t*ngna, ang hirap talagang maging mabait. ikaw na nga ang niloko, nakukuha pang maibaligtad ang pangyayari. ako pa ngayon ang lumalabas na mali? kamusta naman un? inis na inis ako. kung ano man yang dahilan mo para gag*hin ako, sige lang. pakasaya ka sa ginawa mo sa akin.
sabihin mo nga sa akin, ano ba ang dahilan kung bakit naging badshot ka sa amin? kasalanan natin diba? dalawa tayo, at alam mo un. kaso, may ginawa ka ba para maging maganda ung tingin nila sayo? oo, sige, meron naman at napatawad na nga tayo noon eh, ayos na. kaso ano pa rin ung ginawa mo? binali mo pa rin ung tiwala ko at tiwala nila. panong hindi papangit ang tingin nila sayo? sawa na akong ipagtanggol ka alam mo ba un? nakakasawang ipagtanggol ang isang tao, na kahit ako eh hindi na rin sigurado. di na ako sigurado kung totoo pa ba ung mga pangako mo. masisisi mo ba ako? hindi, dahil ilang beses na rin kitang pinagkatiwalaan pero in the end nasaktan mo lang ako.
ngayon, sabihin mo sa akin kung ako pa rin ba ang mali. wag ka na kasing magdahilan pa. sana sinabi mo na noon pa na ayaw mo na, mas madali ko namang matatanggap un eh, kesa sa ganito na kung anu-anong dahilan ang lumalabas. guilt-trip ba ito?
kamusta, isang buwan na nga ang nakalipas, ganito pa rin.
oo, bitter ako. galit din ako sayo.













ok i think im getting the situation tho blurry pdn hehe.. lalang..
===
alam ba niya ang website mo?
===
Kung nababasa mo ‘to, lagot ka na. Napamura na eh… oi ate, ang puso mo ha? breathe deep ate… find your center! :P
===
ang mga taong ganyan, dapat kinakalimutan. pero hindi rin e, hmmmm.
===
awww.. cooletz, cool ka lang.. ganyang ganyan din yung mga post ko almost two years ago ah.. haayz. hirap tlgang mabait lalo na kung mababaliktad ka pa.. lilipas din yan.. sana malapit na yun.. smile na..
===
Wow….! Ang tindi nun ha….! Kung hindi ka pa naman tamaan ng kidlat dyan sa mga sumpang binitawan dito ewan ko lang sa lolo mong kalbo he-he….! Hello Karmi….! O krismas na krismas malungkot ka….! Tawa naman dyan at kalimutan na ang mga walang kwenta este ang mga problema pala….! =D
===
naku – nagpapa pansin lang yan!
===
hmmn…parang gusto kong hiramin itong post mo.
===
ate! ipa-ambush na natin! lolx! :)). oh well, ganyan talaga. kung lalaki yan, malamang wala siyang *t0ot* <– alam mo na kung ano yan ;)
===