IT gradwait ka kasi. so?

22 Comments » January 25, 2008 » 786 days ago
blabbers

ame, lika nga sandali.

tinawag ako ng tatay ko kanina lang. di ko alam kung bakit, wala naman akong ginawang kasalanan. pero sa tono naman ng boses nya, mukhang may itatanong lang naman sya.

gusto kasi naming panoorin ung video na kinuha ko nung umuwi ako sa Pilipinas. pano ba mapapalabas sa TV un?

nakita kong nakakabit na ung videocam ng tatay ko sa TV namin. hinanap ko ang remote at saka binuksan ung TV. pinindot ung Input mode para mailipat sa Video1 ung channel.

nakabukas na po ba ung cam?
ay teka.

binuksan ng tatay ko ung cam, kaya lang walang nangyari. di pa rin lumabas ung video sa TV nila. sinubukan ko ulit pindutin ung Input mode. Video2. nakita ko na lang na kumakanta ung pamangkin ko.

ayan na dad. video2 pala.
salamat anak.

lahat ata ng bagong elektronics na nabibili nila dito sa bahay, ako ang takbuhan kapag di na nila alam kung anong gagawin. di ko alam kung bakit, eh pwede naman silang magbasa na lang ng user manual nito. ine-expect nila na alam ko kung anong gagawin kahit na di ko rin naman alam kung anong dapat gawin. kaya minsan nagmamarunong na lang ako. madalas naman eh nakakatsamba ako dahil nagagawa ko naman ung gusto nilang mangyari.

naalala ko tuloy nung bumili ng laptop ung kapatid ko. umuwi syang may dalang malaking box, tapos inabot sa akin.

ate, pakiayos na lang ha. gusto ko may internet na saka YM, limewire saka Office na rin. basta gusto ko ung laman ng laptop mo un din laman nito.

aba, kamusta naman ang request? gusto ko sanang tanungin, ano pa po sir? tiningnan ko na lamang sya at sabay binuksan ung box. kunwari pang ayaw ko, pero matapos ang isang oras, ka-chat ko na ung bestfriend ko gamit ung laptop nya. walang bayad ang services ko pero, mga one week namang naging mabait sa akin ung kapatid kong un. ayos na rin.

pero madalas din na di ko alam kung anong gagawin kapag may problema silang teknikal. dyan na sasabihin ng kapatid ko ang famous line nya na.. “kala ko ba IT graduate ka?” na ang madalas kong sagot ay, ‘eh ano ngayon?’ eh ano naman ang kinalaman nang pagka-IT grad ko kung di mareceive ng girlfriend nya ung mga text gamit ang Chikka? eh sa di ko naman talaga alam. nadamay pa tuloy ung course na natapos ko.

nak, tulungan mo nga akong ayusin tong bulaklak na ibibigay natin sa lola mo.
akin na ma.
kinuha ko ung bulaklak at inilagay sa vase. gupit dito, gupit doon. matapos ang ginagawa….
ma, ang pangit eh. pano na yan? di maayos ung pagkaka-align ng mga bulaklak.
ok naman eh. pantayin mo lang ito.
gupit ulit. kaso lalo atang di pumantay. gudlak, ang pangit talaga. para pa naman kay lola to.
sigurado kayo ma? ok na to?
oo. pwede na yan. kung hindi man eh di bili na lang tayo ulit. *wink*
bili na lang tayo ma, ako na bibi—
ate. patulong naman dito sa PC ko, nag-hang kasi eh. wala naman akong ginagawa.
pasigaw. ok saglit.
ma, kuha lang ako ng pera ha. basta tapon nyo na yan. nakakahiya kay lola eh. hehehe. tapos gagawa na rin ako ng card na ipi-print ko. ok?

bakit ba kasi di na lang gawing computerized lahat. malay ko naman sa flower arrangement?

buti na lang IT grad ako at may silbi pa ako sa bahay namin. pano na lang kung hindi? gudlak.

bak 2 baraks

10 Comments » January 23, 2008 » 788 days ago
blog update

badtrip. wala pa rin akong maisip ilagay dito.

habang lalo atang tumatagal ang pagpapahinga ko, lalong nawawala ang ideya. di ito pwede.

isang lame post.

bagong theme nga pala. :)

babalik na ako bukas. hopefully may mailagay na akong matino.. :D

bloghop mode.. ^_^

p.s. salamat nga pala sa mga bumisita nung wala ako.. :) super thank you. medyo more than 2 days nga ata akong nawala. hehehe.. ^_^

Tan ta-ran taran-taran-taran tarantaraaaaaan tararararan!

