tamis nga ba ng unang halik.

Add comments December 14, 2007 » 827 days ago
inlove, writings

>> sino first kiss mo?
** parents.

ngek.

nakaugalian ko nang basahin ung mga diary ko kapag wala akong magawa. tinitingnan ko kung anong nangyari ng ganitong araw 2 years ago. trip down to memory lane ang drama. may taon na parang ayoko nang maulit, meron namang ok sa alright. Disyembre na. ano nga bang nangyari ng buwang ito? hmmm.. madami-dami rin. pero may iisang pangyayari na di ko talaga akalaing nagawa ko noon.

naaalala ko pa ung araw na un.. na parang kahapon lang nangyari.. naks.. :P

Dec. 16, 2002. 5 years ago.

malapit nang matapos ang klase. karamihan eh nagki-christmas party na lang kaya pumapasok. alam ko badtrip ako nun sa boyprend ko, kasi naman di man lang magparamdam. dumaan ang araw ng ayos lang naman. hapon na nun eh, di ko alam kung bakit ako tumambay sa room nyo. siguro dahil ayaw ko pang umuwi, kaya sumama ako dun sa barkada ko na may kaibigan din sa section nyo. andun ka, nakikigulo sa games nyo. as always, ikaw ung pinakamaingay kaya di pwedeng di ka mapapansin. nakita mo akong andun kaya kumaway ka sa akin at ngumiti. kaibigan naman kita, pinsan mo nga ung barkada ko nung highschool eh kaya barkada na rin ang turing ko sayo.

uwian na. nagaantay ako ng jeep nang bigla ka na lang sumulpot out of nowhere. kwentuhan. blahblahblah. tapos, sabi mo sa akin, wag na muna akong umuwi. mamasyal muna tayo sabi mo. sabi ko naman, sige ba, basta libre mo. oo na lang ang naisagot mo. dun na nagsimula ang lahat. sumama ako sayo dahil barkada kita. tropa nga eh. pero sino ba namang magaakalang bago matapos ung gabi eh, may mangyayari pala.

sumakay tayo ng jeep papuntang Cubao, tapos sumakay ng FX. sa Sta. Lucia tayo nagpunta. ayos lang naman sa akin, kasi malapit lang naman sa bahay un. nung nasa FX tayo, hinawakan mo ung kamay ko. di ko alam kung bakit di ako tumutol. ok lang siguro un sa magkaibigan diba? hanggang sa pagbaba ng FX, hawak mo pa rin ung kamay ko. para tayong mag-juwa. kumain tayo, tapos nag-arcade pa. maya-maya sabi mo, nood tayo ng sine. sabi ko, ano bang magandang palabas? sabi mo tingnan natin.. 007 ung pinanood natin. di ako masyadong fan ng action films pero dahil libre mo naman, ayos na rin un.

medyo konti lang ung tao kaya nakapili tayo ng magandang pwesto. sa kalagitnaan ng palabas, inakbayan mo na ako. ok lang, at least makakasandal ako sayo. di ko alam pero parang may naglalaro na sa isip ko ng mga panahong un. pero di ko pinansin dahil tropa nga. di mo gagawin sa akin un. tropa.. tropa..

kaso..

ginawa mo pa rin.

hinalikan mo ko.

di ko alam kung anong nagudyok sayo para gawin un. dahil ba malamig at madilim? dahil ba sa alam mong badtrip ako? sh*t may boyprend na ko eh. pero, kahit na ganito ang iniisip ko, di kita pinigilan.

ikaw tuloy ang first kiss ko.

natapos ang palabas, di ko alam kung anong iisipin ko. tayo na ba? pano na ba ‘to? holding hands tayong lumabas ng mall hanggang sa loob ng FX. inihatid mo ako sa bahay pagtapos ay hinalikan mo ulit ako at sinabing tatawagan mo ako kinabukasan.

tumawag ka naman.

at naging tayo nga.

tamis nga ba ng unang halik un? di ko alam.

ewan, sa dami naman ng maaalala ko diba? ito pa. di naman ako nagsisisi. pero sana di ko na lang ginawa. oh well, 5 years ago na. friends pa rin naman kami nung tropa ko na un.

note: di ko kayang i-describe ung ilang part nung kwento. wag ka nang magisip ng kung ano pa dyan. halik lang talaga un! :P hahaha.. defensive..

Mga Kahalintulad na Posts



18 Responses to “ tamis nga ba ng unang halik. ”

  • komski kuno says:

    defensive nga=) siyempre ako naman, napaisip rin sa first kiss ko, haha.

