Pakiramdam ko ay Muñoz na ang labas nito, sa haba ng nilakad ko mula sa may main building ng SM North EDSA para makapag-abang ng masasakyang bus pauwi. Iniiisip kong pakana ang lahat ng ito ng kabilang establisyemento dahil ilang pink signs rin ang nakita kong nagsasabing may maginhawang bus stop raw sa may tabi ng mall na nagpapaalala sa akin ng Zenki, kung saan nagliliwanag ang mga kalsada’t lumilikha ng isang hugis.*
Mainit ang sikat ng araw sa hapong ito kaya sana’y medyo bago-bago ang masakyan kong bus. Swerte naman at maayos nga ang aircon ng dumating na Philippine Corinthian, at may tv pa. Naupo kaagad ako sa may malapit sa unahan at agad tinignan kung anong pelikula naman ang mapapanood ko, na sana ay hindi Godzilla.
Pero naguluhan ako dahil ang nakita kong ipinapalabas ay si Mother Teresa ng Calcutta, habang siya’y may nagpapakain ng mga mahihirap at palaboy-laboy na mga bata. Kakaiba, naisip ko, relihiyosong konduktor naman ‘to, at mukhang boring e isang oras pa naman ang biyahe ko pauwi.
Mabagal siyang naglalakad nang nakahukot nang bigla na lamang nagsimula ang isang tugtog at siya’y umawit, isang musical, naisip ko. Mabagal lang ang musika sa umpisa ngunit bumilis ito nang bumilis at napatitig na lamang ako nang ang uugod-ugod na madre ay bigla na lamang tumakbo, sumayaw, nagpaikot-ikot, nagtatatalon, at nagpatambling-tambling. Hahaha, isang spoof film!
Hindi ko napigilan ang sarili kong tumawa sa komedyang aking napapanood. At namalayan ko na lamang na hindi pala ako nag-iisa sa pagkatuwa sa pinapalabas.
Hindi ko siya napansin nung ako’y naupo. Mukha siyang kasing-edad at malamang ay estudyante ring tulad ko, bagama’t hindi naka-uniporme. Siguro ay dahil sa kanyang bag at dala-dalang case ng malapad na papel, basta, hindi ko alam ang tawag nila dun.
Sabay kaming natatawa sa bawat bitaw ng punchline dahil bentang-benta ang slapstick at mga ironic, practical, at paradoxical jokes. Sa sobrang engganyo sa napapanood ay nagkakasabihan na rin ng kung anu-anong mga side comments, sabay tawa. Ang isang oras na biyahe’y hindi na namalayang lumipas. Nakangiti ako.
At sakto namang natapos ang pelikula pag-ahon sa may expressway exit. Natigil ang tawanan na napalitan ng katahimikan at kawalan ng kibo. Pinatay na rin ang tv at ako naman ang naghahanda nang bumaba.
Nang napansin ko ang kanyang kakaibang katahimikan na parang ‘di mapakali sa kinauupuan. Nakita ko na lamang na iniaayos niya ang kanyang bag at kinabahan ng maramdaman ang kanyang kamay na dumidikit sa aking tagiliran.
Naramdaman kong parang gusto niya akong hawakan, ang mga daliri niyang unti-unting bumabaluktot upang mahagilap ang aking t-shirt na parang hinahanap ang aking katawan. Agad-aagad tuloy akong napatayo sa aking kinauupuan at nakisiksik at dali-daling lumabas pababa ng bus.
Langyang bakla yan, tsatsansingan pa ako.
*Ang EDSA, North Avenue at Quezon Avenue ang mga kalsadang bumubuo ng Triangle North of Makati. Ilang tatsulok pa ay makakabuo na sila ng simbolong pwedeng gamitin sa Shake, Rattle and Roll 11.
Sinearch ko at ang pelikulang aking napanood pala ay ang Naked Gun 33 1/3: The Final Insult (1994) na binibida si Leslie Nielsen. Minsan ay nakakatsempo naman ako ng maganda-gandang panoorin. Nuong isang taon ata ito nangyari at mukhang naisalaysay ko naman ng eksakto sa aking pagkakaalala.













Preho kayo ni Kuya Igno. May baklang part. Wahaha. Kung ako yung ginanon, nakatikim na sa’kin yun nang magasawang sampal. HAHA. :P
Medyo napansin ko nga yun, haha. Wala talaga akong maipost, e draft ko yan for a week now=)
haha chixilog pala un..kala ko babae yun tinutukoy mo haha at nung hahawakan naman akala ko dinudukutan kasi meh hinahanap. bwahaha ingatz lagi Ü
Pareho nga ng topic nung kay ignoramous, haha. Ngayon ko lang nabasa yung sa kanya. Hmmmm, tagal ko na kasing draft ‘to, last year pa=) mga dec 29, hehe.
Sana mapost ko na rin yung dalawa ko pang drafts=)
ang wawapo talaga ng mga hostee ko! hehehe.. ^_^
pampam na bakla yan ah.. akala ko holdaper kasi may kinuha sa bag.. hehehe..
ingat ka pala sa mga badingerz… ^_^
Niye, ieedit out ko yan, sige ka=) hehe. Akala lang ata nung katabi ko na nagkapalagayan kami ng loob kasi nagtawanan kami, na parang nasa bahay lang, hehe.
Sensya na sa kanya, mababaw lang ako e=)
wahaha. edi ate karmi, kapag nagpahost ako sayo gwapo na rin ako? hehe. :)
@komski – ngek, wag mong i-edit out.. :D hehhe..
pareho naman taung mababaw ang kaligayahan..
@noi – hehehe, hmmm…. hindi, ikaw ang prinsesa kaya exemption ka.. ^_^ kagandahan naman.. :D
teka, blog ko ba ito?! hhehe..
Hahaha… Buti nalang ako eh hindi natyansingan. Hmmmnn.. Sabi na nga ba, dapat dinelay ko yung pagpost ng sakin. Wala lang talaga ako maisulat nung mga panahong yon. Nice post komski!
hala. nu ba yan may bakla part pa…eeeeew hehehehe
buti na lang nahalata mo agad! ahha