eyeball

Add comments January 28, 2008 » 781 days ago
inlove, writings

*beep beep*

nagising ako sa tunog ng celphone ko. ke-aga-aga naman ng nagmamahal sa akin na un. one message received. napatalon ako sa aking hinihigaan ng mabasa ang mensahe.

gud am. kita n lng tau mmya ha. ingat ka. :)

putek, anong oras na? 9:30am sabi sa orasan. anong oras ba usapan namin? 11:30am pa naman. sakto, may oras pa para makapagayos. dali-dali kong kinuha ang aking tuwalya at dumiretso na sa banyo para maligo. binuksan ko ang gripo at hinayaang mapuno ng tubig ang timba. bakit ba kasi di ako nagising ng maaga? si-net ko naman ung alarm ah. pampam, di talaga ako nagigising sa alarm lang. nakakahiya kung male-late ako. di ako dapat ma-late. hindi. kahit na malamig pa ang tubig ay tiniis ko na lamang. para lang di ako ma-late sa usapan natin.

paglabas ko ng banyo ay nakita ako ng nanay ko.

anak, kumain ka na muna. bat ka ba nagmamadali? sabado ngayon, wala namang pasok.
opo ma, kakain ako pagtapos kong magbihis. wala nga po akong pasok, pero magkikita po kami ni rachelle sa mall. may bibilhin daw po sya eh.
ah ganon ba? sige. basta kumain ka bago ka umalis.
opo.

nagdahilan na naman ako. di ko kasi pwedeng sabihin na ikaw ang kasama ko ngayon. di nila maiintindihan kung bakit ako makikipagkita sayo at di rin sila papayag na makipagkita ako sa taong hindi ko kilala. pero mali sila dun, kilala na kita. araw-araw ba naman tayong magkausap sa chat, telepono at text, hindi pa ba kita makikilala nun? nakita ko na rin ang picture mo sa friendster kaya makikilala naman siguro kita agad-agad. mukha ka namang mabait at harmless. saka gusto na rin kitang makilala ng personal, kaya ako pumayag na makipagkita sayo.

isang oras matapos magbihis at kumain, lumabas na ako ng bahay. paglabas ko ng kanto ay saktong may humintong jeep. swerte, aabot pa ako, sakto lang ang dating ko dun. pagkasakay ko ay naisipan kong itext ka. baka kasi maaga kang dumating sa usapan natin. ayoko ng maghihintay ka ng matagal.

hi. papunta na ko. sori ha. bka mal8 ako ng datng eh. bsta intay mo lng ako. :)

di ko alam kung bakit ako biglang kinabahan. makikita na kita ng personal. makikita na talaga kita. nang maisip ko ito, parang gusto ko nang bumaba ng jeep at hindi na tumuloy.  pano kung hindi mo pala ako magustuhan? pano kung magkahiyaan tayo? pano kung di pala tayo click sa personal kahit na ok naman tayo sa telepono at chat? pano kung… hay naku, di mo malalaman yan kung di ka pupunta sa usapan nyo. oo nga, tama ang aking konsiyensya. paranoid na naman ako.

11:45am sa orasan ko. wala ka pa. bat ganon? sabi mo 11:30. sabi mo darating ka. sabi mo sa huling message mo, andito ka na. pero bakit di pa kita nakikita? putek, na-one way ata ako ah. badtrip. sana pala di na ako pumunta. badtrip talaga.

excuse me, miss. ikaw ba si carme?
oo, ako n—

ikaw. dumating ka. ngumiti ka at niyakap ako.

 

*beep beep*

nagising ako sa tunog ng celphone ko. ke-aga-aga naman ng nagmamahal sa akin na un. one message received. napatalon ako sa aking hinihigaan ng mabasa ang mensahe.

gud am. kita n lng tau mmya ha. ingat ka. :)

putek, anong oras na? 9:30am sabi sa orasan…..

natigilan ako.

teka, parang nangyari na to ah..
hay.

sino ba namang magaakala na ang panaginip ko’y magkakatotoo pala.. =)

Mga Kahalintulad na Posts



7 Responses to “ eyeball ”

  • noime says:

    naks naman, inlabb si ate karmi. AYIHIE! :)

    ===

    lagi ata akong inlab noi. hehehe.

  • iris says:

    ang weird naman nun, npanaginipan mo yung text? hehehe.
    karmi, tag kita :) http://nonstandardized.com/alteregos/?p=392

    ===

    hahaha, weird nga talaga ate. la lang, naisipan ko lang ilagay.. :D

  • youareyou says:

    love is in the air.. uyy.. hehe! :D akala ko de ja vu yun pala paniginip na nagkatotoo.. :)

    ===

    hehehe, lapit na kasi pebrero. ^_^

  • igno says:

    Wow… kakaiba yan ateng ah… hhhhhhhhmmmmmmmmmmn… sino kaya yan.

    ===

    d ko rin kilala kung sino kuya.. hehehe..

  • ann says:

    It means sya yung iniisip mo bago ka matulog kaya sya yung napanaginipan mo. Lahat ba nagkatotoo?

    ===

    mami ann, di po totoong pangyayari yan. :) hehehe.. kwento lang talaga…
    sana lang magkatotoo nga ung panaginip ko noh? :)

  • komski kuno says:

    Huwaw, gusto ko rin maranasan yan, hehe. Nanaginip ‘tas pagkagising e magkakatotoo pala yung panaginip=) Ang mapapanaginipan ko e nanalo ako ng lotto! astig=)

    Baligtad tayo, kapag sinet ko yung alarm ng 7am, nagigising ako ng 6, haha. excited.

    ===

    hehehe. sana nga manalo ka sa lotto, balato ha. :D

    excited ka ngang masyado. eh bat lagi kang late sa skul? hehehe.. peace. :D

  • kengkay says:

    hay lab it, hahaha

    ===

    :D hehehe… aylabit too ate…

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.