    Matamis nga ba? hmmmm

    ===

    esep-esep.. :P

  • BURAOT says:

    walastik kang bata ka. napaisip mo pa din ako tuloy kung sino first kiss ko. lols! sino nga ba 1st kiss ko? matamis ba yun o maalat? kinilig ba ako nun o kinilabutan? buhay pa ba yung hinalikan ko na yun?

    ===

    walastik kuya! :D buhay pa ba? hehehe…

  • roselle says:

    hahaha! i remember my highschool days tuloy mega diary din ang drama ko na nababasa naman ng mga kapatid ko..=) hayun pag nababasa ko sya ulit natatawa lang ako =) hay buhay =)
    nga pala friend, i tagged u. just visit nalang my blog ha.. take care always =)

    ===

    hay nku, pareho tayo! lagi ring binabasa ng kapatid ko ung mga diary ko.. ngayon, hindi na.. hehehe, nagsawa na cguro.. lol

  • ignoramus says:

    Dapat nga ba eh nilalagyan ng malisya ang halik para maging totoo? Basta yung first kiss ko eh puno ng malisya… nagkamali tuloy ako. hehehe…

    Nice post ate.. :D

    ===

    kuya talaga oh!! sino ba pers kiss mo? hmmmm..

  • MARU says:

    ayyy! naalala ko tuloy pers kiss ko….sa pers bf ko rin. amp! napatungo ako pagkatapos sa gulat. hindi ko mai-angat ang ulo ko sa sobrang dyahi. hahhaa!

    ===

    hahaha.. biglaang kis ba un ate?
    uuuyy.. muling ibalik ang tamis ng pag-ibig.. hehehe

  • vanny says:

    waaahh.. gantong araw last last year, may nalaman akong kababalghang ginagawa yung oficemate ko, behind my back! grrr. wrong choice of word yata, i mean, na-confirm na may ginagawang ewan.. backbiter,.. buti n ng lapit na xmas, i pray for him n lng kesa patulan. haha

    ===

    so sinabi nya sau? tsktsktsk..
    oo nga, since pasko naman, ipag-pray mo na lang sister!!

  • jeniffer says:

    hehe.. balik tanaw ba yan karmi? ur still in love pa rin ba?.. hmmp.. :p

    ===

    oo, balik-tanaw na naman.. hehehe..
    ako? inlab? di noh…

  • first kiss ko?! hmmm… bata pa ako non sa aso namin na ang pangalan ay jenipur,,,

    magaling nga sa french kiss yun eh

    ===

    akalain mo nga namang marunong palang magfrench kiss ang aso? :P

  • kengkay says:

    tamis ng unang halik, remember ko tuloy yung aking first kiss. ang pangalan nya ay si moises, nyahahaha

    ===

    awwww… kamusta na si moises ate? uuuyyy.. hahaha..

  • deng says:

    may naalala tuloy ako. haha.

    ===

    at ano naman un ha deng? hmmmmmm…

  • joy says:

    Thanks for dropping by Your Love Coach. I’m glad you enjoyed your visit :D

    joy
    Norwich Daily Photo
    The Goddess In You
    Your Love Coach

    ===

    thanks for the visit ate joy. :)

  • jessie says:

    grabe! di ko na maalala… ganun na siguro ako katanda… hehehe

    ===

    hehehe. maaalala mo yan kuya! :D

  • joanna says:

    wahahaha. defensive ka nga,ate. heheh. anyway, mei nangyari na sa akin na ganyan, yung tipong hinawakan yung kamay mo and all the chorvah. hehehe. weird talaga, pero sweet ^_^

    ===

    defensive ba ang dating? hhehe..

    oo, weird sa pakiramdam, pero sweet nga kapag may humahawak ng kamay mo and all the chorvah!

  • master says:

    Ayus! First kiss pala!

    ===

    opo, yan ang pers kis ko kuya. :P

  • noime says:

    haha. ano nangyare sainyo ni boipren mo? hehe.

    andmai kong naalala. haha. perskis. LOL.

    ===

    anong nangyari? nagbreak din kami after ilang araw. :P

    share mo rin ung pers kis mo.. hehhe..

  • manilenya says:

    kaya ka hinalikan kasi alam nya na di ka aangal …. kasi di ka umangal nung hinawakan nya kamay mo at inakbayan ka e lol!

    ===

    malamang nga ate. pampam un ah. taking advantage!
    ginusto ko naman.. lol

  • kengkay says:

    si moises ay nag asawa na at ang lintek, ginawa pa akong ninang ng panganay, nya, hehehe

  • komski kuno says:

    hala, bakit ka nga ba defensive??? kwento mo yan sa akin, grabe, hehehe:) la , gusto ko lang malaman:D

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.