paranoid si karmi
29 Nov. 2007.
one e-mail received.
It was nice to have the chance to work with you, it made working nights better and made the work go faster. I enjoyed being your working partner, and I will miss our conversations about life and everything else. I hope to hear from you soon so keep in touch.
me thinks: wala na ung partner ko. :( wala na akong kasama sa trabaho, wala nang ka-chikahan. dadalawa na nga lang kami, iniwan pa nya ako. :( hay, gudlak sa akin. malamang sa malamang eh wala akong magiging day-off nito. 7 days a week ang magiging trabaho ko. hmmm, ayos lang naman, overtime pay din. sana lang kayanin ko. sana lang talaga.
sino kayang magiging partner ko? sana babae ulit. gusto ko babae ulit….
first week of Dec. 2007.
supervisor: they are currently hiring for the position. do you know anybody who would want to apply?
me thinks: meron. ung pinoy na nakilala ko. hmmm, kaso gusto ko babae eh. pero ok na rin un, kahit lalaki, pinoy naman. makakasundo ko rin naman siguro un. makakadaldalan. pwede. ite-text ko na sya para makapag-apply sya. sana sya na ung matanggap. sana walang ibang magapply! hehehe.
2 days before Christmas.
me thinks: pagod na ko. x_x hirap pala ng halos walang day-off. hirap ng walang pahinga. sana may matanggap na sila. kahit sino na lang. ok na sa akin kahit lalaki. basta meron. basta magkaroon lang ako ng off.
2nd shift operator: hey karmi, have you heard if they got somebody for the position?
me: nope, i haven’t.
2nd shift operator: do you prefer working with a girl again or do you want a guy?
me: i know my supervisor would want a guy operator. right know, i don’t care anymore. they can get anybody.
a day before New Year.
2nd shift supervisor: karmi, they got a new guy already.
me: guy? means they got a guy?
2nd shift supervisor: yup, they did. i heard he was blahblahblahblah…
me thinks: patay. lalaki nga ang nakuha. naku naman, hindi pa ung pinoy ung nakuha. mexicano daw. makasundo ko kaya sya? sana naman.
2nd shift supervisor: he is 27 yrs. old and a certified bachelor..
me thinks: ay sus. lablyp kaagad ang naisip nito. lalo tuloy akong kinabahan. sana lang mabait sya. naku, pano na lang yan, di na ako makaka-idlip saglit sa trabaho. gising na ko nito magdamag. sana babae na lang ung nakuha nila…. :(
01 Jan. 2008
ako: dad, may nakuha na sila para dun sa trabaho.
tatay ko: sino daw?
ako: si blahblahblahblah.
tatay ko: ah, kilala ko sya. mabait un. ok un.
me thinks: ayos, kilala ng tatay ko. pede-pede. ewan ko ba kung bakit ako kinakabahan. alam kong masama ang magisip ng kung ano sa kapwa mo, pero di ko maialis sa sarili ko ang mag-isip. dalawa lang kami sa computer room. hay naku, sasapakin ko un kapag nagtangkang gumawa ng kung ano!
9 Jan. 2008
supervisor: the new guy will start on Monday, the 14th.
me thinks: ok. may ilang araw pa ako para maghanda. mejo di na ako kinakabahan. sabi nung isang bisor, mas malaki daw ako sa kanya kaya kayang-kaya ko syang sipain. hahaha. sana lang magawa ko un. pero, sana lang talaga makasundo ko sya.
supervisor: you’ll be ok karmi. just remember one word and you’ll be fine.
me: what word?
supervisor: NO.
me thinks: ok. NO. gudlak!
wala akong maisip na title. actually, wala akong maisip na i-post. sa sobrang wala akong ideya, naisip ko na lang na ilagay ang picture ko dito. hopeless case na ata talaga ang pagkakaroon ko ng writer’s block (feeling writer kasi). pagtyagaan nyo na picture ko. gudlak.