12 Comments » January 19, 2008 » 792 days ago
Uncategorized

Prime Suspects

Habang inilalagay ko sa aking bag ang charger, na nakakahon sa isang printer ink box, na kasama ng hiniram naming Sony Ericsson z520i na gagamitin sa aming thesis application ay napatitig na lang ako sa loob ng aking bag.

Haha, kailangang piktsuran ‘to.

Apat ang aking bluetooth dongles, ewan kung bakit. Dalawa lang naman ang pc ko sa bahay at ganun din naman sa lab. Nariyan din ang flash disk na pwedeng mabaklas sa tatlong bahagi. Hindi talaga akin yung aquarium mouse, hehe, nilagay ko lang para makadagdag. Isama mo pa ang mga installer cd’s ay hindi talaga ako maikakailang hindi nalalayo nang matagal sa computers.

Makikita rin ang circuit/proto/bread board para sa aking digital circuits lab project. Kaya makakadukot ka ng iba’t-ibang resistors, capacitors, LED’s, switches, wires, AND at NOR gates, 74LS86’s, JK flipflops (not for the feet), pati na rin ang BCD display na parang sa calculator. Sana matapos na namin ang project na yan, na nung friday pa ang deadline.

Treasure talaga ang bag ko na yan dahil mas marami pa siyang lamang pera kaysa sa pinagsamang halaga nung nasa wallet ko at bulsa. Nariyan kasi ang ipon ko, kung meron man, na madalas nauubos sa pagkain, hehe.

Kaban rin yan sa aming bahay dahil kung may nangangailan sa amin ng perang panukli sa nagbayad para sa mineral water, pantaya sa jueteng (shhh), pambili ng meryenda sa naglalako ng kakanin, baryang pangtraysikel at dyip, o nuong pasko ay pambigay sa nangangaroling ay konting dukot at halukat lang sa loob ng aking bag ay may pera na. Kung barya lang naman e hindi ako magrereklamo. Pero pwede ring iloan ang perang naipon ko nang walang interes, basta ba bayaran lang kapag kailangan ko na at please, walang gulangan, dahil hindi ko naman binibilang kung magkano nga ang andyan. Suki ko ang nanay ko diyan.

Akin rin nga pala ang magnifying glass na yan dahil malabo na ang mata ko at ayaw ko namang magsalamin at asiwa rin ako sa contact lens, biro lang. Matagal ko lang kasing gustong magkaroon nun, hehe.

Haha, nakalimutan kong meron akong tatlong notebook, apat na bolpen, yellow pad at samu’t saring readings.

(Habang isinusulat ko ito ay kumuha na naman ang nanay ko ng barya)

idlip mode

18 Comments » January 18, 2008 » 793 days ago
blog update

tulogna.jpg

di ko alam kung bakit ko gagawin ‘to. pinangako ko na di ako mawawalan update kapag nagkaroon na ako ng sarili kong bahay sa WWW. wala nang hiatus. kaso, feeling ko, kailangan ko munang magpahinga.

kaya ako nagbo-blog ay dahil sa gusto ko. gusto kong magsulat kahit na madalas ay ako lang ang nakakaintindi ng isinusulat ko. ‘outlet’ ito para sa akin. kaso sa paglipas ng mga araw, minsan iniisip ko, ‘bakit pa nga ba ako nagbo-blog?’ hmmm, eh kasi kailangan? eh kasi dapat? di ko na naidadahilan na dahil sa GUSTO ko.

