meri krismas! ^_^

Comments Off December 24, 2007 » 817 days ago
heart-to-heart

Merry Christmas!! ^_^

Audio clip: Adobe Flash Player (version 9 or above) is required to play this audio clip. Download the latest version here. You also need to have JavaScript enabled in your browser.

Believe – Josh Groban

Children sleeping
snow is softly falling.
Dreams are calling
like bells in the distance.

We were dreamers not so long ago.
But one by one we all had to grow up.

When it seems the magic slipped away,
we find it all again on Christmas day…

Believe in what your heart is saying,
hear the melody that’s playing.
There’s no time to waste,
there’s so much to celebrate.

Believe in what you feel inside,
And give your dreams the wings to fly.
You have everything you need,
If you just believe.

Trains move quickly to their journey’s end.
Destinations are where we begin again.
Ships go sailing far across the sea.
Trust in starlight, to get where they need to be.

When it seems that we have lost our way,
we find ourselves again on Christmas day…

Believe in what your heart is saying,
hear the melody that’s playing.
There’s no time to waste,
there’s so much to celebrate.

Believe in what you feel inside,
And give your dreams the wings to fly.
You have everything you need,
If you just believe.

If you just believe.
If you just believe.
If you just believe.
Just believe.
Just believe.

 Happy Birthday Papa Jesus! ^_^

Konting bawas naman

5 Comments » December 24, 2007 » 818 days ago
Uncategorized

Tiangge @ Pandi

Muli na naman akong nagbalik sa pagtitinda sa tiangge ng mga mahahabang maong shorts, curduroy pants, teen blouses, kid’s shirts, at kung anu-ano pang klase ng damit sa sa tingin ng nanay ko e uso. At least, for one day e naranasan ko, na muling baratin ng mga matatandang maybahay ng lipunan, gulu-guluhin at gamitan ng kung anu-anong math tricks para malito’t madulas ako’t mabawasan ang kanilang babayaran, daanin sa charm at sa pangiti-ngiti habang ipinipikit ang mga mata para magmukhang cute at sa huli’y tatawa na para bang ang pagtawad sa presyo’y ang kanilang sariling punch line, kulit-kulitin, takutin, i-intimidate at kung minsan ay i-seduce, mapa-babae man, lalake, o pareho.

Hindi naman na talaga maiaalis sa mga mimimili ang pagtawad. It’s psychological. It’s an art. Parte na ito ng kultura ng konsumerismo at pangangalakal. Pinag-aaralan, itinuturo, isang estilong ipinapasa-pasa sa bawat henerasyon.

I have nothing against haggling, hehe. Pinananatili nitong masigla ang buhay palengke, sa maganda mang paraan o hinde. Mas mabuti naman ito kaysa sa pasibong paraan ng pamimili na nararanasan halimbawa sa isang mall na ang tanging pag-iisipan lang ay kung gusto mo talaga o hindi ang itinitinda. Take it or leave it. Sa tiangge ay idinaragdag ang aspekto ng mapag-uusapang presyo. Parang Deal or no Deal kung saan kasama mong naglalaro ang iyong diskarte at swerte. Sa pamamagitan rin ng pagtawad ay nagkakaroon ng dagdag na interaksyon sa pagitan ng mamimili at manininda, sa barat at galante, sa suki at iniiwasan.

Ewan ko rin, hindi ko pa naman nararanasan na magtinda sa isang mall. Sinubukan kong mag-apply dati sa SM pero full-time job pala at hindi pang-summer lang ang inooffer nila at hindi pa ako 18 nun, hehe. Hindi ako sumusunod sa patakaran ng at ayaw nila yun, siyempre. Haay, sayang=) hehe.

Pero minsan e nakakainis rin ang mga sobrang barat na minsan ay sigurado kaming hindi naman bibili at talagang nanggu-goodtime lang ata. Minsan ay nakakaasar, nakakaloko, at nakakadegrade rin ng morale. Consumers can be harsh, lalo na kung nagkagrupo-grupong parang ralliyistang nag-aaklas upang mapagkalooban ng limampisong bawas sa presyo ng skinny jeans o zaido shirts. Kulang na lang ang mga plakards at ang pagsigaw in chorus. Natakot naman ako sa naimagine ko, hehe.

