sorry late ako. trapik kasi eh.
eh ano pa nga bang bago? palagi ka namang late. palagi mo na lang dinadahilan na natrapik ka.
eh ano pa nga ba? mga 1 oras ka lang namang late.
di mo ata napansin na badtrip ako kaya nginitian mo lang ako.
sorry na nga eh. sige,treat kita sa Mcdo.
Mcdo. Mcdo na naman. sa tuwing may kasalanan ka sa akin, dun mo ako laging nililibre. dahil halos lagi kang may atraso sa akin, purgang-purga na ko sa burger at fries nila.
wag na, busog pa ako.
sige na. makabawi man lang ako sa paghihintay mo.
ewan ko ba kung bakit ako na lang lagi ang inaaya mong lumabas sa tuwing wala kang magawa sa inyo. at ewan ko rin nga ba kung bakit lagi mo akong napapapayag.
hinawakan mo ang aking kamay sabay tumitig ka sa akin.
tara na.
ngumiti ka na naman. hinawakan mo pa ang kamay ko. nakakainis, dahil konting ngiti mo lang sa akin, wala na ang galit ko sayo. hawakan mo lang ang kamay ko napapatawad na kita. bakit pa ba ako nagtatanong, eh alam ko naman ang sagot. alam ko kung bakit lagi kitang pinagbibigyan sa mga gusto mo. dahil gusto kita, di lang ata gusto, mahal na nga ata kita.




