ate, palitan mo na ‘tong kalendaryo mo. February na.
tingin sa kalendaryo.
o nga noh. yehey, February na. yehey. (sarkastik)
hapi balentyms na.
Pebrero. buwan na naman ng mga puso. mabenta na naman ang mga love letters, bulaklak, tsokolate, at malalaking stufftoys. paniguradong ma-trapik na naman sa may Cubao at Sta. Mesa. red at pink na naman ang mga official color ng paligid at naglipana na naman ang mga hugis pusong cut-outs kahit san ka tumingin. korny at chessy na naman ang mga tao. bitter na naman ako. hehehe.
i love the feeling of being in love. lalo na kapag ung nagsisimula pa lang. ung mga kilig moments, bolahan ever at ung sinasabi nilang butterflies sa loob ng tyan mo. ilang beses na rin akong nainlove. ilang beses kinilig. ilang beses nabola, in the end ilang beses ring nasaktan. pero kahit na di laging happy ending ang lahat ng love stories, am happy na na-experience kong mainlove. masaya na rin ako dahil natutunan kong magmahal. naks. :)
at dahil love month na nga, naisipan kong magshare ng love quotes. para sa mga bitter, heartbroken, one-sided love, nalilito, gustong mainlove, makulit na inlove, kasalukuyang inlove o nagmo-move on na.. ito ay ilang sa mga paborito ko.. ^_^ mejo cheesy ung iba kaya pagpasensyahan na.. hehehe












