since last week, walang patid na ang patugtog ng aking bossing ng mga Christmas songs. un na rin ang nagsisilbing pampagising sa aming dalawa. malakas ang sounds, nakikising-along pa minsan. ramdam ko na talaga ang Pasko. mula Jingle Bells hanggang I’m Dreaming of a White Christmas, eh meron ung bossing ko. mapa-love song o kaya naman eh mejo comedy na version ng kanta. naka-shuffle ung pagkaka-ayos ng mga kanta sa Windows Media Player kaya naman di mo alam kung anong kanta ang susunod.
kagabi, habang abala kami sa pagtatrabaho (kuno!), tumugtog ung kantang Christmas Shoes. nilakasan ng bossing ko ung volume, at pareho kaming napatigil sa ginagawa namin. nimanman bawat lyrics ng kanta at pinakinggang maigi ang melody. habang nakatitig sa harap ng monitor, naisip ko ung kwento ng kanta. nakakalungkot na ewan. at eto, ishe-share ko sa inyo.












