christmas shoes

16 Comments » December 11, 2007 » 830 days ago
heart-to-heart

since last week, walang patid na ang patugtog ng aking bossing ng mga Christmas songs. un na rin ang nagsisilbing pampagising sa aming dalawa. malakas ang sounds, nakikising-along pa minsan. ramdam ko na talaga ang Pasko. mula Jingle Bells hanggang I’m Dreaming of a White Christmas, eh meron ung bossing ko. mapa-love song o kaya naman eh mejo comedy na version ng kanta. naka-shuffle ung pagkaka-ayos ng mga kanta sa Windows Media Player kaya naman di mo alam kung anong kanta ang susunod.

kagabi, habang abala kami sa pagtatrabaho (kuno!), tumugtog ung kantang Christmas Shoes. nilakasan ng bossing ko ung volume, at pareho kaming napatigil sa ginagawa namin. nimanman bawat lyrics ng kanta at pinakinggang maigi ang melody. habang nakatitig sa harap ng monitor, naisip ko ung kwento ng kanta. nakakalungkot na ewan. at eto, ishe-share ko sa inyo.

Read the rest of this entry »

Nasaan na?

9 Comments » December 10, 2007 » 831 days ago
Uncategorized

Hinanap ko kanina ang aking usb flash disk para itry ang pendrive linux, pero hindi ko mahanap. Nagpanic na ako dahil parang matagal ko na ring hindi ito nakikita. Tinext ko na yung kapatid at pinsan kong humiram nito dati at baka nasa kanila pa, pero wala raw, haay. Wala na, gusto kong magwala.

Dalawang buwan ulit akong mag-iipon. Buti na lang at may microSD ang aking phone kaya yun na lang muna ang gagamitin ko bukas para sa ppt ng report ko, haay.

Life is cruel. Nakakalungkot talaga.

idaan na lang sa meme.

8 Comments » December 9, 2007 » 832 days ago
meme

ang sama ng pakiramdam ko. mabigat. parang pasan ko ang daigdig kahit di naman dapat. hay naku, tama na nga ang drama!

sasagot na lang ako ng meme galing kay kuya Pepe.. (alam ko ti-nag din ako ni ate melai  nito eh…)

Rules : Mention the name of the person who tagged you and create a link back to them.**  Pick your birth month.** Bold the traits that apply to you.**

OCTOBER: Loves to chat. Loves those who loves them. Loves to take things at the center. Inner and physical beauty. Lies but doesn’t pretend. Gets angry often. Treats friends importantly. Always making friends. Easily hurt but recovers easily. Daydreamer. Opinionated. Does not care of what others think. Emotional. Decisive. Strong clairvoyance. Loves to travel, the arts and literature. Touchy and easily jealous. Concerned. Loves outdoors. Just and fair. Spendthrift. Easily influenced. Easily loses confidence. Loves children.

halos lahat ata eh ugali ko, pero pinili ko lang ung ‘ako’ talaga.

Loves to chat. siguro halos kalahati ng araw ko eh nakaharap ako sa computer. chatter rin ako since birth este 1st yr college.
Loves those who loves them. you love me, i love you too! ^_^
Loves to take things at the center. i always try.
Lies but doesn’t pretend. madalas akong magsinungaling, oo. pero kung ayaw ko sayo, mas gusto ko pang sabihin ko na lang sayo agad.
Gets angry often. madalas akong sabihan na sensitive ng mga kapatid ko.
Treats friends importantly. i love my superfriends!
Always making friends. i always make friends and keep them.
Daydreamer. nanaginip ng gising, nakatulala sa langit..
Emotional. emo? sobra!
Strong clairvoyance. yup. minsan lang nakakainis na kapag nagkakatotoo ung mga hinala ko.
Touchy and easily jealous. certified selosa.
Concerned. i concern myself with everything. kahit na di naman dapat. kaya rin siguro ang dami kong pinoproblema.
Just and fair. pwede ba akong maging lawyer? :)
Easily influenced. oo, madali rin akong mapapaniwala ng tao.
Easily loses confidence. madalas tong mangyari sa akin.
Loves children. baby-sitter anyone? :) call me.. hehehe..

===

hay.

tapos na akong sumagot ng meme pero masama pa rin pakiramdam ko.

magkakaroon siguro ako kaya badtrip ako.

sakit ng ulo.

basta badtrip.

Sana Ngayong Pasko

6 Comments » December 9, 2007 » 832 days ago
Uncategorized

Isang linggo na naming pinag-uusapan na hindi kami magpapasko ngayong taon. Dahil sa dinami-dami ng mga projects na kailangang gawin ay baka mawalan na kami ng libreng oras ngayong darating na Christmas break. Nariyan ang Android Mobile Phone App para sa CS 174, Friendster and Google Maps Mash-up sa CS 120, UPFI Database System sa CS 165 at siyempre, ang P2P Mobile App para sa thesis. Kamusta naman yun di ba?

