exchange gifts na.
barkada ko ang nabunot ko, kaya di ako nahirapanang pumili ng ireregalo ko.
tapos na ung last subject, pero walang naguwian para sa bigayan ng regalo.
tumayo sa harapan ung class president para sya ang mauna.
bigayan dito.
bigayan doon.
makikita sa mukha ng bawat isa ang kasiyahan.
ang saya.
naibigay ko na rin ang regalo ko.
niyakap ako ng barkada ko at nagpasalamat.
tumingin-tingin ako sa loob ng kwarto, pero walang kumibo.
wala atang nakabunot sa akin.
wala ata ung pangalan ko sa palabunutan.
may ilan na absent ng araw na un.
swerte ko naman, absent pa ung nakabunot sa akin. badtrip.
umuwi tuloy akong luhaan…
kinabukasan, maaga akong pumasok.
last day na kasi ng klase.
medyo badtrip pa rin ako dahil wala pa akong regalo.
pero hoping naman ako na sana pumasok na ung nakabunot sa akin.
sana. sana talaga.
isa-isa nang nagsidatingan ung mga tao.
nagsiupo sa kani-kanilang upuan at nagsimula nang umingay.
kwentuhan dito.
kwentuhan doon.
sa tuwing may tatawag ng pangalan ko, iniisip ko na may magaabot na ng regalo.
pero wala.
swerte talaga.
may kumalat na tsismis na IKAW daw ang nakabunot sa akin.
IKAW? di nga?
IKAW, na crush ko mula pa noong 2nd year college…
IKAW, na tahimik pero may sense kausap..
IKAW, na laging tulog sa klase..
IKAW, na isang ngiti mo lang sa akin eh kumpleto na ang araw ko..
carme, sorry ha. absent ako kahapon, di ko tuloy nabigay tong regalo mo.
ha? hindi OK lang.
nagkasakit kasi ako eh, pasensya talaga.
OK nga lang. salamat ha.
lalong umingay ang paligid, pero wala akong pakialam.
di ko muna binuksan ung regalo mo, sa bahay na lang…
IKAW, na isang ngiti mo lang sa akin eh kumpleto na ang araw ko..
salamat sa ngiti at regalo mo.. ^_^













hmmmm, nangyari na sa akin yan, hehe=) 2nd yr. HS. Nagpuntang amerika yung nakabunot as akin. Pero hindi ko naman crush, i think it was the other way around=)
sino naman yan?=)
naks! may bago na siyang inspirasyon! ;)
ahahayy.. kay sarap balik-balikan ang mga ganyang moments. ako din, naging ‘monito’ ko ang crush ko. pero after xmas party, dko na sya crush. kasi, yung gift nya sa kin na ‘mug’ nakalagay dun, “you’re my sister!”
sus, eh iba nga pinapangarap ko eh. :roll: di bale, hayskul pa nmn ako nun.
karms, meri krismas ;-) mwah!
kilig naman ako :) hihi
karmiiiiiiiii para sayo! http://i239.photobucket.com/albums/ff115/janiscudilla/badge/fromME-07-Christmas.jpg
nakakainggit yan ate… siya nga ba yung pers kiss?? merry x-mas nga pala sa imo! :D
wala na naman regalo ninong mo hehehe
utang na naman inaanak…
merry xmas dyan sa inyong lahat!
ayihie. hehehe. kinilig naman daw ako. haha. :P
ate, Merry Christmas ah!
nga pala, nilagay na kita sa links ko. pano antagal-tagal na kitang binigyan ng comment pero di pa pala kita naililink. hehe. :*
hi karmi..
nagbalik tanaw tuloy ako..hehehehe
happy holidays!
http://www.slide.com/r/nMATCRCNyz-6O2HXmeB-hEeQ0U02i7fM
at anu naman ang laman ng regalo?
uy.. kinilig ako sa mga ganyang momentum… yihiiieeee!!! merry xmas!
cute naman ng story =)i miss those days tuloy nung highschool pa ko. by the way tnx sa cute gift mo sken ha i posted it ang cute kase. Merry Christmas my fave Karmi..mwah!
uuuuuuyyyyy! si ate karmi! ^-^ hahahaha. talaga lang ha? ;)
happy holidays nga pala ate! ^-^
helow helow… meri krismas sa iyo hija. ang wish ko sa yo? hindi bagong pSP kundi bagong boypren. para naman hindi na malamig ang pasko mo. kung malamig pa rin, magpainit ka na lang…. ng tubig. magtimpla ka ng kape. oks.
weheheh. meri krismas!
merry christmas!
hi! Merry Christmas and also to your family.. May you have the best season this year!!! oH btw, ur ECARD is in my site.. pls grab it!! thanks.. -Jeniffer
http://www.taratsilipin.wordpress.com
http://www.walongbote.co.nr
hi karmi! merry xmas! hehe! paniguradong kilala ko yang laging tulog sa klase..haha!
merry xmas karmi..naks naman talagang nagkataon nagkabunutan ah..hehe!