Pasko na sa Martes kaya’t maraming namimili ng pangregalo sa mga inaanak, damit pamasko at pang-exchange gift. Ngayon ay ang mga matatanda ang namimili, sila kasi ang may pera. Pero makalipas naman ng Pasko ay ang mga bata naman ang may pera kaya mapapansing sila naman ang nasusunod sa pamimili. Maraming tao sa palengke, masikip, magulo, masaya.

PS: Mas maraming bumili ng Zaido shirts kaysa sa Lastikman, haha. Mas marami talagang kapuso kaysa sa kapamilyang tulad namin. Sabi ng nanay ko ay sabi ng nakausap niya ay kaya ganun ay dahil pangit raw ang reception ng channel 2 kaya 7 ang pinanonood nila. Sabi ko naman, “Maganda naman ang palabas”, hehe. Nakita ko rin kanina yung crush ko at buntis na siya, wala lang.

Makapagtinda nga kaya ulit? hmmmm.

monito monita.

18 Comments » December 22, 2007 » 819 days ago
inlove, writings

exchange gifts na.
barkada ko ang nabunot ko, kaya di ako nahirapanang pumili ng ireregalo ko.
tapos na ung last subject, pero walang naguwian para sa bigayan ng regalo.
tumayo sa harapan ung class president para sya ang mauna.
bigayan dito.
bigayan doon.
makikita sa mukha ng bawat isa ang kasiyahan.
ang saya.
naibigay ko na rin ang regalo ko.
niyakap ako ng barkada ko at nagpasalamat.
tumingin-tingin ako sa loob ng kwarto, pero walang kumibo.
wala atang nakabunot sa akin.
wala ata ung pangalan ko sa palabunutan.
may ilan na absent ng araw na un.
swerte ko naman, absent pa ung nakabunot sa akin. badtrip.
umuwi tuloy akong luhaan…

kinabukasan, maaga akong pumasok.
last day na kasi ng klase.
medyo badtrip pa rin ako dahil wala pa akong regalo.
pero hoping naman ako na sana pumasok na ung nakabunot sa akin.
sana. sana talaga.
isa-isa nang nagsidatingan ung mga tao.
nagsiupo sa kani-kanilang upuan at nagsimula nang umingay.
kwentuhan dito.
kwentuhan doon.
sa tuwing may tatawag ng pangalan ko, iniisip ko na may magaabot na ng regalo.
pero wala.
swerte talaga.
may kumalat na tsismis na IKAW daw ang nakabunot sa akin.
IKAW? di nga?
IKAW, na crush ko mula pa noong 2nd year college…
IKAW, na tahimik pero may sense kausap..
IKAW, na laging tulog sa klase..
IKAW, na isang ngiti mo lang sa akin eh kumpleto na ang araw ko..

carme, sorry ha. absent ako kahapon, di ko tuloy nabigay tong regalo mo.
ha? hindi OK lang.
nagkasakit kasi ako eh, pasensya talaga.
OK nga lang. salamat ha.

lalong umingay ang paligid, pero wala akong pakialam.
di ko muna binuksan ung regalo mo, sa bahay na lang…

IKAW, na isang ngiti mo lang sa akin eh kumpleto na ang araw ko..
salamat sa ngiti at regalo mo.. ^_^

oi gising!

11 Comments » December 20, 2007 » 821 days ago
so random, writings

may naririnig akong boses….

ate! ate!

ang ingay naman nila… ano bang problema?

ate, tingnan mo ‘to bilis.
ate, bumangon ka na nga dyan.
aalis kami, di ka ba sasama?
ateeeeeeee….

ang kulit. ang ingay. di ba nila alam na mahirap maging pang-gabi? laging kulang sa tulog. makakabawi ka man, di pa rin sapat dahil iba pa rin talaga ang tulog kapag gabi. hay.. di talaga nila maiintindihan un hanggang di nila nararanasan.

nak, di ka ba sasama?
sige iiwan ka na namin dito.

