ame, lika nga sandali.
tinawag ako ng tatay ko kanina lang. di ko alam kung bakit, wala naman akong ginawang kasalanan. pero sa tono naman ng boses nya, mukhang may itatanong lang naman sya.
gusto kasi naming panoorin ung video na kinuha ko nung umuwi ako sa Pilipinas. pano ba mapapalabas sa TV un?
nakita kong nakakabit na ung videocam ng tatay ko sa TV namin. hinanap ko ang remote at saka binuksan ung TV. pinindot ung Input mode para mailipat sa Video1 ung channel.
nakabukas na po ba ung cam?
ay teka.
binuksan ng tatay ko ung cam, kaya lang walang nangyari. di pa rin lumabas ung video sa TV nila. sinubukan ko ulit pindutin ung Input mode. Video2. nakita ko na lang na kumakanta ung pamangkin ko.
ayan na dad. video2 pala.
salamat anak.
lahat ata ng bagong elektronics na nabibili nila dito sa bahay, ako ang takbuhan kapag di na nila alam kung anong gagawin. di ko alam kung bakit, eh pwede naman silang magbasa na lang ng user manual nito. ine-expect nila na alam ko kung anong gagawin kahit na di ko rin naman alam kung anong dapat gawin. kaya minsan nagmamarunong na lang ako. madalas naman eh nakakatsamba ako dahil nagagawa ko naman ung gusto nilang mangyari.
naalala ko tuloy nung bumili ng laptop ung kapatid ko. umuwi syang may dalang malaking box, tapos inabot sa akin.
ate, pakiayos na lang ha. gusto ko may internet na saka YM, limewire saka Office na rin. basta gusto ko ung laman ng laptop mo un din laman nito.
aba, kamusta naman ang request? gusto ko sanang tanungin, ano pa po sir? tiningnan ko na lamang sya at sabay binuksan ung box. kunwari pang ayaw ko, pero matapos ang isang oras, ka-chat ko na ung bestfriend ko gamit ung laptop nya. walang bayad ang services ko pero, mga one week namang naging mabait sa akin ung kapatid kong un. ayos na rin.
pero madalas din na di ko alam kung anong gagawin kapag may problema silang teknikal. dyan na sasabihin ng kapatid ko ang famous line nya na.. “kala ko ba IT graduate ka?” na ang madalas kong sagot ay, ‘eh ano ngayon?’ eh ano naman ang kinalaman nang pagka-IT grad ko kung di mareceive ng girlfriend nya ung mga text gamit ang Chikka? eh sa di ko naman talaga alam. nadamay pa tuloy ung course na natapos ko.
nak, tulungan mo nga akong ayusin tong bulaklak na ibibigay natin sa lola mo.
akin na ma.
kinuha ko ung bulaklak at inilagay sa vase. gupit dito, gupit doon. matapos ang ginagawa….
ma, ang pangit eh. pano na yan? di maayos ung pagkaka-align ng mga bulaklak.
ok naman eh. pantayin mo lang ito.
gupit ulit. kaso lalo atang di pumantay. gudlak, ang pangit talaga. para pa naman kay lola to.
sigurado kayo ma? ok na to?
oo. pwede na yan. kung hindi man eh di bili na lang tayo ulit. *wink*
bili na lang tayo ma, ako na bibi—
ate. patulong naman dito sa PC ko, nag-hang kasi eh. wala naman akong ginagawa.
pasigaw. ok saglit.
ma, kuha lang ako ng pera ha. basta tapon nyo na yan. nakakahiya kay lola eh. hehehe. tapos gagawa na rin ako ng card na ipi-print ko. ok?bakit ba kasi di na lang gawing computerized lahat. malay ko naman sa flower arrangement?
buti na lang IT grad ako at may silbi pa ako sa bahay namin. pano na lang kung hindi? gudlak.













di na gumagana yung lappy ko, pede mo din ayusin karms ;-) ehehe, jowk!
pag may ipapa-arrange kang flowers, kalabitin mo si ate ha ;-)
nytnyt, muahh!
===
ahahaha. ate pwede magtanong? anung problema ng chikka kapag di nakakatanggap ng text yung taong tinext ko dun. namomoroblema din ako eh. hehehe :)
naintriga naman ako sa kapatid mo, ilang taon na siya? wahaha. wala lang. haay. pareho pala kaming malalayo ang mga labidabs. tsk.
ayun, pano kaya pagnursing graduate na ako? ako kaya tatakbuhan nila kapag may cancer na sila sa kuko? hmm.
labyuh ate! :D
===
hahah,, una akalo ko mali ung site na nabuksan ko,, bago na pala layot mo.. maxadong maaliwalas :D
regarding dun sacomputerized na bulaklak,, pwede na rin.. keya nga may mga online services eh.. hahaha.. meron na talga promise,, kaso mayayaman palng nakaka avail madalas,, ang mahal kasi eh,, hehehe
===
my fave karmi ur back! =) kala ko matatagalan pag-idlip mo =)
i like this entry sobrang natural. ganyan naman talga sa bahay preho pala tayo. pero ako psychology grad pero pati trabaho ng caregiver, physical therapist, etc., ginagawa ko sa bahay =) but somehow parang lambing na lang nila un diba? *smile* tc
===
Buti nga ikaw sa bahay niyo lang, dati, kagigising ko lang ‘tas biglang dumating yung pinsan ko, sumama daw ako sa kaniya. Papatingin niya yung pc nila kasi ayaw bumukas. Di pa ako naliligo, kumakain, gulo-gulo pa yung buhok ko, aba’y nagtraysikel kami papunta sa bahay nila.
