11 months, 1 week ago by karmi ako: parang ang bilis ng 2007. ilang araw na lang, 2008 na. sana 2008 na.
bro: sus, alam ko na kung bakit gusto mo nang matapos 2007, para makalimutan mo si dudong.
ako: hmmm, oo kasama un.
oo gusto na kitang makalimutan.
matatapos na ang 2007, kaya naman naglinis na ako ng mga kalat ko sa kwarto. naglinis ako para maganda ang pasok ng 2008. gusto ko masaya at wala nang kung ano pang aalalahanin pagpasok ng bagong taon. nilinis ko ang aking mesa. nagkalat kasi ang mga resibo, CD, notebook, at mga bolpen. inayos ko na din ung mga librong di ko pa nababasa. sumunod ay iyong mga papel na kung anu-ano lang naman ang nakalagay. terapi para sa akin ang paglilinis. parang sa bawat dumi na nalilinis ko, gumagaan ang aking pakiramdam. sabayan pa ng malakas na patugtog ng radyo, solb na. wala nang makakaistorbo sa akin.
nakita ko ung SM na supot. alam ko na ang laman nito. mga sulat iyong galing sayo. sulat at mga sobre na malalaki nung nagpadala ka ng package. ikinalat ko sa sahig ung laman ng supot. andun din pala ung kwintas at bracelet na ibinigay mo. pati na rin ung 2×2 na picture mo. di ko na binasa ung mga sulat, di na kailangan. ibinalik ko na lamang muli lahat dun sa supot. nakita ko rin ung diary na binigay mo sa akin nung birthday ko. naka-lock pa ito. alam ko nasulatan ko na ung unang mga pahina nito, balak ko kasing punuin un ng mga sulat tapos ibibigay ko sayo sa June kapag nagkita tayo. kaso, di ko na rin tinuloy. bakit pa diba? wala nang dahilan. may stuff toy ka nga rin palang bigay. hand puppet na baboy. binili mo pa nga un sa greenhills diba, at kaya mo binili ay dahil naalala mo ako. bumili ka rin ng para sayo, raccoon ka naman. tiningnan ko lang ung puppet at saka nilagay sa tabi nung diary.
mga sulat na may mga pangakong di na matutupad. isang diary na maglalaman sana ng magagandang ala-ala nating dalawa. hand puppet na magpapaalala sayo. ano nga bang gagawin ko sa mga iyon?
kumuha ako ng kahon sa kusina. isa-isa kong kinahon ang mga iyon. wala nang dahilan para ilagay lang iyon sa table ko. di ko na rin naman babasahin o titingnan. no need. ikinahon ko na rin ang mga ala-ala natin. inilagay ko ung kahon sa cabinet ko, sa ilalim ng mga damit na di ko na ginagamit.
tapos na. babay na.
kasabay sa aking pamamaalam sa 2007 ay pamamaalam na rin sayo.
Angkop sa post mo na ito ang “Kwarto” ng Sugarfree=) “Ala-ala ng lumuluhang kahapon, dahan-dahan ko na ring kinakahon.” At alam kong matatagpuan mo rin ang tunay mong ligaya.
(Ayan, magpakadrama tayo, hehe)
===
waah! ganda naman ng bagong layout. hehe.
grabe, emo-mode tayo ngayon ah! waha. past is past. itapon mo na lahat ng yan. sus. para san pa ba yan? eh baka mamaya saktan ka lang ng mga gamit na yan. ;]]
HAPPY NEW YEAR!
===
tama ka dyan, iwanan ang mga hindi maganda at bitbitin ang mga masaya :D ako yung mga love letters ko at mga pictures ng mga eks ko andun sa bahay lahat. kapag nalulungkot ako dati, binubuklat ko sila tapos bigla na lang akong hahagalpak ng tawa. kakaliti kasi e. tinatago ko sila kasi baka gustong basahin ng mga anak ko, malaman nila kung gano ka tino ang nanay nila, hehe
===
Ganda ng kulay… Ube-ube. sa totoo lang eh super lamig sha sa mata ko. :D nice ate…
Ikahon mo lang ate… Mahirap din yung walang itinitira eh. Tama si ate kenkay. May panahon din na darating na pagtatawanan mo nalang ang mga sulat ni dudong. Tsaka yung diary eh dalhin mo parin dito sa june. Pabasa ako. :D
===
aww.. sana lang ganun kadali mag-babay. gudluck. wew. minsan kase… super tagal na.. pero di mo maiwasan mag-isip? ahaha. pero tama yon.. balang araw matatawa ka na lang sa mga ka-emo-han dahil kay dudong hihi.
===
naku parang gusto kong maiyak. hehehe! happy new year karmi…
===
oo, binabasa ko at pinababasa ko rin, hehe
manigong bagong taon!
===