isang paguusap:
ako: Ma, straight na 10 days ang pasok ko sa trabaho ngayong linggo. mula dec. 15-24.
nanay ko: so pasko ang day-off mo?
ako: opo, pasko lang.
nanay ko: o di para ka na ring nagsimbang gabi sa ginawa mo.
ako: oo nga noh.
sampung araw na tuloy-tuloy ang pasok ko. at least, off ako ngayong pasko, di tulad last year na mag-isa akong nagno-noche buena sa trabaho. yan ang hirap kapag sa ospital ka nagtatrabaho eh, walang holiday-holiday. sana Pasko na! ^_^
at dahil isang linggo na lang eh Pasko na, sakto ung tag sa akin ni Roselle.. i-post ko raw dito ung itsura ng Christmas Tree namin, magkwento tungkol dito at ipasa iba pang blogger. ok, ito nga pala ung Christmas Tree namin..

nyahaha, mali. ^_^ di pala yan. (ako nga pala ung bebi dyan)
ito na talaga. ^_^
ito po ang Christmas Tree sa bahay namin ngayon. yan din ung Christmas Tree namin last year. pinamana pa sa amin yang ng Lola ko mula nung pumunta kami dito sa America. isa ata kami sa mga unang naglagay ng Christmas Tree dito dahil bago pa lang mag-Thanksgiving, itinayo na ito ng tatay ko. kadalasan kasi, pagtapos ng Thanksgiving saka nila nilalagay ung Christmas Tree nila o kaya naman ilang linggo bago magPasko dahil mga totoong puno ung gamit nila.
di ako nakatulong magdecorate nitong taon dahil tulog ako. nagising na lang ako, nakatayo na ung Christmas Tree namin, akala ko nga ang haba ng tulog ko at paggising ko Pasko na agad. (hahaha. joke. :P)
theme. wala namang specific na theme ung Christmas tree namin dahil kung ano ung palamuting binili namin last year, un pa rin ung gamit namin ngayon. ung tree topper lang ata ang napalitan dahil angel un last year eh. ^_^
ipapasa ko naman ito kina komski, deng, masterbetong, kingdaddyrich at gasti. patingin naman ng mga christmas tree nyo. ^_^
—
share ko lang. nanood kasi kami ng Sunday TV Mass kahapon (TFC). sabi nung pari sa homily nya.
pari: alam ko na kung bakit nananalo si Manny Pacquiao sa mga laban nya.
pari: kasi naniniwala sya sa kasabihang. “its better to give than to receive”.
nagkatitigan lang kaming magkapatid, saka natawa. hehehe.
(joke un. kung di mo ma-gets, tanong mo sa akin. kung na-gets mo naman, eh di na-gets mo.. :D)
Merry Christmas to you! ^_^


![E[kwento]MO: bawat emo, may kwento.](http://kundiman.net/wp-content/uploads/2008/09/emo-5-small.png)







