dahil di ko natiis hindi magblog

21 Comments » February 28, 2008 » 752 days ago
buhay SATown, homesickness

once a blogger, always a blogger.

dahil na-miss kong magblog (2 days lang ung hiatus ko), kahit na puyat ever ako eh naisipan kong magupdate na lang. kanina ko pa rin kasi tinititigan itong screen ng laptop ko, at since wala ring gustong kumausap sa akin sa YM eh why not magblog na lang.

maraming thank you sa mga dumalaw dito habang wala ako. as in sobrang thank you po! ^_^

==

isang pag-uusap:

nak, nakapagbayad na kami para sa tickets namin paguwi ng Pinas. ikaw na lang ang hindi nakakabayad.
eh dad, sa Linggo pa sahod ko sa paluwagan eh. pano po un?
tingnan ko kung pwede muna naming bayaran ung ticket mo. iche-check ko ung balance pa namin sa bangko.
*sana naman umabot pa* ok po.

anak ng teteng, maiiwan pa ata ako sa June ah. ayaw ko!!!

malapit na nga akong umuwi ng Pinas. yahoong-yahoo! June 10 ata ung naka-book na flight namin. bakit kami uuwi? dahil ikakasal ako. este ung kapatid ko palang lalake. makakauwi na rin ako sa wakas.. :) miss ko nang gumala. miss ko na mga kaibigan ko. miss ko nang gumala ulit. hehe.

ikakasala ang aking kapatid, ibig sabihin, maggo-gown ako. huwat! isang malaking ano daw? haay, kelangan kasi eh. gudlak sa akin, magiging babae ako for once. kelangan tuloy magpapayat. kelangang maganda sa araw na un. kahit na minsan lang sa tanang buhay ko eh maging maganda ako. last week ata un, sinukatan na kami ng nanay ko para sa susuotin namin sa kasal.

ma, bakit naman ang agang hinihingi ung sukat? magpapapayat pa ako.
sus ate, as if namang pumayat ka pa.
kailangan na daw nung mananahi eh. hayaan mo, liitan na lang natin ung sukat para kapag pumayat ka, konti na lang ung ia-adjust.
ma, dapat po lakihan ung sukat kasi baka tumaba pa si ate.
kotongan kita dyan eh.

kailangan ko nang magpapayat talaga. seryoso na to. di lang sabi-sabi lang. sana lang may ginagawa ako para mangyari un diba? sana lang talaga.

excited na rin ako para sa kasal ng kapatid ko. hmm, mas bata sya sa akin, kaya medyo parang ayaw pa ng mga magulang ko sa umpisa. pero since andyan na, eh di go. tingin ko naman kaya na rin nyang magsimula ng sarili nyang pamilya. badtrip nga lang, naunahan nya ako. inaasar tuloy ako ng mga kaibigan ko.

tol, hindi ka na makakapagasawa nyan. ikakasal na si melo eh.
malay mo, ako ang ikasal sa june.
kanino naman?
hehe. ewan ko rin.

totoo ba un? di naman siguro. eh sa wala akong juwa eh, anong magagawa ko. oh well, basta masaya naman ako para sa kapatid ko. masaya kasi di na nya ako aawayin. hehe.

kasal, kasal.. matagal pa siguro bago ako ikasal. hanap muna ako ng matinong boiprend. :)

ah basta, excited na akong makauwi! ^_^ (un eh kung mabayaran ng tatay ko ung tickets ko) sana naman po…

on blog leave.

16 Comments » February 25, 2008 » 755 days ago
blog update

work mode  

on blog leave.

ayokong gawin pero kelangan. this time valid na ung reason ko at hindi lang drama lang. kamusta naman kasi sa trabaho, wala na naman akong day-off. OT ever na naman. kaya sa halip na magbloghop at makipagkulitan sa net, naisip kong gamitin na lamang ang oras na un sa pagtulog. growing kid kasi eh. :)

sagabal talaga ang trabaho sa pagbo-blog.

