Team Potato
Huwaw, pumayag na ang UP Film Institute sa aming project proposal=) at hindi lang basta pumayag, natuwa pala sila at na-excite dahil matagal na nilang gustong magawa ang pinaplano namin.
Isang Database Archiving System para sa mga Films, na noong sa una'y ang naging plano naming tatlo ay yung lang mga pinalabas sa UPFI ngunit dahil sa meeting namin kanina ay nakasama na lahat ng mga pelikulang nireresearch nila, at sobrang dami nun.
Mga films simula pa ng panahon ni copongcopong hanggang sa hinaharap, kilala man o hindi, mainstream o independent, award-winning o hinde. Nalula ata kami sa laki ng project na ito na mukhang magagamit hindi lang ng isang ordinaryong movie-goer kundi pati na rin ng mga graduate students na gumagawa ng kanilang dissertation paper.
Pero keri lang, ang volume ng data ang malaki at hindi ang program complexity. Mukha at sana nga ay ganun. Sana ay magawa namin ito ng maayos, teka, project leader na ba ako? Hmmmm….
Babalik kami bukas sa kanilang opisina para mangalap ng metadata, o data describing data. Hmmm, kailangan din ata namin istress na isang sem namin ito gagawin at hindi next week ay meron na kaagad tangible results.
Teka, ang lahat ng ito nga pala ay para sa CS 165: Database Systems class namin.
Excited rin kami sa project na ito dahil gaya ng ng sinabi sa amin ni Ma'am Carol kanina, malaki ang impact nito, marahil sa pag-aaral sa industriya at kultura ng pelikula dito sa Pilipinas=) Sana ay magawa namin ang lahat ng ninanais naming makamit. Goodluck!=)
The University of the Philippines Film Institute (UPFI) offers a Bachelor of Arts in Film, which is the country's first and only film degree program, and a Master of Arts in Media Studies (Film). The UPFI offers multimedia workshops and short courses in Photography, Cinematography, Editing, Sound Design & Scoring, Digi-Filmmaking, Documentary & Experimental Filmmaking, Animation, and Screenwriting, among others. The UPFI runs its own cinemas — the 800-seater Cine Adarna and the 70-seater Videotheque, both operating all-year round, free from censorship. The UPFI is the only Philippine member of the International Association of Film and Television Schools (CILECT).






Binigyan nga pala nila kami ng UPFI kit, hehe. souvenirs=) Pareho pa sila ng theme ng blog ko hehe. Tinimplahan ko na nga ng kape yung mug e=)
gudluck! =)
Mukhang mahirap siya. =o Pero pag nagawa, sobrang malaking use naman so good luck!
Yay, kinuha ko sa UP nun Film and Audio-Visual Communications yata yun. Basta film. Pero sa kasawiang palad, hindi ako nakapasa e. Hehe. Oh well.
hehe. goodluck kuya.
naks.. :D aus yan tol. gudlak!!
congrats :) mukhang maganda yan ha :)
waw bigtime! iba talaga pag si master komski hehe.. gudluck po! ^^