bakit nga ba ngayon ka lang?

Post Info 10 months, 2 weeks ago by karmi

..nais kong malaman, bakit ngayon ka lang dumating..

i h8 dat paking song. tawagin mo na akong bitter, pero suriin mo nga ung lyrics nung kanta mismo? kung gusto mo, pwede ka na ring maki-sing along.


bakit ngayon ka lang

Bakit ngayon ka lang
Bakit ngayon kung kelan ang aking puso’y meron nang laman
Sana’y nalaman ko na darating ka sa buhay ko
Di sana’y naghintay ako…

Bridge:
Ikaw sana ang aking yakap-yakap
Ang iyong kamay ang aking laging hawak
At hindi kanya…

Chorus:
Bakit ngayon ka lang dumating sa buhay ko
Pilit binubuksan ang sarado ko nang puso
Ikaw ba ay nararapat sa akin
At siya ba’y dapat ko nang limutin
Nais kong malaman bakit ngayon ka lang dumating

isipin mo na lang, may syota ka. tapos malalaman mong may ka-duet na pala syang ibang tao tapos yan pa ang kanta. anong mafe-feel mo? ang sakit nun ha. bakit ko alam? dahil na-feel ko yan.

1st yr college. 1st boifrend. 1st heartache. lahat na ata ng first naranasan ko noon. akala ko magiging masaya. akala ko ‘perfect’, pero nagkamali ako. nagbreak kami matapos ang 2 buwan. anong dahilan? di malinaw kung ano. ang hirap dahil kaklase ko pa sya. ewan ko kung nananadya sya o talagang nananadya, nagkaroon pa sya ng gf na kaklase ko rin. gudlak. bago maging sila, kami pa rin ata nung ex ko pero nagkakalabuan na kami, narining ko ung paguusap sa classroom.

ano? bakit ngayon ka lang kanta nyo?
bakit nga ba ngayon lang, pinatagal nyo pa kasi.
kumplikado pa eh.
walang kumplikado dun, basta mahal nyo ang isa’t-isa, go na!

nagwalkout ako sa klase, nagpunta sa kaibigan ko sa kabilang building at umiyak. masakit. parang nakakaloko. ung tipong, mapapaisip ka na di na ba masaya ung taong mahal mo sau kaya sya naghahanap ng iba? kaya sya nagmahal ng iba? damn. ubos ang katauhan ko.

kahapon lang, narinig ko ung kanta ulit. pero iba na ang tingin ko dito. di ko namalayang nakikisabay na pala ako sa part na kinakanta ni pops fernandez. ayoko pa rin dun sa kanta pero sa ibang dahilan na. di na dahil sa bitter ako. di na dahil sa broken hearted ako. ito ay dahil sa oo nga, bakit ngayon ka lang dumating? bakit ngayon lang kita nakilala? bakit ngayon pa kung kelan di pwede?

Ikaw ba ay nararapat sa akin
At siya ba’y dapat ko nang limutin

dapat nga ba? ewan. siguro nga hindi pa ngayon. siguro, sana, bukas o kaya next times.

handa ka namang maghintay diba? :)
maghihintay din ako.
malay natin…

Post a Response Comment icon Posted January 16th, 2008 at 10:45 pm

10 Responses to “ bakit nga ba ngayon ka lang? ”

  1. { K  }

    Girl… naman… nalungkot tuloy ako :( yaan mo… makakahanap din tayo hahaha

    ===

    hala. sorry sis. nalungkot ka tuloy..
    oo naman, makakahanap tau!! ^_^

  2. ignoramous
    ignoramous

    Dapat talaga makinig nalang ako kay april boy regino. nalulungkot nanaman ako……….

    ===

    kuyaaaaa!!!!!!! **hugs** wag ka na ring malungkot..
    emo taung lahat.. anong meron? hehehe..

  3. finch

    to quote hitch “Relationships are for people who are waiting for something better to come along. ” :) have fun .

  4. noime

    mga emo talaga nakakalat sa blogosphere ngayon. hehehe.

    ayhetdat song too. pagnaririnig ko yan, natatae ako. LOL. haha. euan parang ahit hindi sakin nangyayari yun masakit kaya. haha. basta yun na yun. :)

  5. kingdaddyrich

    naliligayahan ako pag naririnig ko yan… hindi ko pa naman kasi na experience yun eh.. at paano ko naman maeexperience yan eh hindi pa ako nagkakasyota! h ahaha!!

  6. eumi

    sooner or later ate! ;)

  7. Aisha

    if im in that situation
    walk out din ggwn ko @_@ aray..

  8. komski kuno

    Nagbabago talaga ang lahat. Minsan, di mo na maiiwasan, ni hindi ka na nga hihintayin, hindi mo mamamalayan, mabibigla ka na lang. Hmmm, ano ba itong pinagsasasabi ko=) hirap nung napagdaanan mo.

    Darating din kayo diyan, kung sino man yun=) Magiging mas masaya

  9. coldman

    ewan ko ba, pero gasgas na rin sa akin yung kantang yan. Para kay parang Ogie na lang yan!

    First time here. =)

  10. youareyou
    youareyou

    hanggang ngayon di ko maiwasang tamaan diyan sa kantang yan… ewan ko ba parang lagi akong nakaka relate. hehe!

Leave a Reply

Get updates as often as we post! Subscribe to our full feed or comments feed.