babalik din ako, once na umayos na ulit ang schedule ko. ^_^

mamimiss ko kayo. sa mga nagco-comment, keep it coming! ^_^ salamat sa mga nagmamahal.. sa mga nakikipagex-links, dalawin ko kayo next times at i-add ko na rin kayo sa links.. salamat ulit sa mga dumadalaw dito.. :D

message nga pala para sa mga ka-idlip ko:

komski: oi, bumalik ka na! dapat pagbalik ko eh nakabalik ka na ha.. bawal nang mag-hiatus sa idlip! hehehe.
kuya igno: hi kuya! goodluck sa iyong mga plano sa buhay.. :) wag masyadong karirin ang pagco-confe.. hehehe..
noime: ganda, goodluck sa mga exams mo! yihhii, malapit ka nang bumalik ng pinas.. makikita mo na ulit si papa kriz.. ^_^
theyz: tol, di mo ko pinapansin sa YM. hmmp! lol.. alam kong busy ka rin.. :)
yeye: at ano naman ung ikukwento mo sa akin? manliligaw na ba sya? hehehe.. ayihiii…

photoblog #2: text addict.

18 Comments » February 24, 2008 » 756 days ago
photoblog

 

text addict.

 

almost a million unread messages in my inbox. weird.

ako na lang sana.

15 Comments » February 22, 2008 » 758 days ago
emo daw

drama mo talaga. just saw your friendster profile.

message sent.

single ka na pala, ayon sa friendster profile mo. madrama rin ung nasa status message. ibig sabihin ba eh wala na kayo? akala ko ba gagawa ka ng paraan para di sya mawala sayo? akala ko pipilitin mong ayusin? eh bakit ganon, parang sumuko ka na ata?

simula pa ata last week eh nagpapalitan na tayo ng text tungkol dun. valentine’s day pa nga nung buong araw ata tayong magkatext. kahit nasa mall ako at kinukulit ng mga kapatid ko eh hindi ko sila pinapansin. naglalabas ka kasi ng sama ng loob. nagtampo ka sa kanya dahil valentine’s day at monthsary nyo pa pero di ka man lang nya binati. lahat na ata ng paliwanag na naisip ko eh sinabi ko na sayo. pero parang di ka nakikinig at pansin ko na sobrang galit ka na. ako na nga rin ung sumuko eh, dahil di ko na alam ang sasabihin ko sayo. natawa ka lang at sinabing salamat dahil may napaglabasan ka ng sama ng loob. wala un, sabi ko na lang.

ngayon, ilang araw lang matapos ang valentines, wala na ata kayo.

bigla ko tuloy naisip, sana ako na lang ang pinili mo dati. dahil kung ako ung pinili mo, di kita sasaktan. magiging masaya tayo. kaso, di mo ako gusto kaya sya ang napili mo. nagkamali ka ba? sana hindi, dahil alam kong sya talaga ang mahal mo.

sana magkabalikan pa kayo. sana maayos nyo pa yan. magusap lang kayo, un naman ang kelangan. ako ang nanghihinayang sa inyong dalawa eh. dahil kaibigan ko kayo pareho. ayokong nakikita kayong malungkot. lalo ka na.

kaibigan kasi kita, kaya ayoko na nasasaktan ka..

….kung ako ung pinili mo, mamahalin talaga kita.

photoblog #1: no smoking

12 Comments » February 21, 2008 » 759 days ago
photoblog

the next thing that i really, really wanted to do after getting my own domain is to make a photoblog. i’ve had that plan since January, but it didn’t push through. one of the main reason is maintaining it. i barely have enough time to update my blog and visit other blogs, and now i would make another one? nope, ain’t gonna happen. second of all, i might not have enough pictures. if ever i’ll be making a photoblog, i think i must update it like twice a week and i don’t have a lot of pictures. i might end up posting my own pictures, and i don’t want that to happen! its a photoblog, not a photo gallery of ME! third reason, i don’t think anybody will visit my photoblog. well, maybe some will but not a lot.

soooo, i just decided to put it here in my blog. :) i’ll put up some pictures that i took using my ever-dependable digital camera.

Photoblog #1: no smoking

cimg6146.JPG

karmi warning: cigarette smoking is dangerous to your health. =)

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.