randomness.

Posted 4 years ago so random

2 days after Christmas na, musta naman ang Pasko nyo? ako? naging masaya naman ang pasko ko.. (salamat sa wish mo, deng..) kahit na wala akong tulog buong araw ng Dec. 24, at kahit na masakit ang katawan ko kinabukasan, araw ng Pasko. naging masaya at busy ang pasko ko. busy at malamig, kaya rin siguro sumama ng konti ang pakiramdam ko.

masyadong madaming nangyari nitong mga nakaraang araw kaya naman naisipan kong i-random ang post ko ngayon. ^_^

[start of rant]

* simula pa lang nung nagplano akong kumuha ng sariling domain, kasama na sa plano ko ang maghost ng mga blogger(s). nung nakuha ko na itong idlip, medyo nag-tatlong isip ako kung kaya ko nga bang maging host. pero di ko naman malalaman kung di ko susubukan diba? kaya naisipan kong ituloy pa na rin ang plano.

kaya naman, as of Dec. 25, 2007 (American time) / Dec. 26, 2007 (Pinas time) eh dalawa na ang hostee ko dito sa idlip.net — sina ignoramous at komski. ^_^ i feel happy dahil pumayag silang maging part ng idlip.. welcome, welcome sa inyong dalawa! show them some love, bisitahin nyo sila ha..  ^_^

 

* dahil nga malamig nung Pasko, at di ako makalabas ng bahay, buong araw lang akong nakaharap sa computer. nagbo-browse lang ng mga site, hanggang sa naisipan kong manood na lang ng vids sa youtube. naisip ko na baka palabas na ung follow-up series ng It Started With A Kiss, kaya naman hinanap ko ito. di naman ako nabigo, dahil meron nang nag-upload nung episodes 1 & 2 ng They Kiss Again. yipeee!!! ilang buwan ko ring initay un eh, sa wakas palabas na!! sana, sana i-upload nila ung 28 episodes nung series!!! sana talaga.. :) yahoo, panibagong kababaliwan ko na naman ito.. goodluck! note: kailangan na talagang matuto ng Chinese!!!

 

* 27 na nga pala ngayon, Happy Birthday Lola.. ^_^

 

* malapit nang matapos ang 2007, kung nung Pasko wala akong pasok, may pasok naman ako ng Bagong Taon. actually, 13 days na sunod-sunod ang pasok ko, mula Dec. 29 – Jan. 10, 2008. iniisip ko pa lang napapagod na ko. (-_-)

 

* malapit na kaming umuwi ng Pinas, 6 months from now, makakauwi na rin ako sa wakas! ^_^ pero, expired na ung passport namin, kaya naman kailangan nang i-renew.. kahapon, nagpa-picture kami para sa passport. at kamusta naman ang picture ko! talagang may (hindi lang isang) pimple ako! goodluck, 5 years na ganyan ang itsura ko sa passport. matapos nga akong picturan nung babae, tinanong ko kung pwede bang pakitanggal ung pimple ko. kaso tinawanan nya lang ako. di nya alam na seryoso ako dun! hay, oh well, wala nang magagawa… badtrip lang talaga. nakita ko nga rin pala ung unang picture ko sa passport. last Oct. 2002 yan, 17 years old pa lang ako. may nagbago ba sa itsura ko? hmmm.. ewan. :P

 

* nakakaloko talagang maglaro ng Loco Roco!! :D

[end of rant]

tanong lang, pano nga ba mawawala pimples ko? :(

8 Responses to “ randomness. ”

  • malaya said,

    Meri Krismas! pasensiya na sa late greetings at salamat na rin sa pag-alala.

    ===

    Merry Christmas din ate. :)
    kaw pa, syempre maaalala kita.. ^_^

  • malaya said,

    naayos ko na ang theme ng site ko http://manilenya.com/karen ang url.

    ===

    yehey, naayos na ate! ^_^

  • Pepe said,

    Happy new year Karmi….! Wow, foster mommy ka na….! Pag-itinakwil ako dun sa bahay ko ampunin mo rin ako ha he-he….! =D

    ===

    Happy New Year din kuya..
    papaampon ka rin ba? sige, try natin.. ^_^

  • noime said,

    ate karmi, asan ka ba ngayon? hehehhe. ;]]

    ===

    asan ako? hmmm, la ako sa pinas noi. ^_^ hehehe..
    andito lang sa tabi-tabi..

  • ignoramous said,

    ate pa ba o inay? hehehe… Maraming thanks karm. -_^
    Hindi ko talaga alam ang sasabihin. lolz.. Happy neu in advance.

    ===

    ate na lang kuya. :D hehehe.. walang anuman ulit.
    happy new YOU! *hugs*

  • joiz said,

    Merry Christmas sayo karmi! ^_^

    ===

    Merry Christmas and a Happy New Year sau ate! ^_^

  • manilenya said,

    uy!! qwalang nagbago ha :) baby ka pa rin :)

    ===

    kaya labs kita ate eh.. :D mwah!

  • jeck said,

    belated merry christmas..isang mabisang paraan para mawala ang pimples eh yung pagtingin sa salamin araw-araw. tapos sabihin mo sa pimples mo na ‘mawala ka na, mawala ka na, mawala ka na.’ ulitin niyo lang po hanggang sa manawa kayo at hindi niyo titingnan ang sarili niyo sa salamin. hindi nyo na makikita yung mukha niyo, wala na kayong makikitang pimples. :)

    ===

    belated merry christmas at advance happy new year po! :)

    salamat sa payo.. mejo, nagsasawa na nga akong tingnan ang sarili ko sa salamin eh… epektib sya!! lol

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.