kinaya ni parekoi…
    sayang… di nya alam kung anong nawala sa kanya.

    ===

    ok lang maghintay basta alam mong may hinihintay ka pa rin. ^_^
    kung mahal mo pero sinaktan ka naman nya, i think kailangan nang i-let go un..

    be happy lex.. mwah!

  • ignoramus says:

    sure ka ate? atay tayo diyan sa p.s.s. kahihiyan lang ako sa mundo ng blogging. wahahaha…

    napapakanta nalang ako ng

    ~last christmas I geyb u may hart
    but the very next day,
    you gave it away…

    ===

    sabayan kitang kumanta…

    ~last christmas I geyb u may hart
    but the very next day,
    you gave it away…

  • gasti says:

    karmi huhu! naglaho na yung pinapangarap kong psp slim…wala na pag asa!

    pero dahil sa mahal ko ang sarili ko..dyaraaan bumili ako ng gundam robot! yahooo! (isip bata?) wag ka na malungkot kasama mo naman family mo eh

    ===

    hala, eh pano na ung memory stick na ibibigay ko sau? :(

    waaa, inggit ako may robot ka!!! hehehe… lol

  • kneenong says:

    inaanak anong gusto mong regalo hehehe…

    lista mo lang lahat dyan huh hehe

    ===

    anong gusto ko kneenong? hmmmm, ano nga ba?
    maganda siguro kung gawan ko na lang ng post yan.. ^_^

  • kengkay says:

    forever is in the heart :) kapakapain mo, andun pa rin yung magandang memories…

    ===

    i still want to believe in forevers ate. i just need someone to help me.. ^_^ naks.. hehhe..

  • jeck says:

    forever is only a state of mind. it doesn’t exist in time but dwells in our hearts. forever is not enough for me to love you, sooooooo – sarah geronimo

    ===

    salamat sa kanta.. :)

  • ris says:

    awwww. *hugs* karmi! pero don’t forget, this is probably one of His ways to remind us that we have families and friends to keep us warm (and that are more important) anytime of the year :) here’s to us karmi, and to happy christmases. *sigh*

    ===

    everything happens for a reason.. un na lang ang iniisip ko.. ^_^
    merry pasko rin sau ate..

  • manilenya says:

    asus..hanap na ng kapalit :)
    teka bakit ako di makapagpost ng audio? :(

    ===

    hahaha, oo ate naghahanap na.. lol
    hmm, may plugin un ate.. bigay ko sau ung site…

  • manilenya says:

    may plugin ako kinuha ko sa yo ng di mo alam lol!

    ===

    hmmm,, you’re welcome ate.. :D

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.