Tagal ko pa naman nireason out na wala akong magagawa kung hindi bumubukas ang pc dahil paniguradong hardware problem yun. E malay ko naman dun e comsci ako. Pero matigas ang ulo e, sumama na lang ako para walang away.
Sa bahay naman, pareho tayo=) Sinasabi ko naman sa kanila na I’m as clueless as they are, ma’no ba namang mag-effort sila, hehe=) Pero ok na rin.
===
hahahaha nakakatuwa mga parents noh pagdating sa gadgets :) Mommy ko nga natuto lang gumamit ng email recently-ang hirap daw! hahahaha
===
di ba puwedeng sabihin ang salitang “No”? hahaha… hi ate. paramdam lang :P
===
mabait na bata naks!
===
ahaha sa 22o lng wala ako maxadung alam sa mga electronics ako ksi un tipong.. ay may gnnun pla.. may gn2 pla LOL and to think nsa akin na ung bagay na un for months tpos tsaka ko plng mssbe un
ayy gnun pla HAHA!
===
utol: hindi ako makapagbrowse ng internet. may ym naman ako.
hk: mabagal lang siguro. irefresh mo kaya.
utol: paano?
hk: press mo F5
utol: paano? F 5 ? magkasabay ba?
===
wehehe! na kay karmi ang sagot sa lahat ng problema. mula gadget hanggang bulaklak. asteeeg! ;)
===
Ang galing naman pala na IT eh… Aba, swerte ni kapatid ha ayos agad ni ate yung laptop! Base dito sa post mo nalaman ko na isa kang mabuting anak at sis, yuhuuu! Pagpapalain ka pa ni God! ;)
===
hahaha. medyo nakakarelate ako ah. hehe. pero, hindi sa IT student ako, pero ako lang din yung takbuhan nila sa mga electronics. heheh.
===
nyahahaha! kung sa akin din bigay ang pag-a-arrange ng bulaklak, baka kalbuhin ko pa yun, kaya nga may flower shop eh!
===
Yoohoo Karmi, i’m back….! Bago tong layout mo ulit a….! Mas gusto ko to kasi kulay masaya tsaka positive pa….! Kumusta na ba….? How’s things….? Naks, kala mo isang taon akong nawala sa mga binitawan kong intro ha-ha….! Anyways, i hope that you’are having a great weekend and take care….! =D
===
Ay ganon? talagang ikaw ang taga-solve ng mga technical probs? waaah. hirap nga ng ganyan minsan :D
===
Hindi ka nag-iisa. Medyo nakakabanas nga minsan. Pakiramdam kasi nila dapat gamay mo ang anumang bagay na pinapaandar ng microchips.
Pati rito sa dormitoryo, isa pa rin ako sa mga tinatakbuhan. Tsk.
Tsumatsamba na rin lang ako minsan. Haha.
===
hahaha. Ate puwedeng gawan mo ako ng layout? O di kaya eh turuan mo akong gumawa ng layout. :) IT graduate ka kasi eh. :P
===
haha. natawa ako ate kasi pang-18 ung unang comment ko. Hahaha. 18 na ako ngayong wednesday. Coincidence, oo, pero nakakatawa pa rin. :P Binata na ako. 0.o
===
ha haha.. natawa naman ako doon!
at nakita ko ang sarili ko sayo!! pag tinatanong naman ako..
*diba ECE ka? ENGINEER* may pagkasarcastic pa ang pagtanong na may halong pang aasar!
potek! sakop ba ng acads namin ang mag ayos ng sirang radyo?!
===
hahaha.. nakakarelate ako jan.. pero tinatakbuhan pa din ako sa bahay kung may problema sa flowers namen.. bakit ganun? cguro likas na sa akin ang kaartehan.. haha. at ang pagluluto, sa akin pa din.. di nmn ako cook? haha. mizYah ganda! =)
===
ganyan sa bahay. pagdating sa usapang kompyuter, ung kapatid ko ang takbuhan. pero pag usapang kalusugan, aaah….ako na yan.
sabi ng kapatid ko “pasalamat tayo at may nurse tau dito sa bahay”
sabi ko naman “pag nagkasakit ka di kita aalagaan. hahaha lol”
kurso kasi natin un eh, alam nila expertise natin. tajoinks
===