enero pa lang nakailang palit na ako ng theme. mejo sumasakit na nga ang ulo ko kakapili ng theme dahil sa dami ba naman ng themes ng wordpress, eh iilan lang ang maganda. buti na lang at may napusuan ako (sa ngayon) na theme. =)
hmmm, masyadong bright ung theme ko dati, di ko tuloy feel magdrama. ngayon, ok na. pwede na akong magemo-emohan ulit. :) back to business na talaga si karmi. sana lang di na ako tamarin ulit. sana talaga.
9:24pm na, dapat eh naghahanda na ako para pumasok, pero andito pa rin ako sa harap ng computer at nagu-update ng blog ko, ka-chat ung bestfriend ko at nanonood ng vids sa youtube. talk about multi-tasking. sayang nga lang at kulang na ung oras ko para magbloghop. bukas na lang siguro paguwi ko. :)
gusto ko talaga nung Macbook Air! (mejo)
shetness! kamusta naman sa nipis. kamusta din ang presyo. it starts from $1700-$3000. kaso may mga di rin maganda sa Mac na to. walang internal na DVD/CD drive. so kailangan mo pang bumili ng external drive para dun. kamusta?! kaya naman pala sobrang nipis. tapos isa lang ang USB port! hindi iyon maaari, di ko kayang mabuhay ng isa lang ang USB port!! so malamang di ako bumili nun. saka as if namang may pera ako.
natuwa lang talaga ako dun sa Ad, ang ganda rin kasi ng kanta. :D
hala, February na pala. araw na naman ng mga Puso. sakto pala ung theme ko. black. hahaha.
kagabi, kinausap ako ng kapatid ko. balak kasi nyang magpadala ng bulaklak sa gelprend nyang nasa Pinas.
ate, tingin mo OK ba ito?
picture ng bulaklak, chocolates at isang malaking bear
ayos lang naman tol. maganda rin. magkano?
$89.
kasama na shipping dun?
hindi pa. pero $6.99 lang naman ung shipping.
ayos na un tol. sige padala mo na.
nainggit daw ako bigla. di pa kasi ako nakakatanggap ng bulaklak mula kahit kanino. kawawang karmi. *sob*














Sis, bili ka na lang ng USB hub (hub ba ang tawag don?) para sa Macbook Air. Para 4in1. Madaming ganyan dito sa Cdr King. :P
===
pang mayaman lang ang mac-air LOL
===
XD sarap talga ng maliliit na laptop.. di na ko makapag anytay,, ngan di ko na sure kung anu tlaga bibilin ko,, pero someday pag mac book na bibilin ko, siguro ganyan na rin bibilin ko,, bwahaha,, XD
naku! kung wla lang akong pinag iipunan, padadalan kita ng bulaklak,, kso tipid tipid talga muna eh :P
===
naalala ko tuloy yung ex ko. nagpapabili ako ng bulaklak for valentine’s day tapos sabi nya hindi daw sya yung tipong nagpapadala ng bulaklak. meron palang mga tipong ganun anoh? ang tawag ko dun eh tipong kuripot.
===