…………..

biglang tumahimik. may dumaang anghel siguro. hay, sa wakas.. makakatulog din ng maayos..

tiktaktiktak..

zzzzzzzzz…..

zzzzzzzzzzzzzzz……

teka, anong oras na ba?
putik, alas-11 na pala!

ate, eleven na ah. kagigising mo pa lang?
oo tol.
ano ka ba, natulog ka na naman maghapon?
oo, eh.
SLACKER.
he!

……………

tol, tara na. hatid mo na ko.

ma, tara na po.

ma, umalis kayo?
oo.
eh bat di nyo man lang ako ginising?
ginising ka kaya namin. inalog-alog ka pa nga ni mina, kaso sabi mo lang ‘oo’..
ganon? badtrip naman un. wala na naman akong nagawa ng araw na ‘to.
kumain ka ba?
di nga po ako nakakain eh.
anong oras ka ba nagising?
11 na po.

ate, 11 ka na nagising? anong oras ka ba natulog?
12nn.
almost 11 hours kang tulog?
oo nga eh. sakit tuloy ng ulo ko.

promise bukas, di ako matutulog ng ganong kahaba!
promise..

Defender of the UP Campus

5 Comments » December 20, 2007 » 821 days ago
Uncategorized

UP Lantern Parade 2007

From days of long ago. From unchartered regions of the UP campus, comes a legend, the legend of Ikotron, defender of the UP campus. A mighty robot, loved by good, hated by evil.

Hehe, wala naman kasing tagline ang Transformers e, kaya Voltron na lang. Peyborit ko naman yun.

Natuwa ko nung nakita ko itong ikotron, hehe. Lalo na nung narealize ko na baka magtatransform talaga ako, at kaya nga! “Sige, tatayo ako dito hanggang magtransform yan!”, sabi ko nang malakas habang nakatayo sa tabi ng kalsada. Narinig naman ako nung isa sa mga gumawa nun at sinabi niya na sa tapat lang ng mga colleges nila itatransform yun, dahil low-quality ata ang sabi niya, haha.

Baka nga naman masira kaagad kapag maya’t maya nila itong sinummon. Sabi nga ni Tina na wala na raw yung bubong nito nung dumaan sa eng’g, hehe. At hindi na rin ito nagtransform sa tapat nila.

Anim na tao nga pala raw ang nagbubuhat sa loob nun. Sayang at hindi ko ito nakita in full-transform form, hehe. Dapat pala e bumalik ako sa may AS, kahit mag-isa, sayang. Umalis na kasi si Tina para sunduin ang kaibigan niya.

UP Lantern Parade 2007

Ang ikot nga pala ay ang mga dyip na sinasakyan kung tinatatamad kang maglakad, o kung male-late ka na papunta sa iyong klase sa kabilang ibayo ng aming eskwelahan. Ayan, suki ako niyan dahil madali akong mapagod, hehe.

Lantern Parade nga pala kanina. Nakita ko naman ang karamihan sa mga kasali sa parada tingin ko. Mga marching bands, parading faculty in costumes, mga orgs tulad ng mga magagandang diwata na may dalang banner na “Centennial na, umamin ka na!”, hehe, mga nagsasayawang higantes ng SOLAIR, at marami pang iba. Hmmm, hindi ko nga nakita ang lahat ng kasali.

Siyempre, ang laging inaabangan ng lahat, ang mga estudyante ng Fine Arts kasama ng kani-kanilang individual at group, hmmm, anu bang tawag dun? hehe. Ang theme ata nila ngayong taon ay ang mga Filipino artists tulad nina Bencab, Abueva, Larry Alcala, atbp. at kanilang mga likha. Gusto ko yung kay Larry Alcala, hehe=) Marami ring mga ikot dyip, hehe=) Pasakay!

Miss, kasya pa ba ang isa?

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.