kundiman

karmi. komski. parehong 20-something. frustrated writer. rockstar wannabe. madrama. naruto fanatic. mahilig kumanta. cam-whore. charmed addict. loves twitter. writer kuno. isip-bata. idol si BO. mastermind ng komski quotebox. makulit. computer geeks. pero mas geek pa din si komski. mababaw ang kaligayahan. 14.

Chat with: karmi | komski | komski
*plugoo chat (opens in new window)

  • Aira Bongco: Wow cute contest. Very nice idea. May questions po ako. Kailangan po ba matagal na yung blog? And also,...
  • enday: waaah… haba ng mechanics.. gusto kong sumali… haha.. hanap nga ako ng problema para madrama...
  • LJ: parang masaya ito! at parang ang galing mo ring mag-market :)) EMO nga ‘tas masaya hahaha. Pero oo, masaya...
  • jeniffer: ang sweet.. malayo man.. mararating din.. parang globe lang.. piniktyur pa talaga hehehe.. :) adik nga raw...
  • pmonchet: Ito na ang pagpapakalat ng contest. ang problema lang baka walang magbasa ng blog ko....
  • Rob: hindi man ako madrama, sadyang malungkot ang buhay ko. hindi nakakapagtaka na sa edad kong ito, hindi ko pa alam...

Subscribe to my feed




enero pa lang nakailang palit na ako ng theme. mejo sumasakit na nga ang ulo ko kakapili ng theme dahil sa dami ba naman ng themes ng wordpress, eh iilan lang ang maganda. buti na lang at may napusuan ako (sa ngayon) na theme. =)

hmmm, masyadong bright ung theme ko dati, di ko tuloy feel magdrama. ngayon, ok na. pwede na akong magemo-emohan ulit. :) back to business na talaga si karmi. sana lang di na ako tamarin ulit. sana talaga.

9:24pm na, dapat eh naghahanda na ako para pumasok, pero andito pa rin ako sa harap ng computer at nagu-update ng blog ko, ka-chat ung bestfriend ko at nanonood ng vids sa youtube. talk about multi-tasking. sayang nga lang at kulang na ung oras ko para magbloghop. bukas na lang siguro paguwi ko. :)

gusto ko talaga nung Macbook Air! (mejo)

YouTube Preview Image

shetness! kamusta naman sa nipis. kamusta din ang presyo. it starts from $1700-$3000. kaso may mga di rin maganda sa Mac na to. walang internal na DVD/CD drive. so kailangan mo pang bumili ng external drive para dun. kamusta?! kaya naman pala sobrang nipis. tapos isa lang ang USB port! hindi iyon maaari, di ko kayang mabuhay ng isa lang ang USB port!! so malamang di ako bumili nun. saka as if namang may pera ako.

natuwa lang talaga ako dun sa Ad, ang ganda rin kasi ng kanta. :D

hala, February na pala. araw na naman ng mga Puso. sakto pala ung theme ko. black. hahaha.

kagabi, kinausap ako ng kapatid ko. balak kasi nyang magpadala ng bulaklak sa gelprend nyang nasa Pinas.

ate, tingin mo OK ba ito?
picture ng bulaklak, chocolates at isang malaking bear
ayos lang naman tol. maganda rin. magkano?
$89.
kasama na shipping dun?
hindi pa. pero $6.99 lang naman ung shipping.
ayos na un tol. sige padala mo na.

nainggit daw ako bigla. di pa kasi ako nakakatanggap ng bulaklak mula kahit kanino. kawawang karmi. *sob*