exchange gifts na.
barkada ko ang nabunot ko, kaya di ako nahirapanang pumili ng ireregalo ko.
tapos na ung last subject, pero walang naguwian para sa bigayan ng regalo.
tumayo sa harapan ung class president para sya ang mauna.
bigayan dito.
bigayan doon.
makikita sa mukha ng bawat isa ang kasiyahan.
ang saya.
naibigay ko na rin ang regalo ko.
niyakap ako ng barkada ko at nagpasalamat.
tumingin-tingin ako sa loob ng kwarto, pero walang kumibo.
wala atang nakabunot sa akin.
wala ata ung pangalan ko sa palabunutan.
may ilan na absent ng araw na un.
swerte ko naman, absent pa ung nakabunot sa akin. badtrip.
umuwi tuloy akong luhaan…
kinabukasan, maaga akong pumasok.
last day na kasi ng klase.
medyo badtrip pa rin ako dahil wala pa akong regalo.
pero hoping naman ako na sana pumasok na ung nakabunot sa akin.
sana. sana talaga.
isa-isa nang nagsidatingan ung mga tao.
nagsiupo sa kani-kanilang upuan at nagsimula nang umingay.
kwentuhan dito.
kwentuhan doon.
sa tuwing may tatawag ng pangalan ko, iniisip ko na may magaabot na ng regalo.
pero wala.
swerte talaga.
may kumalat na tsismis na IKAW daw ang nakabunot sa akin.
IKAW? di nga?
IKAW, na crush ko mula pa noong 2nd year college…
IKAW, na tahimik pero may sense kausap..
IKAW, na laging tulog sa klase..
IKAW, na isang ngiti mo lang sa akin eh kumpleto na ang araw ko..
carme, sorry ha. absent ako kahapon, di ko tuloy nabigay tong regalo mo.
ha? hindi OK lang.
nagkasakit kasi ako eh, pasensya talaga.
OK nga lang. salamat ha.
lalong umingay ang paligid, pero wala akong pakialam.
di ko muna binuksan ung regalo mo, sa bahay na lang…
IKAW, na isang ngiti mo lang sa akin eh kumpleto na ang araw ko..
salamat sa ngiti at regalo mo.. ^_^