dati-rati, di ako nagtatatlong-isip sa kung anong ilalagay ko dito sa blog ko. wala akong pake kung may hindi matuwa sa mga nilalagay ko dito. pero bakit ngayon, nagiging maingat na ako? bakit ngayon kailangan ko nang kumunsulta sa ibang tao? nakakapagod din pala ang pagsusulat. kaya rin siguro kailangan ko munang magpahinga. mga two days, mula sa blogging.

mamimiss ko kayo. sa lahat ng mga walang sawang nagbibigay ng comments sa mga post ko.. ay tenk you! sobrang salamat! di nyo lang alam kung gaano ako kasaya sa tuwing may email akong narerecib na may nagcomment daw sa post ko. muli salamat!

thank you.

…….

i really hate goodbyes..

i’ll c u later.. ^_^

bakit nga ba ngayon ka lang?

10 Comments » January 16, 2008 » 795 days ago
emo daw, inlove

..nais kong malaman, bakit ngayon ka lang dumating..

i h8 dat paking song. tawagin mo na akong bitter, pero suriin mo nga ung lyrics nung kanta mismo? kung gusto mo, pwede ka na ring maki-sing along.

Audio clip: Adobe Flash Player (version 9 or above) is required to play this audio clip. Download the latest version here. You also need to have JavaScript enabled in your browser.

bakit ngayon ka lang

Bakit ngayon ka lang
Bakit ngayon kung kelan ang aking puso’y meron nang laman
Sana’y nalaman ko na darating ka sa buhay ko
Di sana’y naghintay ako…

Bridge:
Ikaw sana ang aking yakap-yakap
Ang iyong kamay ang aking laging hawak
At hindi kanya…

Chorus:
Bakit ngayon ka lang dumating sa buhay ko
Pilit binubuksan ang sarado ko nang puso
Ikaw ba ay nararapat sa akin
At siya ba’y dapat ko nang limutin
Nais kong malaman bakit ngayon ka lang dumating

isipin mo na lang, may syota ka. tapos malalaman mong may ka-duet na pala syang ibang tao tapos yan pa ang kanta. anong mafe-feel mo? ang sakit nun ha. bakit ko alam? dahil na-feel ko yan.

1st yr college. 1st boifrend. 1st heartache. lahat na ata ng first naranasan ko noon. akala ko magiging masaya. akala ko ‘perfect’, pero nagkamali ako. nagbreak kami matapos ang 2 buwan. anong dahilan? di malinaw kung ano. ang hirap dahil kaklase ko pa sya. ewan ko kung nananadya sya o talagang nananadya, nagkaroon pa sya ng gf na kaklase ko rin. gudlak. bago maging sila, kami pa rin ata nung ex ko pero nagkakalabuan na kami, narining ko ung paguusap sa classroom.

ano? bakit ngayon ka lang kanta nyo?
bakit nga ba ngayon lang, pinatagal nyo pa kasi.
kumplikado pa eh.
walang kumplikado dun, basta mahal nyo ang isa’t-isa, go na!

nagwalkout ako sa klase, nagpunta sa kaibigan ko sa kabilang building at umiyak. masakit. parang nakakaloko. ung tipong, mapapaisip ka na di na ba masaya ung taong mahal mo sau kaya sya naghahanap ng iba? kaya sya nagmahal ng iba? damn. ubos ang katauhan ko.

kahapon lang, narinig ko ung kanta ulit. pero iba na ang tingin ko dito. di ko namalayang nakikisabay na pala ako sa part na kinakanta ni pops fernandez. ayoko pa rin dun sa kanta pero sa ibang dahilan na. di na dahil sa bitter ako. di na dahil sa broken hearted ako. ito ay dahil sa oo nga, bakit ngayon ka lang dumating? bakit ngayon lang kita nakilala? bakit ngayon pa kung kelan di pwede?

Ikaw ba ay nararapat sa akin
At siya ba’y dapat ko nang limutin

dapat nga ba? ewan. siguro nga hindi pa ngayon. siguro, sana, bukas o kaya next times.

handa ka namang maghintay diba? :)
maghihintay din ako.
malay natin…

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.