Hayaan mo akong magsulat

Post Info 11 months, 1 week ago by komski

Nasabi ko nga karmi na sa dina-dami na ng beses na nagpalit ako ng website ay hindi na ako gaano excited masyado. Pero lumipat ako dito hindi dahil sa kung ano lang na dahilan. Hindi dahil sa wala akong magawa, kundi dahil sa may gusto akong gawin. Ang ilan pang detalye ukol sa aking paglipat ay mababasa sa aking huling blog.

Heto ako ngayon at nagsisimulang muli sa isang panibagong blog na handog ni karmi. Isang kaibigang hindi ko na maalala kung paano at kailan ko nakilala, haha. Pero dahil sa kanya ay mayroon na naman akong mapag-eeksperimentuhang bago=) Kaya ang post na ito ay para sa kanya. Maraming salamat!

Hindi ako sigurado kung ano nga ba ang mga isusulat ko dito, kung itutuloy ko ang aking nakagawian na sa aking huling blog, kung saan ang ito ay tungkol sa aking pang araw-araw na buhay, na parang isang blog talaga o muling ibabalik ang nakalimutan ko nang paggawa ng mga tula at likhang kwento [added] na siguro’y naaalala pa ng mga matagal nang nakakakilala sa akin (na tingin ko ay dalawa na lamang) . Ninanais kong likhain muli ang isang site na ako mismo ang magsusulat tulad ng kung paano ako nagsimula dito sa web [link]. Isang mahabang hmmmmmmm…

Isa lang ang hindi nagbago… marami pa rin akong gustong gawin.

Notes: huwaw, PHP5!!! hehe. Wala akong makitang free servers out there offering the new version=) at pwede na naman akong magscripted email hehe, among other things. (rest assured karmi, I won’t do anything in violation to any terms and agreements imposed by the webhost).

Oo, kamukhang-kamukha nito nung dati. Maliban sa bagong URL ay parang hindi ako lumipat. Pero hindi man nakikita ay, ibang-iba ito, hehe. Ang mga detalye ay mababasa sa aking huling blog.

Post a Response Comment icon Posted December 25th, 2007 at 9:32 pm

9 Responses to “ Hayaan mo akong magsulat ”

  1. karmi

    muli, welkam sa idlip tol. :)

  2. komski kuno

    Maraming salamat sa papatuloy sa akin dito=)

  3. ignoramous
    ignoramous

    Welcome sa idlip kuya komski! :D Xlinks tayo idol. Ganda ng layout. kakaingget. hehe

  4. Noime

    hmm. makapag-idlip nga rin. ;)
    watduyutink?! :D

  5. komski kuno

    Pwede rin pero kakalipat mo lang rin di ba? hehe=)

  6. xienahgirl

    hahaha.
    nagulat ako.

    pagkaclick ko sa link
    parang isang mabilis na kislap
    tapos
    poof

    bagong page
    :)

    nahilo ako sa entry mo sa i.ph
    sus
    ikaw pa kaya
    na mismong nakakaranas nun?

    mabuti umalis ko na dun
    hahaha

    happynewyear

  7. karmi

    tsong, may problema ata cbox… di ako makapagmessage..

    anyways, palitan mo na rin kasi to! lol… ^_^

  8. karmi

    itong theme mo.. :D heehhe..

    kaso, sabi mo nga, ok ka na rin dito. ^_^

  9. karmi

    ako rin? bakit?
    oo nga eh, wlang magandang theme na available ngayon. baka nxt yr meron na.. :D

Leave a Reply

Get updates as often as we post! Subscribe to our full feed or comments feed.