Lumabas ako sa aming tarangkahan upang mag-abang ng masasakyan. Late na naman ako nito, sigurado. Nakatayo ako habang hinihintay ang traysikel na aking tinawag mula sa may kanto nang dumaan ang isang hindi man kakilala’y pamilyar naman. Matanda na siya’t payat, kulot ang buhok, nakasalamin at nakauniporme. Hindi ko inaasaha’y bigla niya akong binati,
Ikaw ato iyong nag-aaral sa UP ano?
Hmmmm, medyo nagulat naman ako dun. Apat na taon na akong nag-aaral sa eskwelahan na yun pero ngayun lang ata may pumansin. Siguro kasi’y hindi talaga ako kakilala ng mga taga-sa amin dahil hindi ako lumalabas sa tatlumpu’t pitong sulok ng aming bahay.
Opo.
Agad-agad kong isinagot. Dati rati’y kapag napupunta sa usapan ang tungkol sa kung nag-aaral pa ako, ay lagi kong inaantay, with excitement, yung tanong kung saan ako nag-aaral, hehe. Gusto kong sinasabi dati kung saan ako nag-aaral dahil astig. O tingin ko ay astig na nag-aaral ako sa UP. Pero ngayo’y parang hindi na ganun, at ang dahilan kung bakit ay sa mga tanong na ganito,
Port yir ka na di ba, edi gagradweyt ka na?
Natigilan ako dun, hindi ko inaasahan. Maraming pumasok sa aking isipan, ang iskul, ang thesis, at sa puntong iyon ay hindi ko malaman ang aking isasagot. Naguluhan ako, natameme, pero kailangan kong sumagot dahil sa may naghihintay sa aking harapan. Bigla kong sinagot,
O-opo.
Walanghiya, harap-harapan akong nagsinungaling sa isang public elementary teacher (ewan kung naging titser ko siya dati). Unang beses kong pinagsinungalingan ang tungkol aking pagtatapos, dahil kung isang kamag-anak, pinsan, dating kaklase o blog friends ay sasabihin kong delayed ako sa subjects, irregular, may problema, na gagradweyt ako pero hindi on time.
Umalis na siya papuntang eskwelahan, at ako naman ay sumakay na sa traysikel, iniisip kung may homework o quiz sa una kong subject. At nang umandar na ang traysikel ay bigla naman akong tinanong ng drayber,
Nag-aaral ka pa?
Sana hindi niya ako tanungin ulit next schoolyear.
PS: Napag-aralan namin sa Lingguistics class ko ang tungkol sa marshmallow test sa mga bata. Pero yung sa pinanood naming video, ang bata ang pinapasok sa loob ng isang room kung saan may laruan (running train in a railroad system) sa isang table sa gitna at siya ay pinaupo na nakatalikod doon. Sinabihan siyang huwag lilingunin ang laruan at iniwan mag-isa. May mga batang lumingon, meron din namang hindi.
Ayon sa mga researchers na gumawa nung study ang mga batang naging matalino in later years were the ones who looked, and lied about it.













bago ang lahat (haha) HAPPY NEW YEAR KUYA!
kamusta naman si sir. hahaha.
teka. wala akong masabi.
sa UP ka pala nagaaral? lol
naalala ko tuloy nung HS ako, June pa lang ata nung 4th yr ako eh nagpapapirma na ako ng slumbook sa mga kaklase ko. may nagtanong tuloy sa akin kung sigurado na daw ba akong gagraduate.. sabi ko naman! hehehe.
i never lied about anything
ano ibig sabihin nun?
hahaha
gagradweyt ka na rin naman
dun na rin naman ikaw patutungo
kaya mo yan
:)
happy new year
About the title, meron kaming emo na titser, si sir mong. One time, may sinuway siyang naglalaptop habang nasa class, ayun, nagsilent moment siya for 5 minutes ‘tas nagmonologue after. Tinanong niya kung ilang taon na kami nag-aaral, elementary at highschool, binilang niya isa-isa, then a pause sa dulo habang tinignan niya kami isa-isa. Matagal yun kasi 80+ kami sa class. He finally said, “Wala kayong natutunan”, with a sorry look.
Kaya medyo kinakabahan ako kapag late ako sa class na yun, dahil baka bigla na lang siyang topakin ng pagiging emo niya.
No, having an emo for a digital circuits class is not a good idea.
(Haha, pwede nang entry ‘tong comment na ito.)
Aking natutunan yan sa buhay – magsinungaling ka hanggang kaya ng sikmura mo. Parte talaga ng buhay ang pagiinhibit ng impormasyon at ang pagsisinungaling.
“The victor will never be asked if he hold the truth.” -Adolf Hitler
*aminin natin na icon ‘tong taong ‘to. Isa siya sa mga “Great”. Masamang tao nga lang. hehehe
Happy new year!