
di ko alam kung bakit ko gagawin ‘to. pinangako ko na di ako mawawalan update kapag nagkaroon na ako ng sarili kong bahay sa WWW. wala nang hiatus. kaso, feeling ko, kailangan ko munang magpahinga.
kaya ako nagbo-blog ay dahil sa gusto ko. gusto kong magsulat kahit na madalas ay ako lang ang nakakaintindi ng isinusulat ko. ‘outlet’ ito para sa akin. kaso sa paglipas ng mga araw, minsan iniisip ko, ‘bakit pa nga ba ako nagbo-blog?’ hmmm, eh kasi kailangan? eh kasi dapat? di ko na naidadahilan na dahil sa GUSTO ko.
dati-rati, di ako nagtatatlong-isip sa kung anong ilalagay ko dito sa blog ko. wala akong pake kung may hindi matuwa sa mga nilalagay ko dito. pero bakit ngayon, nagiging maingat na ako? bakit ngayon kailangan ko nang kumunsulta sa ibang tao? nakakapagod din pala ang pagsusulat. kaya rin siguro kailangan ko munang magpahinga. mga two days, mula sa blogging.
mamimiss ko kayo. sa lahat ng mga walang sawang nagbibigay ng comments sa mga post ko.. ay tenk you! sobrang salamat! di nyo lang alam kung gaano ako kasaya sa tuwing may email akong narerecib na may nagcomment daw sa post ko. muli salamat!
thank you.
…….
i really hate goodbyes..
i’ll c u later.. ^_^












