Tan ta-ran taran-taran-taran tarantaraaaaaan tararararan!

Post Info 10 months, 2 weeks ago by komski

Prime Suspects

Habang inilalagay ko sa aking bag ang charger, na nakakahon sa isang printer ink box, na kasama ng hiniram naming Sony Ericsson z520i na gagamitin sa aming thesis application ay napatitig na lang ako sa loob ng aking bag.

Haha, kailangang piktsuran ‘to.

Apat ang aking bluetooth dongles, ewan kung bakit. Dalawa lang naman ang pc ko sa bahay at ganun din naman sa lab. Nariyan din ang flash disk na pwedeng mabaklas sa tatlong bahagi. Hindi talaga akin yung aquarium mouse, hehe, nilagay ko lang para makadagdag. Isama mo pa ang mga installer cd’s ay hindi talaga ako maikakailang hindi nalalayo nang matagal sa computers.

Makikita rin ang circuit/proto/bread board para sa aking digital circuits lab project. Kaya makakadukot ka ng iba’t-ibang resistors, capacitors, LED’s, switches, wires, AND at NOR gates, 74LS86’s, JK flipflops (not for the feet), pati na rin ang BCD display na parang sa calculator. Sana matapos na namin ang project na yan, na nung friday pa ang deadline.

Treasure talaga ang bag ko na yan dahil mas marami pa siyang lamang pera kaysa sa pinagsamang halaga nung nasa wallet ko at bulsa. Nariyan kasi ang ipon ko, kung meron man, na madalas nauubos sa pagkain, hehe.

Kaban rin yan sa aming bahay dahil kung may nangangailan sa amin ng perang panukli sa nagbayad para sa mineral water, pantaya sa jueteng (shhh), pambili ng meryenda sa naglalako ng kakanin, baryang pangtraysikel at dyip, o nuong pasko ay pambigay sa nangangaroling ay konting dukot at halukat lang sa loob ng aking bag ay may pera na. Kung barya lang naman e hindi ako magrereklamo. Pero pwede ring iloan ang perang naipon ko nang walang interes, basta ba bayaran lang kapag kailangan ko na at please, walang gulangan, dahil hindi ko naman binibilang kung magkano nga ang andyan. Suki ko ang nanay ko diyan.

Akin rin nga pala ang magnifying glass na yan dahil malabo na ang mata ko at ayaw ko namang magsalamin at asiwa rin ako sa contact lens, biro lang. Matagal ko lang kasing gustong magkaroon nun, hehe.

Haha, nakalimutan kong meron akong tatlong notebook, apat na bolpen, yellow pad at samu’t saring readings.

(Habang isinusulat ko ito ay kumuha na naman ang nanay ko ng barya)

Post a Response Comment icon Posted January 19th, 2008 at 1:05 pm

12 Responses to “ Tan ta-ran taran-taran-taran tarantaraaaaaan tararararan! ”

  1. Noime

    haha. kamusta namna si MaderDir? hehehe. parang alkansyang pwedeng kuhanan ng barya pala yang bag mo! hehehe. ;)

    magic bag amputlong. haha. wag mo ng bibitawan yan nako, baka yan ang swerte sayo. :D

  2. mnel

    hehe. ang gulo ng bag mo. parang nainspire akong picture-an ang bag ko. haha. magulo din kasi. parang jungle sa loob. maliligaw ka. haha

    4 na bluetooth dongles? wah. rich.

    napadaan lang po sa inyong munting blog. =P

  3. dex
    dex

    huaw!! parang bag ni mary poppins ah!! hehe. :D

  4. karmi

    ay sus, andyan pala ung isang bluetooth dongle na hinahanap ko.. :P

    gusto kong makita yang bag na yan.. hehehe…

  5. Sheryl

    wowww napakadami naman ng laman ng bag, puro gadgets haha… first time ko nga pala dito sa blog mo…

  6. tina
    tina

    huy, yan yung mouse sa lab a! ninakaw mo yan ano? lagot ka kay mr. f :) pati eraser pinatulan, hehe.

  7. yeye

    hehehehe kaloka mga laman ng bag mo hahaha…

    aba may 50 pesos ba un?? ako hindi lang barya kukunin ko….ung paper money ang puntiryahin ko hahahaha

  8. yods

    hindi kaya si komski at si doraemon ay iisa na dala dala ang sari saring mga bagay? wehehe. ;)

  9. komski kuno

    Inayos ko na naman na ang bag ko, hehe= kaya hindi na masyado ganyan kagulo. Iniwan ko na rin sa bahay yung mga hindi ko talaga ginagamit=)

    Pero paniguradong hindi ito ang huling pagkakataon na naging ganyan ang itsura niyan, hehe=)

  10. xienahgirl

    naalala ko tuloy
    yung tigger bag ko
    hahaha
    ang tigger bag
    na gustong arborin
    at harbatin ng lahat

    ang laman
    ng tigger bag ko:
    kikay kit
    id
    cellphone
    gtech
    coinpurse
    na may lukot lukot na bills
    hahaha
    at
    isang blue feather notebook
    na 127×178mm

    puro small items diba?
    :)

  11. komski kuno

    Huwaw, nagcomment si xienahgirl=) Nakita ko nga ang tigger bag dun sa isa sa mga maliliit mong pics.

    Anu ba yun, pati ba naman dimensions, hehe=) Blue feather ang gamit ko dati pero green feather na kasi mas mura hehe.

    Oo nga ano, hindi ko nasama sa pic yung notebooks at id ko, pati na rin yung kika– este coin purse na banig.

  12. xienahgirl

    oo naman
    magkokomentaryo ako
    e may bago kang entry
    diba?
    :)

    huwaw
    nagreply ka rin
    sa comment ko.
    haha

    wala akong hilig kay tigger
    pero alam mo ba
    na nagdadala lang ako
    ng bag ko
    dahil sa kikay kit ko?
    haha

    kung wala
    ang kikay kit ko
    kasya lahat yan
    sa bulsa ko
    at magsasakripisyo ako
    na di magdala
    ng notebook
    :)

Leave a Reply

Get updates as often as we post! Subscribe to our full feed or comments feed.