the year it was
kita mo nga naman, ang bilis talaga ng panahon. patapos na naman ang isang taon. heto nga’t gumagawa na ako ng huli kong post para sa 2007. madaming nangyari ngayong taon — may maganda, malungkot, makakatuwa at pangit. para sa akin, di masyadong maganda ang taong 2007. ewan, kasalanan ko rin siguro kung bakit halos kalahati ata ng taon eh malungkot ako. pero dahil din sa kalungkutang un, marami akong natutunan. matuto akong maging masaya muli. naging masaya naman ako bago matapos ang taon. at un naman kasi talaga ang dapat.. ^_^
karmi.info – karmi.manilenya.com – idlip.net.
naka-3 blog pala ako ngayong taon. hanep, palipat-lipat ng bahay. hehehe. nagsimula ang taon na may bago akong blog. bigay ito ni kuya major bilang pamasko at pa-birthday sa akin. tumagal din ata ako ng 2 hanggang 3 buwan doon hangga’t sa tuluyan na itong mawala. sa di kasi inaasahang pangyayari, may naka-hack, kaya kailangang lumipat ng host. di na ako sumama sa paglilipat, kaya’t muli akong nagpaampon kay ate melai – naging manilenya ulit ako. ^_^
mula, april hanggang november, inampon ako ni ate. sobrang thankful talaga ako kasi may nagtyagang mag-host sa akin. (lab u te!) pero, simula pa noong umalis ako ng blogger, binalak ko na talagang bumili ng sarili kong domain. mga ilang buwan din akong naghintay bago ko talaga tinuloy ang plano ko. Dec. 1, 2007 ipinanganak ang idlip.net. dahil sa mga natutunan ko galing kay ate melai, naayos ko naman ang blog ko. salamat din sa dalawang blogger na tumulong sa akin sa pagiisip ng pangalan (hostee ko na sila ngayon). sariling bahay sa WWW. isa siguro ito sa mga masasayang moment ng 2007 ko. ^_^
friends til the end.
mapa-online pa man yan, o offline, sobrang thankful ako sa mga bago at luma kong kaibigan. salamat sa inyo (kilala nyo na kung sino kayo), dahil may nalalabasan ako ng sama ng loob lalo na kapag tinotopak ako. kahit na alam kong nagsasawa na kayo o nakukulitan sa akin, andyan pa rin kayo handang makinig o magbasa ng mga problema ko. SUPER THANK YOU talaga! try kong di na masyadong magdrama sa 2008 para di na sumakit ang ulo nyo sa akin.. ^_^ (kita-kits na lang sa June..)
mi familia.
maging maayos naman ang 2007 ng pamilya ko. sa awa naman ni papa God eh wala namang nagkasakit sa amin ng malala. pinakamalala na ata ung halos sabay-sabay kaming tinamaan ng stomach virus (o diba sosyal ang tawag). sa usapang pinansyal naman, naging OK rin ngayong taon. sana lang OK rin next year para madaming pocket money paguwi ng pinas! ^_^
lablyp. (kailangan pa ba to?)
kung madalas kang mapadpad dito sa blog ko, malamang alam mo na ang love story ko. masasabi kong this year ko na ata na-reach ung level na sobrang saya ko at the same time eh maging sobrang lungkot. buong taon, naging rollercoaster ride ang lablyp ko. nakakahilo, madaming unexpected turns at nakakatakot. at the end of the ride, i felt relieved. isa lang siguro ang wish ko next year, sana swertehin na ko sa lovelife ko. ^_^
si karmi sa taong 2007.
all in all, naging OK naman ang 2007 ko. ung lovelife lang naman ang mejo naging problema. isip-bata pa rin ako pero madami akong natutunan na malamang sa malamang eh dadalhin ko sa pagpapalit ng taon. 2008 na, ano kaya ang mangyayari? Year of the Rat daw eh. taon ko pala.. sana nga swertehin. ^_^
Happy New Year sayo!
Be safe.





Salamat sa paghohost ate. :D Kahit alam ko sa sarili ko na wala akong galing sa pagsusulat eh hinost mo parin ako. MARAMING THANK YOU. Sa 2008 ako babawi… Happy new year ate.
More powerful sa iyo! :P
===
happy new year! bloghopping what a nice blog you’ve got here!
===
Woot! Haha! :) Sayang hindi ko naabutan ung lablayp mo XD
Oh well, this will be you year ^_^ This will be our year! Goodluck to you and your family ;)
===
thanks for paying me a visit…it’s nice to be here.. happy new year!
===
Hello Karmi! Happy New Year sa iyo at sa iyong pamilya! Wishing you all the best for 2008 (lalo na sa lovelife).
===
ate! haha. ayan nabasa ko na! HAPPY NEW YEAR pala.
dadating din yang labblyp mo. mamaya baka isa sa mga hostee mo. haha. joke lang ;]] peace! hehe.
ayun. sana maging maganda ‘tong taon nato pra stehn.
Lahbyuh Ate! ;]]
===
jusko
parang ako ah lipat lipat bahay LOL
anyways naglipat ulit ako
and sana LOL
hnd na ako lumipat jusko.. nkkpagud mag lipat lipat no T_T
anyways happy new yr sis
mwahh
link-ex tayu :)
===
Ewan ko na lang kung hindi ka pa bigyan ng lablayp, every post ata e may tungkol dun e, hehe. Andyan na yan panigurado, naghihintay lang ng tamang oras=)
===
hi sis! thanks for the visit again and for the link…ay ganon? pareho ba tayo? eh di magkakasundo tayo niyan…hehehe…
===
gudluck sa ‘tin dis year karms. hehe ;-)
ate labs yu….
hapi new year! ;-)
hi karmi…
just dropping by to say hi & happy new year!
kararating lang namin last night..been in las vegas for 5 days..today (officially) back to work..hehehehe
hope to catch you in YM..
ingat! mwah
===
nyahaha,, malufet na pananalita.. kahusayan ang iyong namana,, sa pagbabasa ng ginawa ng iba,, pati pag boblog mo mukang nadamay mo pa.. ahaha
But I do like your thought,, Happy New Year!!!
===
happy new year karmi! iwasan ang dapat iwasan..hehe! congrats din sa mga achievements mo this year.
I wanted to write something about the entire year, but i just couldn’t get the energy to do it. :) Well done! :) happy new year! :D
Hmnnnn…
Hapi New Year! hehe…
3 blogs last year, ngaun mga pito naman..lol
salamat tsong!! musta naman ang new year mo? :)
lapit na EB natin.. hehehe, EB talaga eh noh? :D
Happy New Year Jon. actually, i wanted to put a lot in my year-end post but i opted not to. i just got a summary of what happened last 2007.. ^_^