mcdo

Add comments January 30, 2008 » 781 days ago
inlove, writings

sorry late ako. trapik kasi eh.

eh ano pa nga bang bago? palagi ka namang late. palagi mo na lang dinadahilan na natrapik ka.

eh ano pa nga ba? mga 1 oras ka lang namang late.

di mo ata napansin na badtrip ako kaya nginitian mo lang ako.

sorry na nga eh. sige,treat kita sa Mcdo.

Mcdo. Mcdo na naman. sa tuwing may kasalanan ka sa akin, dun mo ako laging nililibre. dahil halos lagi kang may atraso sa akin, purgang-purga na ko sa burger at fries nila.

wag na, busog pa ako.
sige na. makabawi man lang ako sa paghihintay mo.

ewan ko ba kung bakit ako na lang lagi ang inaaya mong lumabas sa tuwing wala kang magawa sa inyo. at ewan ko rin nga ba kung bakit lagi mo akong napapapayag.

hinawakan mo ang aking kamay sabay tumitig ka sa akin.

tara na.

ngumiti ka na naman. hinawakan mo pa ang kamay ko. nakakainis, dahil konting ngiti mo lang sa akin, wala na ang galit ko sayo. hawakan mo lang ang kamay ko napapatawad na kita. bakit pa ba ako nagtatanong, eh alam ko naman ang sagot. alam ko kung bakit lagi kitang pinagbibigyan sa mga gusto mo. dahil gusto kita, di lang ata gusto, mahal na nga ata kita.

pumasok tayo sa loob ng food chain at binati mo pa ung gwardya.

close kayo ni manong guard ha.

kumindat ka lamang at sinabi sa aking humanap na ako ng mauupuan. di mo na ako tinanong kung anong gusto ko dahil alam mo na kung ano. nang ako’y makaupo na, nakalimutan ko palang itanong sayo kanina kung bakit tayo nagkita. kung bakit kagabi pa lang ay pinilit mo talaga akong umalis kasama mo. kinansel ko tuloy ung lakad kasama ang barkada dahil sabi mo importante ang lakad natin ngayon. importante pala ha, late ka naman.

kain na.
o bakit pala tayo umalis ngayon. nagalit tuloy barkada ko sa akin.
wala lang. gusto lang kitang makita.
ngek. eh pwede naman tayong magkita ng ibang araw eh. bat ngayon pa? sumabay ka pa sa lakad ng barkada ko.
sorry na. hayaan mo, kakausapin ko barkada mo para di na sila magalit sayo.
dapat lang noh.

tumahimik tayong dalawa, ang tanging ingay lang na maririnig ay ang tunog ng jeepney sa labas at ung iyak ng bata sa katabing table natin.

gusto lang kitang makita ngayon.
eh bakit nga ba? ano bang meron?

tumahimik ka ulit. di ko alam kung anong gagawin. bakit nga ba ang bait mo ngayon. di mo pa ako inaasar. ngayon ko lang napansin, may kakaiba pala sayo. may kakaiba sa ikinikilos mo. dahan-dahan kang may inilabas na kahon mula sa iyong bulsa at iniabot ito sa akin. di ko alam kung anong iisipin ko sa mga oras na un. binuksan ko ang kahon. bracelet. ito ung bracelet na dati ko pa gusto.

para sa akin?
oo.
bakit? di ko naman birthday.

kinuha mo ang aking kamay sabay lagay ng bracelet.

alam mo bang dito tayo unang beses kumain?
ahhh, after nung thesis presentation natin?
oo. anong date ngayon?
hmmm, feb. 1.
feb. 1 last yr tayo unang nagkakilala.
oo nga noh, 1 yr na pala tayong friends. happy anniversary ha. so parang friendship bracelet natin to? asan ung sayo?
hindi friendship bracelet yan.

hindi friendship bracelet. naalala mo ung unang beses tayong nagkakilala. kinakabahan ako. di mo pa rin binibitawan ang kamay ko.

gusto kong maging special tong araw na to para sa atin. para sayo.
………
mahal kita. mahal na mahal.

narinig ko na ang mga salitang gusto kong marinig.

mahal din naman kita.

paparap-pappa.. love ko na talaga ang Mcdo.

