may naririnig akong boses….
ate! ate!
ang ingay naman nila… ano bang problema?
ate, tingnan mo ‘to bilis.
ate, bumangon ka na nga dyan.
aalis kami, di ka ba sasama?
ateeeeeeee….
ang kulit. ang ingay. di ba nila alam na mahirap maging pang-gabi? laging kulang sa tulog. makakabawi ka man, di pa rin sapat dahil iba pa rin talaga ang tulog kapag gabi. hay.. di talaga nila maiintindihan un hanggang di nila nararanasan.
nak, di ka ba sasama?
sige iiwan ka na namin dito.
…………..
biglang tumahimik. may dumaang anghel siguro. hay, sa wakas.. makakatulog din ng maayos..
tiktaktiktak..
zzzzzzzzz…..
zzzzzzzzzzzzzzz……
teka, anong oras na ba?
putik, alas-11 na pala!
ate, eleven na ah. kagigising mo pa lang?
oo tol.
ano ka ba, natulog ka na naman maghapon?
oo, eh.
SLACKER.
he!
……………
tol, tara na. hatid mo na ko.
ma, tara na po.
ma, umalis kayo?
oo.
eh bat di nyo man lang ako ginising?
ginising ka kaya namin. inalog-alog ka pa nga ni mina, kaso sabi mo lang ‘oo’..
ganon? badtrip naman un. wala na naman akong nagawa ng araw na ‘to.
kumain ka ba?
di nga po ako nakakain eh.
anong oras ka ba nagising?
11 na po.
ate, 11 ka na nagising? anong oras ka ba natulog?
12nn.
almost 11 hours kang tulog?
oo nga eh. sakit tuloy ng ulo ko.
promise bukas, di ako matutulog ng ganong kahaba!
promise..













ang hirap kapag may trabho ka tas panggabi pa. nako. mas mabuting magaral na lang muna ako. hehe. :)
hahaha oo mahirap mag graveyard shift… laging hirit ng mga kaibigan ko, isipin ko na lang nasa states ako. punyemas! Nagagawa ko ung 11 hours sleep dati, minsan nga 16 hours pa hehehe. pero woi, buntis ako nun! natural na 3-4 hours sleeper na talaga ako mapagabi, mapaumaga.. ano pa’t kaya nga lagi akong mukhang badtrip at suplada nyahehe
ZZZZZZZ….. talap matulog!
hehehe. ang haba naman nun! hehe. hopped!
anlupet mo neng! 11 hours..di ko na nagagawa yan..ibang klase ka. advance merry xmas!
hahaha sarap m2log
un lng mssbe ko xD
ksi mahaba dn ako m2log minsan lol
Masakit nga sa ulo yun, di nga maganda=) Kung hindi lang ganun ang nangyayari, mas maraming tulog, mas maganda, hehe. Nangyayari na rin sa akin yan, ‘pag bakasyon. Pero di hamak na mas madalas na wala akong tulog, haay.
Siguro ginawang ganun ng Diyos para hindi lang matulog maghapon ang mga tao, hmmmmm.
mabuti ka pa, ang haba ng tulog ako maximum na ang 4-5 hours. waaahhh
totoo pala talagang sumasakit din ang ulo kapag napatagal ang tulog ate noh? 0.o naransan ko na rin yun eh. nagtaka pa nga ako bakit ganun. diba dapat di na sasakit? weird naman. Ö
pareho tayo sis.. ako din sobrang mantika matulog.. hihihi.. ang sarap kasi lalo na kapag malamig ang panahon..merry christmAs!!
can relate :P nung callcenter agent pa ko ganitong ganito araw araw hahah :P
===