Go Extreme. Ilang mura kaya ang lalabas sa bibig ko kung tumalon ako mula sa isang eroplano at mahulog pababa sa mundo? Magpaikot-ikot sa ere at magpatambling-tambling sa mga alapaap. Sarap siguro nun, hehe. Kapag namatay na ako’t hindi ko pa ito nagagawa, o lang kahit tumalon ako mula sa langit at mahulog sa impiyerno, pwede na, makamit ko lang ‘to. Hmmm, kaya dapat talagang magawa ko ito bago ako kunin ni Lord, haha.
Buy a vowel. Noong bata pa ako ay sabik na sabik akong maging 18, para makasali na ako sa mga game show. Nakailang text na ako nitong nakaraang dalawang taon para maging studio contestant pero hindi pa ako napipili ng electronic draw nila. Talagang malas ako pagdating sa bunutan, haay. Magtetext na ako para sa Wheel of Fortune, hehe. Sana mapili.
Bake, bake, bake. Dream business ko na siguro ang magkaroon ng panaderia, bakery shop, pastry shop, o kahit na anong may kinalaman sa pagbe-bake. Small business lang sa isang rural area. Pero hindi pa talaga ako nakakapag-bake ni minsan, dahil wala naman kaming baker (corny). Meron kami dati, oven toaster, pero naaalala ko lang na niluto ko du’n ay isang piraso ng clay na hugis tao, hindi sunog, hindi rin hilaw, kundi lusaw. Mabuti na lang at hindi siya nabuhay.
Me on paperback. Gusto kong maipublish sa isang libro=) astig yun. Kahit na maisama lang ang pangalan ko, maisingit sa acknowledgements, ganun, hehe. Mabanggit ng kung sinong writer na nakakilala sa akin o ‘di kaya’y maisama ang naisulat ko mismo, mas maganda yun. Sana makaisip ako ng text kowt na sobrang malupit, haha.
One-time Third eye trial. Gusto kong makakita ng multo kahit isang beses lang sa buhay ko, este, sana isang beses lang pala sa habang panahon na ako’y nabubuhay. Ayoko nung feeling lang na parang may multo, o sigurado kang may multo pero hindi mo naman nakikita, madalas naman mangyari sa akin yun. Gusto ko yung kita talaga, hindi malik-mata, hindi anino, hindi lumilipad na pinggan o sumasaradong pinto. Face-to-face, ‘wag lang nakadikit. Huwag rin yung nanghahabol o nananakot, nangangain o nanunumpa. Gusto ko yung try-hard na multo, yung pepekein mo na lang yung takot para magkaroon naman siya ng fulfillment sa bu— hmmm.. sa kabilang-buhay.


![E[kwento]MO: bawat emo, may kwento.](http://kundiman.net/wp-content/uploads/2008/09/emo-5-small.png)








bago ako mamatay, gusto kong ring makapagpublish ng libro. kaso di ko alam kung matutupad ko un kasi madalas akong tamarin magsulat. hehehe.
gusto ko ring ikasal muna bago ako mamatay. a walk to remember? hahaha.
gusto mong makakita ng multo? ayoko. ayoko nun.. :P
i’ll remain forever young. bwahaha!
Gusto kong mamatay ng ganito pa rin kaganda. HAHA. watda.
Kuya, thank you ah! :D
ako gusto ko din makakita ng multo. bakit ganun wala pa akong nakikita. hmmmph sabi nila lalong hindi daw magpapakita sau ung multo pag gusto mo sila makita. hahaha. yaan mo pag namatay ako mumultuhin kita :lol:
@karmi - Gawa tayo ng libro=) Hmmm, tungkol kaya saan? hehe. A walk to Remember? Crush ko pa naman si Mandy Moore=) Lungkot naman nun dapat masaya.
@juvil - Hehe, sige nga, tignan natin=)
@Noime - Sige, magsama kayo ni Juvil hehe. Ok lang hanggat nandito ako, tutulungan kita kapag ma nabura ka ulit=)
@yeye - Gagawin mo yun, talaga? Yehey, sana ma– Joke lang=) Sana nga makakita na tayo. Excited na ako, hehe.
gusto ko din matry ung last one!! madami narin akong experiences sa mga multomulto pero not really as in close encounters talaga. yeeee creepy. hehe. nice ung list mo, goodluck sayo. :D
tagged u by the way. :D