the year it was

19 Comments » December 31, 2007 » 552 days ago
blabbers, blog update

kita mo nga naman, ang bilis talaga ng panahon. patapos na naman ang isang taon. heto nga’t gumagawa na ako ng huli kong post para sa 2007. madaming nangyari ngayong taon — may maganda, malungkot, makakatuwa at pangit. para sa akin, di masyadong maganda ang taong 2007. ewan, kasalanan ko rin siguro kung bakit halos kalahati ata ng taon eh malungkot ako. pero dahil din sa kalungkutang un, marami akong natutunan. matuto akong maging masaya muli. naging masaya naman ako bago matapos ang taon. at un naman kasi talaga ang dapat.. ^_^

karmi.info – karmi.manilenya.com – idlip.net.
naka-3 blog pala ako ngayong taon. hanep, palipat-lipat ng bahay. hehehe. nagsimula ang taon na may bago akong blog. bigay ito ni kuya major bilang pamasko at pa-birthday sa akin. tumagal din ata ako ng 2 hanggang 3 buwan doon hangga’t sa tuluyan na itong mawala. sa di kasi inaasahang pangyayari, may naka-hack, kaya kailangang lumipat ng host. di na ako sumama sa paglilipat, kaya’t muli akong nagpaampon kay ate melai – naging manilenya ulit ako. ^_^

mula, april hanggang november, inampon ako ni ate. sobrang thankful talaga ako kasi may nagtyagang mag-host sa akin. (lab u te!) pero, simula pa noong umalis ako ng blogger, binalak ko na talagang bumili ng sarili kong domain. mga ilang buwan din akong naghintay bago ko talaga tinuloy ang plano ko. Dec. 1, 2007 ipinanganak ang idlip.net. dahil sa mga natutunan ko galing kay ate melai, naayos ko naman ang blog ko. salamat din sa dalawang blogger na tumulong sa akin sa pagiisip ng pangalan (hostee ko na sila ngayon). sariling bahay sa WWW. isa siguro ito sa mga masasayang moment ng 2007 ko. ^_^

friends til the end.
mapa-online pa man yan, o offline, sobrang thankful ako sa mga bago at luma kong kaibigan. salamat sa inyo (kilala nyo na kung sino kayo), dahil may nalalabasan ako ng sama ng loob lalo na kapag tinotopak ako. kahit na alam kong nagsasawa na kayo o nakukulitan sa akin, andyan pa rin kayo handang makinig o magbasa ng mga problema ko. SUPER THANK YOU talaga! try kong di na masyadong magdrama sa 2008 para di na sumakit ang ulo nyo sa akin.. ^_^ (kita-kits na lang sa June..)

mi familia.
maging maayos naman ang 2007 ng pamilya ko. sa awa naman ni papa God eh wala namang nagkasakit sa amin ng malala. pinakamalala na ata ung halos sabay-sabay kaming tinamaan ng stomach virus (o diba sosyal ang tawag). sa usapang pinansyal naman, naging OK rin ngayong taon. sana lang OK rin next year para madaming pocket money paguwi ng pinas! ^_^

lablyp. (kailangan pa ba to?)
kung madalas kang mapadpad dito sa blog ko, malamang alam mo na ang love story ko. masasabi kong this year ko na ata na-reach ung level na sobrang saya ko at the same time eh maging sobrang lungkot. buong taon, naging rollercoaster ride ang lablyp ko. nakakahilo, madaming unexpected turns at nakakatakot. at the end of the ride, i felt relieved. isa lang siguro ang wish ko next year, sana swertehin na ko sa lovelife ko. ^_^

si karmi sa taong 2007.
all in all, naging OK naman ang 2007 ko. ung lovelife lang naman ang mejo naging problema. isip-bata pa rin ako pero madami akong natutunan na malamang sa malamang eh dadalhin ko sa pagpapalit ng taon. 2008 na, ano kaya ang mangyayari? Year of the Rat daw eh. taon ko pala.. sana nga swertehin. ^_^

Happy New Year sayo!
Be safe.

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.