tamis nga ba ng unang halik.

18 Comments » December 14, 2007 » 822 days ago
inlove, writings

>> sino first kiss mo?
** parents.

ngek.

nakaugalian ko nang basahin ung mga diary ko kapag wala akong magawa. tinitingnan ko kung anong nangyari ng ganitong araw 2 years ago. trip down to memory lane ang drama. may taon na parang ayoko nang maulit, meron namang ok sa alright. Disyembre na. ano nga bang nangyari ng buwang ito? hmmm.. madami-dami rin. pero may iisang pangyayari na di ko talaga akalaing nagawa ko noon.

naaalala ko pa ung araw na un.. na parang kahapon lang nangyari.. naks.. :P

Dec. 16, 2002. 5 years ago.

malapit nang matapos ang klase. karamihan eh nagki-christmas party na lang kaya pumapasok. alam ko badtrip ako nun sa boyprend ko, kasi naman di man lang magparamdam. dumaan ang araw ng ayos lang naman. hapon na nun eh, di ko alam kung bakit ako tumambay sa room nyo. siguro dahil ayaw ko pang umuwi, kaya sumama ako dun sa barkada ko na may kaibigan din sa section nyo. andun ka, nakikigulo sa games nyo. as always, ikaw ung pinakamaingay kaya di pwedeng di ka mapapansin. nakita mo akong andun kaya kumaway ka sa akin at ngumiti. kaibigan naman kita, pinsan mo nga ung barkada ko nung highschool eh kaya barkada na rin ang turing ko sayo.

Read the rest of this entry »

School Christmas

4 Comments » December 14, 2007 » 823 days ago
Uncategorized

Parol

I think it's going to be a lonely school christmas for me. Haay, gusto ko sanang makapamasyal sa miyerkules pero wala naman akong makakasama.

Sa miyerkules na kasi ang parang culminating activity ng Pasko 2007 sa aming iskul, na ang nagmamarka ay ang Lantern Parade around the academic oval.

Maraming booths na may kung anu-anong mga itinitinda, kaliwa't kanan ang mga kainan, at kada-dalawampung hakbang ay may babba shawarma. Matao, masaya, pero ako, nag-iisa.

Sanay naman akong ganun, pero masaya sana kung may kasama. Siguro sa ibang pagkakataon na lang, malay natin, baka may next year pa.

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.