Mga Kahalintulad na Posts



17 Responses to “ mcdo ”

  • karmi says:

    note: di po ito hango sa tunay na buhay. :) naalala ko lamang ang Mcdo kaya naisipan kong gawan ng kwento. ang haba. ^_^

    halatang hopeless romatic. haaay.

  • noime says:

    iba talaga kapag inspired. ayihie! ;)

    ===

    inspired? di naman. hehehe.. ^_^

  • camille says:

    paparap pappa…

    ahahahayy… kinilig si ate. ;-)

    ===

    hi ate. :) talaga? hehehe.. malapit na kasi balentyms…

  • FINCH says:

    love the new layout =)
    “paparap-pappa.. love ko na talaga ang Mcdo.” lol

    ===

    thanks friend.
    :P

  • Aisha says:

    haha ntuwa naman ako d2 lolx

    ===

    :) salamat sis.

  • anne says:

    lupit naman nito sis :P kakakilig hahah

    ===

    uy kilig! :)

  • roselle says:

    haha! =) u got me! =) hopeless romantic talaga. musta na ang aking fave? i miss ur kwento. ikaw ang unang una kong binibisita kapag may chance mag-on line. keep it up. u take care always…mwah!

    ===

    i got you! :D
    touched naman ako ganda.. salamat sa laging pagdaan d2 ha.. :) tc!

  • eumi says:

    ano ba ate, pabago-bago ka lagi ng layout! baka gusto mo namang turuan ako noh? haha. :)

    uuuyyyyy, si ate! haha.

    ===

    hahaha.. last na to eumi (sana).. :)

    uuuyyy.. heheh..

  • komski kuno says:

    Niye, sabay ganun sa comment. Natuwa pa naman ko kasi baka yan na yung matagal mo nang winiwish=) hehe.

    Pero ba’t parang may nabasa na ako dati tungkol sa bracelet na yan hehe=) tsaka yung ‘gusto ka lang makita’ na linya at ‘magpaliwanag na lang sa barkada’, hehe.

    ===

    hmmm.. di pa talaga nagyayari ito. ibang bracelet yan at ibang tao ang naiisip ko nyan.. hehehe, nagexplain? lol

  • Holy Kamote says:

    oo nga, ang dami mong damit na naibibihis dito sa blog mo ha. n_n

    ===

    hehehe. ganon po talaga kapag walang magawa.. :D

  • gasti says:

    hey! napeke mo ako dun sa kwento ah..hehe! ok na sana eh :D malapit na nga pala ang valentines..

    ===

    sensya tsong. hehehe, sana nga totohanang nangyari yan! :P
    oo nga, happy puso na naman.. :D puno na naman ang sta. mesa! hahaha…

  • nice entries! and thanks for dropping by my site. :p

    btw, im just a new blogger, ask ko lang pano mo nalalagay directly ung posts mo sa mybloglog?

    any info would be very appreciated.

    ===

    welcome sau sa blogging world!! :)
    pano ko nalalagay? automatic na nilang nakukuha ung feeds mula dito sa blog ko.

  • igno says:

    Bagong theme… anime. hehe.. Pang valentines na ba ‘to ate? Parang medyo nalungkot naman ako sa post na ito.

    ===

    di lang pang valentine to kuya. :) hehehe…. di ko na sya papalitan.. ^_^
    bakit ka naman nalungkot? :(

  • kengkay says:

    uy, ehem — kakakilig :D sa feb 24 ang ating balentayms EB, heheeh. check mo sa forum.

    ===

    waaaa, EB na! :( wala ako….
    enjoy na lang kayo ate kengs!! :D

  • waw.. akala ko tunay. sayang ang ganda pa naman!

    ===

    sayang talaga, di totoo… sana next tyms…. :)

  • Kandis says:

    Ang sarap ng fries ng McDo. Samahan mo pa ng sundae. Yummm. :))

    ===

    naalala ko tuloy ung McFloat with fries.. waaaa.. i want McDo.. ^_^

  • joanna says:

    aww..hahaha, free endorsement para sa mcdo. hahaha. :D

    ===

    haha.. oo nga eh. sana lang, bayaran nila ako diba.. lol

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.