wish ko sa pasko

Posted 4 years ago meme

malapit na ang Pasko, 19 days na lang.. ano nga bang wish ko? actually, di ko rin alam.. kung tatanungin ako ni Santa, di ko alam ang isasagot ko sa kanya.. buti na lang at may tag na ipinasa sa akin si ate karen.. makakapagisip tuloy ako ng kung ano bang wish ko ngayong pasko.. :)

  1. siguro ang unang wish ko, eh peace of mind and happiness.. gusto ko lang namang maging masaya, ung kasiyahan na totoo, ung wala akong kaba na baka umiyak na naman ako pagtapos.
  2. wish ko tumagal pa ako bilang isang blogger.. sana di ako maubusan ng kwento.. :)
  3. syempre dahil concerned pa rin ako sa mga nangyayari sa Pilipinas, wish ko na rin na sana matapos na ang gulo. sana magkasundo-sundo na ang gobyerno, militar, simbahan at ang masa.
  4. wish ko lang magkalovelife ako ngayong pasko para naman di malamig ang pasko ko.. lol
  5. hmmm, since Christmas wish naman, pwede naman siguro kahit isang materyal na bagay diba? ok na kahit alin sa 3 ang makuha ko at ng mga kapatid ko this christmas – PS3, Rock Band o kaya iTouch.. :)

yan lang muna siguro (sa ngayon.) la pa rin talaga akong maisip eh.. hehehe.. :)

Now I wanted to know your Christmas wish:

aisha, janis, gasti, deng, komsi kuno, kuya shopz, vanny, eumi, roguey

Put your link, go on and spread the list!
   Malaya, karmi

girrrrrl power

Posted 4 years ago starstruck

 

Victoria’s Secret Fashion Show ’07. two words – girl power! why wouldn’t you watch it? top models wearing sexy lingerie + guest performances = 1 hour of great show. i was never the girly girl who loves pink and frizzles but for a second there, i wished i can be a Victoria’s Secret Angel. it looks so fun, and they get paid doing what they love to do.

this years fashion show got something special that no other fashion shows can have. that’s why i recorded it and watched it myself. people have been talking about it for months now and some said that THEY might steal the spotlight from the models in the runway. who are THEY? hmmm…

YouTube Preview Image
Victoria’s Secret Fashion Show 2007

yup, the SPICE GIRLS! ^_^ i am not a big fan but i did feel happy that they got back together. i admit, i missed them – Scary, Baby, Ginger, Sporty and Posh. they all look the same, except for Mel. B. because of her long straight hair; Emma and Geri looked like twins. :); Victoria, still looking good though David Beckham wasn’t there that night; and Mel. C., of course as always, the only one wearing pants. i was touched when they hugged at the end of the song, its like they really missed performing as a group.

i heard they’ll have their world tour next year. good! :) i don’t know if i’ll watch their show but to know that Girl Power is back, i’m happy. ^_^

my brother even watched the show. after the girls sang..

bro: ‘NSYNC will get back as a group after the Spice Girls did.
me: after Lance admitted he is gay? hmmm, i dont know…
bro: ……

Team Potato

Posted 4 years ago Uncategorized

P04-12-07_20.57

Huwaw, pumayag na ang UP Film Institute sa aming project proposal=) at hindi lang basta pumayag, natuwa pala sila at na-excite dahil matagal na nilang gustong magawa ang pinaplano namin.

Isang Database Archiving System para sa mga Films, na noong sa una'y ang naging plano naming tatlo ay yung lang mga pinalabas sa UPFI ngunit dahil sa meeting namin kanina ay nakasama na lahat ng mga pelikulang nireresearch nila, at sobrang dami nun.

Mga films simula pa ng panahon ni copongcopong hanggang sa hinaharap, kilala man o hindi, mainstream o independent, award-winning o hinde. Nalula ata kami sa laki ng project na ito na mukhang magagamit hindi lang ng isang ordinaryong movie-goer kundi pati na rin ng mga graduate students na gumagawa ng kanilang dissertation paper.

Pero keri lang, ang volume ng data ang malaki at hindi ang program complexity. Mukha at sana nga ay ganun. Sana ay magawa namin ito ng maayos, teka, project leader na ba ako? Hmmmm….

Babalik kami bukas sa kanilang opisina para mangalap ng metadata,  o data describing data. Hmmm, kailangan din ata namin istress na isang sem namin ito gagawin at hindi next week ay meron na kaagad tangible results.

Teka, ang lahat ng ito nga pala ay para sa CS 165: Database Systems class namin.

Excited rin kami sa project na ito dahil gaya ng ng sinabi sa amin ni Ma'am Carol kanina, malaki ang impact nito, marahil sa pag-aaral sa industriya at kultura ng pelikula dito sa Pilipinas=) Sana ay magawa namin ang lahat ng ninanais naming makamit. Goodluck!=)

The University of the Philippines Film Institute (UPFI) offers a Bachelor of Arts in Film, which is the country's first and only film degree program, and a Master of Arts in Media Studies (Film). The UPFI offers multimedia workshops and short courses in Photography, Cinematography, Editing, Sound Design & Scoring, Digi-Filmmaking, Documentary & Experimental Filmmaking, Animation, and Screenwriting, among others. The UPFI runs its own cinemas — the 800-seater Cine Adarna and the 70-seater Videotheque, both operating all-year round, free from censorship. The UPFI is the only Philippine member of the International Association of Film and Television Schools (CILECT).

