*beep beep*
nagising ako sa tunog ng celphone ko. ke-aga-aga naman ng nagmamahal sa akin na un. one message received. napatalon ako sa aking hinihigaan ng mabasa ang mensahe.
gud am. kita n lng tau mmya ha. ingat ka. :)
putek, anong oras na? 9:30am sabi sa orasan. anong oras ba usapan namin? 11:30am pa naman. sakto, may oras pa para makapagayos. dali-dali kong kinuha ang aking tuwalya at dumiretso na sa banyo para maligo. binuksan ko ang gripo at hinayaang mapuno ng tubig ang timba. bakit ba kasi di ako nagising ng maaga? si-net ko naman ung alarm ah. pampam, di talaga ako nagigising sa alarm lang. nakakahiya kung male-late ako. di ako dapat ma-late. hindi. kahit na malamig pa ang tubig ay tiniis ko na lamang. para lang di ako ma-late sa usapan natin.
paglabas ko ng banyo ay nakita ako ng nanay ko.
anak, kumain ka na muna. bat ka ba nagmamadali? sabado ngayon, wala namang pasok.
opo ma, kakain ako pagtapos kong magbihis. wala nga po akong pasok, pero magkikita po kami ni rachelle sa mall. may bibilhin daw po sya eh.
ah ganon ba? sige. basta kumain ka bago ka umalis.
opo.nagdahilan na naman ako. di ko kasi pwedeng sabihin na ikaw ang kasama ko ngayon. di nila maiintindihan kung bakit ako makikipagkita sayo at di rin sila papayag na makipagkita ako sa taong hindi ko kilala. pero mali sila dun, kilala na kita. araw-araw ba naman tayong magkausap sa chat, telepono at text, hindi pa ba kita makikilala nun? nakita ko na rin ang picture mo sa friendster kaya makikilala naman siguro kita agad-agad. mukha ka namang mabait at harmless. saka gusto na rin kitang makilala ng personal, kaya ako pumayag na makipagkita sayo.


![E[kwento]MO: bawat emo, may kwento.](http://kundiman.net/wp-content/uploads/2008/09/emo-5-small.png)







