Malamig sa loob ng classroom.
David, right?
Yes ma’am.
Hindi ako nakapag-aral kaya’t paniguradong wala akong masasagot sakali mang matawag ako. Malay ko ba sa mga inner joins, set divisions at symbolic calculus. Hindi ko rin nasimulang magsulat ng notes para sa klaseng ito, kaya’t nakatago pa rin sa bag ang notebook kong puro drawing lang ang laman.
Naroroon siya sa kabilang dako ng silid-aralan. At hindi ko maiwasang paminsan-minsa’y magawi ang paglingon ko sa kanyang mukha. Nakikita ko siya mula sa aking kinauupuan. At kada tingala ko mula sa aking lamesa patungo sa pisara’y dumadaan muna sa kanya ang aking mga mata. Hindi ko mapigilan ang sarili kong tumigin sa kanya, at punahin ang ayos ng kanyang buhok sa lagpas sa balikat at pisnging may kaunting bahid ng kolereteng rosa.
I will give 10 points to anyone who will answer this correctly, anyone?
Hindi na ako halos nakikinig na sa pinag-aaralan. Lalo kasing nagiging mahirap ang mga konsepto, lumalawak, gumugugulo. Bahala na lang sa exam na sa susunod na sabado na ata. May maisasagot naman siguro ako kahit na paano. Nakikinig naman ako kahit sandali, nakikibasa kahit kaunti, nakikiaral kahit sasaglit.
Mas natutuon na tuloy ang aking atensyon sa kaniya, na nuong una’y hindi ko inakalang makikita ko sa klaseng ito, makakasama. Minsan-minsa’y napapatingin din siya sa direksyon ko o sa aking katabi, na kung magkatao’y nakikita ko siyang nakatingin sa akin at ako’y kung hindi man mapalihis kaagad ng tingin pababa sa lamesa, ‘di kaya’y matigilan sa pagkakatitig sa kaniya sa hindi kaagad pagkakapuna na ako pala’y kanyang nakikita na.
How would the query statement go… Arvin.
Nabasa niya ang sagot mula sa pagbukas ng aking bibig. Syet, kilala niya ko. Ngunit sa pagbanggit niya sa aking pangalan ay hindi siya nakatingin sa akin, bakit? Walang oras upang mag-over analyze, kailangang magsalita.
Class where not room = “MH309″
Nagpatuloy siya sa itinuturong aralin, at ako naman ay nakatingin pa rin sa kaniya, sa bawat bukas ng kanyang bibig, sa pagpikit ng kanyang mga mata. Seryoso ang kanyang ngiting naiiba sa aking nakikita sa karamihan, at nakakatuwa ang mga birong nakakatakas sa pagitan ng pagsulat sa pisara at pagtatanong sa amin. At sa aking sobrang pag-iisip ay napalingon ako sa aking katabi’t naitanong,
May asawa na ba talaga si Ma’am?
Bakit, interesado ka?
Walang patumpik-tumpik kong sinabing,
Oo.


![E[kwento]MO: bawat emo, may kwento.](http://kundiman.net/wp-content/uploads/2008/09/emo-5-small.png)








what is up with teachers?
napapansin ko
napapadalas entry mo
sa kanila
:)
lalo tuloy ako naeenganyo
maging instructor
nyahaha
tol, kaya naman pala di mo maintindihan ung lessons dahil mas interesado ka pa sa titser mo mismo at hindi dun sa tinuturo. :P
tsong, magbago ka na! hehehe.. ^_^
Sana lang ay hindi ito mabasa ng iba ko pang mga kaklase, hehe=) Buti na lang ay hindi na ako agreggated sa CS blog network, or else mababasa ito ng mga faculty, stundents, pati na rin mga alumni. Pero paniguradong hindi lang ako ang may crush dun sa titser ko na yun, hehe=)
@xienahgirl Hindi naman sinasadya ang naging trend=) ewan ko lang din.
@karmi Eto lang naman ang unang beses na crush ko yung titser ko, hehe. That’s one in 15 years, grabe.
hindi na talaga ako magtteacher kuya, baka madami sa estudyante ko ang magkakras sa akin. sa ganda ko ba naman ito. WAHAHAHAHAHA. jokelang! :D
kras si teacher? pwede naman yun ah. hehe. may asawa na ba kuya? ayihie!
ayiiiiii
kras
hehehehe
baka pag tinanong ka
sabihin mo
“ay kras yu mam”
mala xienah na sagot hahaha
kulet
@yeye Hehe, para namang elementary yun=) Daanin ko na lang sa “Ma’am, meron po sana akong gusto iclarify regarding the lesson. Kelan po ba kayo pwede? Coffee?”, ganun:D
@noime Ang alam ko kasi e meron na siyang asawa e. Parang nasa 30’s na nga ata siya kasi e. Kapag naging titser ka, mag-eenrol ako sa class mo tas bibigyan kita lagi ng santan=) elementary, hehe.
ahihihi.. kras nia si mam waw? ako din dami kras na mga sir garabe. ^_^
Kilala ko tong teacher na to ah! Welcome to the club!
correction, cguro 29 lang ata sya… (di ako sure, but i bet not thirties, hehe; i maybe wrong)
basta alam ko 9 years na syang nagtuturo… :D
lapit na exam (next month, hehe)
tas , mas assignment pa due sa monday
sori ka at na-invade na ‘to ng CS peeps (hehe)