Kaya ang magiging eksena'y  habang masaya ang lahat at nagkakantahan, kami naman'y nakasalumpok sa pc at nagcocode maghapon at magdamag, sana ganun, dahil dapat ay matapos ang mga ito ngayong pasko=) at ito ang unang kong wish, bilang sagot sa tag ni karmi.

Sana ay hindi ako magkasakit. Inuubo-ubo ako ngayon dahil sa sobrang lamig siguro, masakit ang lalamunan at mahirap lumunok. Hindi ko nga nga makanta yung part ko sa duet namin, hehe. Sana, matapos ko na rin yung kantang yun kahit bago mag-Simbang Gabi man lang.

Sana ay hindi ako tumaba pa lalo, dahil paniguradong mapapasabak ako sa kainan ngayong Christmas Season at alam kong kalahati ng mga kakainin ko ay ako ang magluluto, haha. Hmmmm, imposible ata ito ah. Babaguhin ko na lang, Sana ay pumayat ako next year. Oo na, sa sarili ko ring pagsisikap magmumula ang katuparan nito, hehe. At idedelete ko ang lahat ng magcocomment sa wish na ito, haha.

Gusto ko ng frosted glass mug, yung kulay puti, yung mataba at hindi yung matangkad. Hmmm, mahilig na ata ako sa mug ngayon, hehe. 

Gusto kong mamasyal, sa lugar na hindi ko pa napupuntahan, sa isang mall o kahit na anong pasyalan. Sana ay may mag-aya sa akin, hehe=) Pero yun nga lang, iko-contradict nito amg una kong wish. Pero kung isang araw lang naman, haay.

Gusto ko ng coin purse, dahil ang nabili kong bag ay isa lang ang bulsa bukod sa bag mismo. Kapag kumukuha kasi ako ng barya para ipambayad sa dyip ay lagi akong natutusok ng bolpen at baka mahulog pa't mawala ang mga kung anu-anong mga mahahalagang bagay dun tulad ng flash disk at bluetooth dongles, oo, may "s".

Sana ay tawagan ako ng 1 vs. 100, para sabihing kasali ako bilang isang mob member, hehe. Para naman makita ako sa tv kahit na isang beses lang=) Pero mas gusto ko ata yung maging 1. Pipiliin kong ten picks e yung 1-10, hehe=) o yung lahat ng nasa bottom left corner, kaysa naman random.

Sana ay maayos na naming magawa ang macaroni salad, dahil apat na taon na naming sinusubukan pero palpak pa rin, hehe. Once a year lang naman kaya inabot ng 4 years. Sana rin ay may bago akong matutunang iluto at sana ay magkaroon kami ng oven! Gusto kong magbake, hehe.

Hayan, yan na lahat ng naiisip ko ngayon e, hehe. Dahil malabo naman na magkaroon ako ng digital camera, malaking hardrive, video card, o bagong pc kaya? Laptop rin o phone kaya na pwedeng gamitin sa thesis namin, haay, kaya hindi ako magwiwish nuon. Hindi dapat umasa sa mga imposibleng bagay, hehe.

Waaah, hindi ako makapagconcentrate! Bigyan niyo na nga ng barya yung nangangaroling! Dun sa bag ko, meron. Dun nga kayo sa labas at bigyan niyo kagad bago pa sila lumapit! Arrrgggh…
- praning na nagcocode

sana mabasa mo..

9 Comments » December 8, 2007 » 833 days ago
emo daw

t*ngna, ang hirap talagang maging mabait. ikaw na nga ang niloko, nakukuha pang maibaligtad ang pangyayari. ako pa ngayon ang lumalabas na mali? kamusta naman un? inis na inis ako. kung ano man yang dahilan mo para gag*hin ako, sige lang. pakasaya ka sa ginawa mo sa akin.

sabihin mo nga sa akin, ano ba ang dahilan kung bakit naging badshot ka sa amin? kasalanan natin diba? dalawa tayo, at alam mo un. kaso, may ginawa ka ba para maging maganda ung tingin nila sayo? oo, sige, meron naman at napatawad na nga tayo noon eh, ayos na. kaso ano pa rin ung ginawa mo? binali mo pa rin ung tiwala ko at tiwala nila. panong hindi papangit ang tingin nila sayo? sawa na akong ipagtanggol ka alam mo ba un? nakakasawang ipagtanggol ang isang tao, na kahit ako eh hindi na rin sigurado. di na ako sigurado kung totoo pa ba ung mga pangako mo. masisisi mo ba ako? hindi, dahil ilang beses na rin kitang pinagkatiwalaan pero in the end nasaktan mo lang ako.

ngayon, sabihin mo sa akin kung ako pa rin ba ang mali. wag ka na kasing magdahilan pa. sana sinabi mo na noon pa na ayaw mo na, mas madali ko namang matatanggap un eh, kesa sa ganito na kung anu-anong dahilan ang lumalabas. guilt-trip ba ito?

kamusta, isang buwan na nga ang nakalipas, ganito pa rin.

oo, bitter ako. galit din ako sayo.

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.