Enemies of the State

Posted 4 years ago Uncategorized

Naaasar na ako sa media. Siguro naman ay nabalitaan mo ang tungkol sa ginawang pagtatangkang rebelyon ni Senador Trillanes at ilan pang mga kasamahan noong isang linggo, ngunit hindi iyon ang binabalita gabi-gabi. Para ngang nakalimutan na iyon dahil may mas pinagtutuunan ng pansin ang media, at yun ay ang ginawang pagtatrato ng mga awtoridad sa kanila.

Panig ako sa media ukol sa extra-judicial killings at illegal detaining ng ilang mga nakikibaka laban sa gobyerno. Naaasar ako sa pagtatanggi at paglilihim ng militar at sa fact na wala tayong magagawa tungkol dun. Pero iba sa nangyari sa Manila Peninsula na tingin ko ay sumusobra na ang media.

Lalo na sa report ni Karen Davila at Julius Babaw kani-kanina lang. Sabi ni Karen ay pinabulaanan ng PNP chief na iniimbestigahan nila ang media, pero may nag-email daw sa kanilang news department head ata na dalhin ang kanilang video footage ng insidente sa himpilan ng pulisya, at dun tinapos ni Karen Davila ang kanyang report. Wait, something's missing, hindi niya sinabi kung bakit raw dadalhin ang mga video footage at ang word na ginamit niya, "dalhin ang video footage". Hindi ito kinumpiska, hindi sila dinalhan ng search warrant o anuman at bagkus a inemail sila.

Nagpapaimportante ang media, hindi sila ang iniimbestigahan kundi sina Trillanes. Dahil magandang ebidensya ang video footage sa pagtangkang rebelyon. At wala namang sinabi si Karen Davila na "baka gagamiting ebidensya ang video footage na nakuha namin", NO. Wala nga siyang dahilan kung bakit "pinapadala". At bakit wala siyang sinabing dahilan? Dahil gusto niyang isipin mo na lang na iniimbestigahan nga sila ng pulis. Na sinungaling sila, haha.

Pero mas maganda ang naging pahayag ni Julius Babaw. Sinabi niya kasi na kung hindi naman daw tinuturing ng mga pulis ng mga kaaway sila o suspect, bakit raw siya inimbitahan sa hearing sa Disyembre ata. Huwaw, inisip niya kaya muna ito bago niya sinabi? Dahil you don't invite a suspect to a hearing. Humihingi ka ng arrest warrant sa judge kung saan naganap ang krimen at hinuhuli mo ang suspect. Hmmmm, bakit nga kaya siya inimbitahan?

Maraming itinatago ang media. 

I wonder, naisip kaya nila na makakasabal sila sa isang police operation involving rebellious military men kung andun silang lahat? Pero hinde, sa sobrang pagmamahal nila sa kanilang trabaho para maihatid nila ang balita sa mamamayang pilipino ay nadesisyon sila na maiwan sa loob at makigulo. Ilan ba sila? Kung bawat tv station ay may cameraman, reporter at researcher, at bawat diyaro ay may field reporter at photographer at bawat radio staion ay may isang reporter, hmmmm, ilan kaya sila sa loob?

Siyempre, hindi na nila inisip kung makakasagabal man sila o hindi, ang mahalaga ay maibalita sa mamamayang pilipino ang mga kaganapan, kahit na ikasawi pa nila. Pero mayroon namang "video courtesy of" o "ayon kay", pero bakit naman sila kukuha sa iba kung pwede naman sila ang kumuha? E marami naman sila dun, bakit nga naman sila aalis, edi naging bida na naman yung kabilang istasyon.

Maraming ipinapakita ang media, pero mas marami silang itinatago.

Noong umuwi ako ng huwebes last week ay nabalitaan kong may curfew na raw, it was all over the news, hanggang sign-off. 'Tas sinasabi nila na simula na raw ito ng martial law at natakot naman ako. Pero ang kinaaasaran ko ay friday ko pa ng umaga nalaman na noong gabi lang talaga ang planong may curfew at hindi araw-araw. Bakit hindi nila sinabi kaagad?

Almost everybody talks about what the police did to the media, but why are they not talking about what the media did? Dahil ginagawa kang kakampi ng media laban sa gobyerno. Sila ang tama, sila ang mali. Isang buwan nating mapapanood ang mga dramatic scenes at interviews ng mga reporter na ginawang commercial. Oo, isa iyong tv advertisement. Tuwang-tuwa siguro sila sa mga nangyayari.

Sa diyaryo na lang muna ako makikibalita. Doon, walang makukulay na video footage, walang makabagbag-damdaming music, balita lang, at hindi binahiran ng marketing strategy.

PERO. Sabi ni Karen Davila na text raw ng text si General Razon na umalis na sila sa loob ng hotel. Buti na lang at hindi sila umalis, dahil ganon ang nangyari, malamang ay pinaglalamayan na sina Trillanes at ilan pang mga kasamahan. Alam kong gustong ipapatay ni ______ sila.

Ganito talaga ako kapag naaasar, madaldal. At hindi ako panig sa gobyerno.

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.